KABANATA 2

1237 Words
BEAUTY POV. "Manang! Ang sukli n'yo 'ho nakalimutan n'yo!" tawag ko sa matanda. "Salamat Ineng, napaka bait mo naman bata ka," turan ng matanda. "Hindi naman 'ho, gusto ko lang 'ho talagang isauli 'yan. Nang swertehen naman ako rito sa mga tinda kong isda," wika ko at ngumiti ang matanda bago magsimula umalis sa harap ng mesa ko. "Oh! Mga suki! Murang-mura na lang!" hiyaw ko sa nagpadaan-daan na mga tao. Jusko naman! 'Wala pa akong ka benta-benta. Lord! Please naman,oh! Sana maubos na ngayon itong mga paninda ko. Sambit ko sa isipan. "Suki! Halika! Bigay ko na lang wampepty tumpok itong galunggong. Kunin mo na!" Pang hihikayat ko sa babae. "Ang mahal naman," bulong na babae. "Ay! Kaloka ka Ateng, o sige! Limampiso na lang sayo! Kunin mo na!" sikmat ko. "Limampiso?" Pagtatakang saad nito. "Oo! Limampiso at kunin mo na! Kunin mo na ang palanggana sa gilid at maihampas ko na r'yan sa mukha mo!" singhal ko sa babae. "Anong sabi mo?! Hindi ako bibili sa'yo! Bulok 'yang isda mo!" sigaw ng babae habang paalis sa harap ng tindahan ko. "Mas bulok 'yang mukha mo!" ganti ko pang sigaw rito. Bwisit na babaeng 'yon! Mamalasin pa ang mga tinda ko. Mabuti at tumpok ko ay mura lang, 'wala na ang murang galunggong ngayon! Lahat nag taas na, mahabang wika ko sa isipan ko. Ilang oras pa ako nanatiling nakatayo at nag sisigaw. Kailangan ko mag tiis sa palengke at nang sa ganoon mayroon muli ako pambayad ng renta sa bahay. Kahapon pa kami sinisingil nina Inay at Itay. Hay nako! Habang buhay na ba akong lalanghap ng malansang isda, 'wala na bang mangyayari sa buhay ko kundi mabulok na lamang rito sa palengke. Ilang sandali habang tulala ay nabigla ako nang bumakat sa mukha ko ang isang supot ng isda at nalag-lag sa sahig. Binalingan ko ang taong bumato sa mukha ko at nakita ang matabang babae. "Hoy! Bulok na ang isda mo! Pero tinitinda mo pa!" galit na singhal sa akin nito ngunit pinagmasdan ko lamang ito. "Lalasunin mo pa kami! Mabuti na lamang ay hindi pa namin nailuluto lahat, kung hindi magbabayad ka ng malaki sa amin!" galit na dugtong pa ng babae. Dinampot ko ang isang supot ng plastik may lamang isda. Inamoy ko ito at tila nag iba na nga ang amoy. "Teka, sira na ito. Kanino mo binili ito?" nagtatakang tanong ko. "Kanino pa ba?! E'di sa'yo! Kanina ko lang binili,"turan nito. Nag palipat-lipat ako ng tingin at sumagot. "Hindi ko paninda 'yan, kilala ko ang tinda ko," nangi-ngiwing sambit rito. "Hoy! Sayo 'yan! Kanina ko lang binili, remember?!" sikmat nito. "Hindi nga akin 'yan! 'Wag ka makulit!" sikmat ko rito. "Ah, ganon!" sambit ng babae at akmang susugurin ako ngunit agad ako umiwas dahilan ng pag dulas nito at rumatay sa sahig. Pagak ako tumawa habang nasa harap nito. Ngunit maya-maya agad din nawala nang umuusok ang ilong nitong tumayo, akmang sasabunutan ako ngunit tinakbuhan ko ito. "Jusko! Hinahabol ako ng baboy," sambit ko hanggang sa napunta ako sa gitna ng kalsada. Isang malakas na busina ang bumara sa tenga ko. Huminto ang magarang sasakyan at bumaba ang driver. "Hoy! Babae! Tabi r'yan!" sigaw ng lalaking malaking armado. "Hoy, ka rin! 