ZION POV SUMUNOD naman kaagad si Ezella sa kinaroroonan naming magkakaibigan at napangiti ako kaagad nang makita siya. Itinabi ko siya sa upuan kodahil talagang ayaw kong mahiwalay siya sa akin. Mayamaya rin naman ay dumating na rin si Slant at lumapit sa amin. "Zelle, 'yong gitara ko. Pwede ko bang pahiram at nami-miss ko na kasi," sabi ni Slant kay Ezella, na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Stop calling my wife, Zelle! Asshole!" inis kong bulyaw kay Slant. "Sige na, Zelle," pangungulit pa rin ni Slant sa asawa ko at hindi pa rin talaga ako pinapansin. "Nasa kwarto. Wait lang kukunin ko," tugon ni Ezella at tatayo na sana siya pero pinigilan ko lang. " 'Wag ka ng umalis. Ipakuha na lang natin sa katulong," sabat ko na sa kanila. "Don't you ever dare bro, kung ayaw mong ma

