bc

Fragile Heart (Agreement Series 2)

book_age18+
4.5K
FOLLOW
23.5K
READ
family
second chance
dare to love and hate
drama
sweet
bxg
disappearance
first love
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Masaya na si Zion sa kinahihinatnan ng buhay niya, he is a famous and successful businessman with a

a successful relationship with his six years girlfriend named, Luisa who was soon to be his wife. He loves

her so much and he can do everything for her. Pero ang sanang kasal na pinapangarap nila sana ay

napurnada. Because Zion was married to a woman named Ezella, Pinaghugutan.

Actually Ezella and

him, has a past at umabot talaga sila sa kasalan pero hindi niya inakala na naging legal pala ito at

naparehistro pa. Hindi niya inaakala, na muli pang mag lalandas nang babaeng si Ezella na isang

nakaraan na lang niya at ang sa totoo lang hindi pa magandang nakaraan ang mayroon sila ni Ezella.

Sa muli nilang paghaharap ay gusto niyang makipagkasundo dito na magkaroon nang legal na

hiwalayan para maikasal na sila ni Luissa, pero hindi ito pumayag at ang gusto nito ay magsama sila

bilang mag asawa dahil kung hindi, ilalabas nito sa Media ang kanilang nakaraan at ang nais niyang

pakikipaghiwalayan rito. Alam niyang ikakasira iyon ng imahe niya at ng pangalan nila na

pinakaiingat-ingatan niya at ng pamilya niya.

Pero ayaw din naman niya itong ayunan, dahil

magpapakasal na siya sa iba at ayaw na niyang makasama pa kahit kailan si Ezella, dahil sa nagawa

nito sa kanya.

Paano niya pakikisamahan ang babaeng wala na siya ni katiting na pagmamahal? At paano si