'Wag mo ako ma sigaw-sigawan at baka tamaan ka sa akin!" sikmat ko rito ngunit natigilan nang makitang papalapit na ang matabang babae sa akin. Sinunggaban ako nito at bumagsak kami sa sahig. "Tulong! Tulungan n'yo ako!" sigaw habang napi-pipitpit na ng matabang babae. "Ronel! What's going on. Umalis na tayo," rinig kong sambit ng matipunong boses ng lalaki. "Hoy! Mag silayas kayo sa daan!" sigaw naman ng armadong lalaking nasa harap namin. "Ronel! Nagagalit na si boss," rinig ko naman saad ng isa pang lalaking bumaba rin ng sasakyan. Maya-maya ay napansin ko ang isa ang lalaking bumaba ng sasakyan. Agad ako nakawala sa matabang babae at mabilis bumangga sa lalaking kaba-baba lang ng sasakyan. "Aray!" daing ko nang mabangga sa lalaki at tumama ang ulo ko sa sasakyan. Akmang muli susugod ang matabang babae ngunit agad ako nagtago sa likuran ng lalaking nabangga. "Kuya! Paalisin mo, 'yan. Hindi ko kaya ang babaeng 'yan," wika ko sa lalaking nabangga at nag angat ako ng tingin rito. Kunot noo itong nakatitig sa akin, hindi ko mawari kung galit ba ito o hindi. Ngunit ang unang napansin ang gwapong mukha nito. Makapal ang pilik mata at kilay. Mamula-mula ang labi at matipuno ang katawan nito. Napansin ko ang malaking tattoo nito sa dibdib dahil sa ilang butones na tanggal. Nakakahumaling siya pagmasdan na para bang isa itong anghel. Ang gwapo n'ya! Hiyaw ko sa isipan habang nakatitig rito. "Move," mahinang wika nito. "A-ano... ?" nakangiting tanong ko rito. Tila nawala ako sa sarili ko habang nakatitig rito. Mula sa likuran ng buhok ay nahablot na lamang ng matabang babae paalis sa harap nito habang ang tingin ko ay narito pa rin. Oy, grabe! Ang gwapo n'ya! Sambit sa isipan ko. Nakita ko pa itong tinapunan ako ng tingin habang pasakay na ng sasakyan. "Ronel, let's go," rinig ko pang wika nito hanggang makasakay ng sasakyan. Makalipas ang buong araw nakauwi na ako ng bahay. Kasalakuyang ginagamot ni Inay ang mga naging sugat ko habang ako ay nakangiting nakatulala pa rin. Hindi maalis sa isipan ko ang lalaking kaninang nakita ko sa kalsada malapit sa palengke. Grabe ka gwapa ng lalaking iyon. Pwede na ako mamatay, mahalin lamang n'ya ako. "Hoy! Beauty!" sigaw ni Inay at nawala ang ngiting bumaling rito. "Kanina ka pa tulala r'yan! Kanina pa kita tinatanong kung sino iyong babae gumawa sa'yo n'yan!" sikmat ni Inay. "Ang pogi ng lalaki, Inay," saad ko habang nangingiti sa kilig. "Ha! Sino!" sikmat ni Inay na nag pa igtad ng balikat ko. "Nay naman! Panira ka ng moment,e" sikmat ko rito. "A-anong panira ng moment? Ikaw talagang bata ka!" singhal ni Nanay habang pinaghahampas ako ng palad sa hita. "Aray! Ikaw ba hindi ka nagkakaisang ganiyan kay Itay!" Reklamo ko rito. "Hindi! Hindi ako baliw na kagaya mo!" sikmat ni Inay. Doon napatayo at mabilis lumabas ng bahay. Talagang itong Nanay ko, napaka ingay! Kung gagawa ako ng storya ko pamagat shotgun mouth. Tas iyong bida 'yung Nanay ko, nakaka basag ng tenga ang bunganga. Grabe! Reklamo ko hanggang sa makita ko si Nitoy. "Nitoy!" tawag ko rito. "Ano?!" turan nito at agad lumapit. "May isoy ka ba d'yan?" pabulong kong tanong. "Wala, bakit? Ikaw talaga kapag nakita ka ng Nanay mo lagot ka," sambit nito at siniko ko ito sa braso nito. "Wag ka maingay, ano meron ka ba?" tanong ko at mayroong kinuha sa bulsa nito. Inabot ang isang stick ng sigarilyo sa akin. "Very good, Nitoy. Kaya love na love kita e'" wika ko rito at agad lumayo. Sinindihan ang sigarilyo at tahimik lamang nakatayo. Kababata ko si Nitoy, mabait ito at talagang matalik kong kaibigan. Hindi ito ganoon ka guwapo gaya ng iba pero kung papipiliin ako. Ang magiging boyfriend ko o kaya't ito ay si Nitoy ang pipiliin ko. Hindi mapapantayan ng kahit sino ang mga naitulong sa akin ni Nitoy. Maraming nagkakagusto sa akin pero lahat ay hindi ko binibigyan pansin. Kuntento na ako sa kaibigan ko, ayoko lumayo si Nitoy sa akin kung magkakaroon ako ng nobyo, hindi dahil sa may gusto ako kay Nitoy kundi dahil may gusto ito sa akin at ayoko masaktan ito dahilan ng paglayo nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD