BEAUTY POV.
"Seryoso ka d'yan, ah," sambit nito at marahan binangga.
"May nakaaway ako sa palengke kanina. Sira na raw ang isda na nabili sa akin," 'walang gana kong saad kay Nitoy.
"Oh, di'ba tinambakan natin ng yelo iyon sa kuler. Paanong nasira iyon?!" gulat nitong saad.
"Ang bobo mo kasi!" inis kong baling rito.
"Oh! Bakit ako!" gulat na turan.
"Paano ba naman, hindi mo binalik ang takip ng kuler. Ayon! Ubos ang yelo 'wala pang tubig na malamig sa kuler," mahaba kong saad rito at pinitik ng kamay ang upos ng sigarilyo at nalaglag sa sahig.
"Maiwan na kita d'yan. Maaga pa ako bukas umaga pupunta ng palengke," wika ko.
"Sige, sige. Sweet dreams," sambit nito at pilya ako napangiti. Tinusok ng daliri ito sa tagiliran at nakangising nag salita.
"U-uy, may pa sweat dreams pa siya." Pang aasar ko rito.
"Sige na, pumasok ka na," inis nitong saad.
"Ba-bye, good night!" sambit ko pa bago tuluyan naglakad papasok ng loob ng bahay.
Kinabukasan ay maaga ako gumising, nag punta ako ng palengke at nagtinda. Sobrang dumi ko na pero hindi pa rin nauubos ang mga paninda ko. Napabuntong hininga ako, lugi na ako kapag hindi naibenta lahat ng isda kong paninda. Sumapit na ang gabi ngunit magkano lamang ang benta ko, hanggang sa makita kong lumapit si Nitoy sa tindahan ko.
"Oh, Nitoy. Bakit ka nandito?" tanong ko at kumamot ito sa ulo.
"Pahiramin mo muna ako ng isang libo Beauty," wika nito at napangiwi ako.
"Anak ka naman ng pating Nitoy! 'Wala nga akong benta, eh!" yamot kong sambit rito.
"Ganoon ba, pasensya na," turan nito.
"Ayos lang, kunin mo na muna itong benta ko kung kailan mo na. Basta ibabalik mo ito, hindi muna ako makakapagtinda sa palengke bukas," mahabang baling ko kay Nitoy.
"Bakit hindi ka magtitinda?" tanong nito.
"Wala nga akong pera, magkano lang itong benta ko. Tignan mo ang daming ko pa rin mga isda," saad ko nang biglang mahagip ng mata ko ang kaibigan kong si Lucy. Napatitig ako rito mula ulo hanggang paa nito.
"Nitoy! Si Lucy ba iyon?"Kalabit ko kay Nitoy.
"Oo," tipid na turan ni Nitoy.
"Ang ganda at ang sexy niya," nakangiting saad ko.
"Mas maganda ka diyan Beauty, pangalan mo pa lang pang miss universe na," wika ni Nitoy.
"Sira! Syempre mas maganda ako diyan noh!" turan ko.
"Kaya lang naman gumanda iyan dahil sa club 'yan nag ta-trabaho," wika pa ni Nitoy.
"Oh, talaga!" hanga kong baling kay Nitoy at muling pinagmasdan si Lucy na namamalengke.
"Beauty!" tawag ni Lucy sa akin at kumaway ako rito habang malawak ang ngiti.
"Oy, Lucy. Akala ko hindi mo na ako nakilala," nakangiting baling ko rito nang makalapit.
"Bakit naman hindi, ikaw talaga Beauty," turan ito.
"Lucy, bili ka ng paninda ko. Kanina pa akong 'walang benta," sambit ko rito habang nakasimangot.
"Bakit ka pa kasi nagpapakahirap mag tinda d'yan. Sumama ka na lang sa akin doon kikita ka ng malaki, kumapara rito. Yuck! Look at you now," saad nito.
"Sa bar ba 'yan?" tanong ko.
"Hoy! Huwag mo madamay-damay si Beauty sa trabaho monv iyan, ah," saad ni Nitoy.
"Ay, Lucy huwag mo pansinin 'yang si Nitoy. Tayong dalawa ang mag usap. Ganito kasi iyan, kailangan ko ng puhunan bukas. Puwede bang extra lang ako kahit isang gabi lang." Paliwanag ko kay Lucy.
"Yeah, sure," nakangising turan ni Lucy na kinatuwa ko.
"Oh, Nitoy tulungan mo ako maglipit ng mga paninda ko," baling ko kay Nitoy.
Yes! May puhunan na rin ako sa wakas, tuwang-tuwa kong sambit sa isipan ko.
Matapos ng gabi na iyon, kinontak ko si Lucy at isinama ako nito sa isang maganda at malaking club. Napauwang ang mga labi ko sa ganda at laki ng club.
"Beauty, saling pusa ka lang naman rito. Kaya huwag ka mag alala hindi kita pababayaan," baling ni Lucy sa akin.
"Salamat Lucy," nakangiting saad ko.
"Show up!!" sigaw ng matandang lalaki.
"Oh, show na. Sumunod ka sa akin Beauty," baling ni Lucy sa akin.
Huminga ako ng malalalim habang papasok sa isang malawak na puro salamin na room. Suot ang mataas na heels at sobrang ikli na itim na dress pumasok kami sa malawak na kuwarto.
Doon tumambad sa akin ang mahabang lamesa. Napakaraming lalaki na nakaupo at pormal ang mga suot. Nakahelera kaming mga babae sa mga harapan ng mga ito hanggang sa mapansin ko ang lalaking nakasuot ng suit. Sandal ang ulo sa sofa at marahan na nakapikit. Pamilyar sa akin ang lalaki Kaya't nakatitig ako rito hanggang sa isa-isa nag upuan roon ang mga kasama kong mga babae.
"Boss, ikaw baka gusto mo?" baling sa lalaking nakapikit sandal ang ulo sa sofa.
Nagmulat ito ng mata at isa-isa kaming pinasadahan ng tingin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makilala ang lalaki. Ito ang lalaki sa palengke, ito iyong bumaba sa itim na sasakyan. Saad ko sa isipan ko.
"Wala na bang iba," walang gana nitong turan.
"Si-si Beauty po ang kunin ninyo, maganda at virgin pa po iyan," sabat ni Lucy at nanlalaki ang mata kong napatitig kay Lucy.
"Sino 'yun?" kunot noo na tanong ng guwapong lalaki at hinila ako palapit ni Lucy rito.
"Siya si Beauty," sambit ni Lucy at nagsalubong ang tingin namin ng lalaki.
Sumenyas lamang ito at pina upo ako sa tabi nito.
"H-hi," bati ko sa lalaki at tinapunan lamang ako ng tingin at agad rin nag alis at bumaling sa sigarilyo. Nag sindi at hinithit nito.
"Ronel," tawag nito.
"Boss!" turan ng lalaki sa kabilang upuan.
"Sabihin mo agad sa akin kapag tumawag si Elvis," wika nito.
"Kopya boss," turan ng lalaki hanggang sa napunta sa akim ang tingin ng lalaki.
"Magkano?" walang emosyon na saad nito.
"H-ha?" nauutal kong tanong.
Tumayo ito at hinila ako patayo. "Te-teka sandali, " saad ko habang hatak ako nito.
Binuksan ang isang pinto at pinasok ako sa isa pang kuwarto. Diyos ko po! May kuwarto pa pala rito. Mangha kong wika hanggang sa balingan ako ng lalaki. Hinatak ako nito pahiga sa kama at pinatungan.
"Hubad," mahinang saad nito.
"Sa-sandali," nangingiwi kong saad at naigtad ako sa gulat ng punitin nito ang dress kong suot.
"Sandali! Anong ginagawa mo?!" gulat saad rito at marahas ako hinalikan sa mga leeg ko.
Nakaalis ako sa ilalim nito nang malakas ko maitulak. Bumaba ako ng kama at inayos ang punit kong dress. Kahit guwapo itong lalaki ay nakikita kong kakaiba ito, hindi ko iyon gusto kaya ipagdadasal ko na lamang ang lalaking ito. Saad ko sa isipan akmang palabas na ng pinto ngunit mabilis hinatak nito ang kamay ko at sakal na sinandal ako sa dingding.
"How dare you to doing like this," saad nito at binitiwan ako.
Umubo ako habang hawak ko ang leeg, nagsalubong ang tingin namin nito akmang muli ako babalingan para halikan pero malakas na suntok ang dumapo sa pisngi nito at napatitig sa akin.
"Bago ko subukin ang lugar na ito, inaasahan ko na ito. Ang mga taong kagaya mo!" galit na saad ko at kinuha ang pagkaliit-liit na balisong nakatali sa sa pinakataas ng hita ko. Inilabas ito at tinutok ko sa mukha ng lalaking inakala kong Anghel, ngunit demonyo pala.
Napangisi ito habang nakatitig sa akin, doon kumunot ang noo ko at mahina nag salita.
"Anong nakakatawa," kunot noo na baling rito.
"Tingin mo kaya ako patayin ng maliit na balisong mo na 'yan," natatawang saad nito at napatitig sa hawak kong balisong.
Doon may maliit akong pinindot at tumulis at humaba ang maliit na balisong. Inamba ko ito sa lalaki at mahina nagsalita.
"Maliit pa ba sayo 'yan?" mariin kong wika habang natitigilan na ito.
"Atras!" sigaw ko rito at umatras habang ngayon ay may pag ngisi.
Dahan-dahan ako bumaling sa pinto palabas at nabungaran masayang nag iinuman sina Lucy at mga kasama nito.
"Aalis na ako Lucy, mapapahamak pala talaga ako sa ganitong lugar," mahinang saad ko sa harapan ng maraming tao na nag iinuman sa loob ng kuwarto.