Luissa, na sanang mapapangasawa niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ZION's POV KINAKABAHAN AKO! What if she says no? What if this proposal is going to be a disaster? What if she won’t like this kind of proposal? Or what if she's not yet ready for being with me forever? Napabuntonghininga na naman ako at lalo tuloy akong kinabahan sa mga alalahaning iyon. Nakasuot ako ngayon ng navy blazer na may white shirt sa panloob na hapit sa katawan ko at kulay blue na jeans na tenernuhan ng kulay brown na sapatos. Sinigurado kong magiging presentable at gwapo ako sa paningin ni Luissa pero hindi na ako nagsuot ng coat and tie para hindi mahalata na may surprise wedding proposal ako sa kaniya. Magpo-propose na ako ngayon sa girlfriend kong si Luissa at gusto ko na siyang maging Mrs. Valdemondo at bumuo ng isang pamilya. Malamig sa buong restaurant pero dahil sa kaba na nararamdaman ko ay pinagpapawisan ako at hindi mapakali hangga’t hindi pa dumarating si Luissa. Nag-text naman sa akin si Luissa na malapit na siya kaya mas lalo akong kinakabahan ngayon. "Hey, bro, chill. Magpo-propose ka at hindi ka bibitayin. Bakit ganiyan ka kung pagpawisan?" natatawang tudyo sa akin ng kaibigan kong si Gian At matalim ko siyang tinignan. Nakakainis! Imbes na pakalmahin ako ay inaasar pa ako. Tumawa na naman lalo ang kaibigan ko na mukhang nahalata niya na nairita ako sa pang-aasar ni Gian. "Will you, please, Gian, leave me alone?" asik ko sa kaniya. "Kung aasarin mo lang ako ay umalis ka na lang ngayon at iwanan mo na ako!" taboy ko na rin sa kaniya. "Ganiyan mo ba ako ta-tratuhin? Alam mo bang inuna ko ito kaysa puntahan ang step-brother ko sa pag-invite niya sa akin sa biglaang kasal niya sa Davao?" sumbat naman ni Gian sa akin na may himig pang pagpapa-awa. "Shut up! Alam ko naman kahit wala 'to ay hindi ka talaga pupunta sa kasal na iyon. I know that you really like the girl, which your step-brother will marry," tugon ko sa kaniya. "Sige, ipamukha mo pa sa akin." Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Gian."I really like Jana but of course, we're not meant to be. Sila talaga ni Jared ang nakatadhana." May lungkot na rin sa tono ng boses ni Gian nang sabihin iyon. Nakadama ako ng awa sa kaibigan. Minsan lang kasing magkagusto si Gian sa babae tapos doon pa sa babaeng may ibang nagustuhan at ikakasal na ngayon sa step-brother pa niya. That's tragic! "Hindi mo kasi pinaglaban. Siguro kung nag-try ka ay baka natalo mo pa ang Franco na 'yon!" pampalubag-loob ko kay Gian. "I think not, bro. Jana loves Jared and I saw it in her eyes. At p'wede ba? Kung galit ka pa rin kay Jared, forget about it. Remember that your uncle decided to pull out all his shares in Franco's Company, kaya uncle mo na ang may kasalanan kung bakit umabot sila sa ganoon," tugon ni Gian sa akin. "Hndi ko lang maintindihan na nagawang ipagpalit ng Franco na 'yon ang malaking opportunity para lang sa simpleng babae?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Gian. "No bro, not just a simple girl. Jana is the girl that he really loves," tugon ni Gian sa akin. Napangiwi ako. "Mabuti na lang ako ay si Luissa ang minahal ko. Kagaya ko lang din na may maipagmamalaki at hindi lang sa buhay pati sa sarili niya," tugon ko. "You're lucky." "Yeah. I'm so lucky," ngumiting ayon ko. Luissa is my six years girlfriend. Beautiful, educated at kagaya ko ay anak mayaman rin. May-ari ang pamilya nila ng isang car company na hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Japan kung saan nagmula ang ama ni Luissa. Half Filipino half Japanese si Luissa Yomoto at sa Pilipinas na siya lumaki kaya ugaling Pilipina. Isa rin si Luissa sa mga babaeng pinakamabait na nakilala ko at may mababang-loob. Iyon din ang nagustuhan ko sa kaniya at dahil bestfriend ko rin siya kaya kilala na naming ang isa’t-isa, isa na rin siguro iyon sa malaking dahilan kung bakit mas lumalim pa ang pagkakagusto ko sa kaniya at humigit pa sa pagkakaibigan. She's the perfect girl I want to marry and will be the mother of my future child. Ang magiging tagapagmana ng ari-arian ko, na ari-arian ng isang Valdemondo. Napangiti ako at kahit paano ay nawala ang kaba ko. Nang dumating si Luissa sa restaurant ay nagsimula na ang plano ko, ang surprise wedding proposal ko sa kaniya. Sa umpisa ay kumain na muna kami at kunwari ay isa lang itong simpleng date na palagi naman naming ginagawa. Nakatitig ako sa maganda at maamong mukha ni Luissa na may masaya ring ngiti sa akin. Simple lang manamit si Luissa, kahit pa lumaki siyang mayaman ay hindi siya mahilig magsuot ng mamahaling alahas at mga sobrang gandang kasuotan subalit kahit simple lang siya ay hindi pa rin naitatago niyon ang kagandahan ng nobya ko. "Love, how are you today?" tanong ni Luissa sa akin. "Good. At napakasaya ko ngayong gabi, because of the awesome lady in front of me,” nakangiting tugon ko sa kasintahan at hinawakan ko pa ang kamay niya. "Thank you. You look awesome too, today,” nakangiting tugon sa akin ni Luissa. "I love you.” "I love you too." Tumayo ako at dinukwang si Luissa upang mahalikan ko siya sa labi at gumanti naman siya sa halik kong iyon. "Why you're so sweet? Anong meron?” tanong niya sa akin matapos ko siyang halikan. Umupo na ako ulit sa upuan ko at itinaas ko lang ang kamay ko at mayamaya ay may lumapit sa amin na nagpatugtog ng violin. "Wow!” nakangiting bulalas ni Luissa. Tumayo ako at lumapit sa kanya saka lumuhod sa harapan niya. "Oh my God!" nanlaki ang matang bulalas ulit ni Luissa. "Love, in six years we were together you always make me feel how lucky I am to have you. How lucky I am because you choose to love me and you choose to stay with me. I love you so much and I have wanted to be with you forever," madamdaming kong sabi kay Luissa. Halos hindi makapa-salita si Luissa at namimintana na rin ang luha sa mga mata niya. Inilabas ko ang kaha ng sing-sing na nasa bulsa ng pantalon ko at ipinakita sa kanya. Lalong bumakas ang gulat sa mukha ni Luissa at naging emosyonal na siya. "Will you marry me, Luissa Yomoto and will you be my Mrs. Valdemondo?” Tuluyan ng napaluha si Luissa. "Of course Love, I will marry you. I will be your Mrs. Valdemondo and be with you forever,” emosyonal na tugon ni Luissa sa akin. Napangiti ako saka inilagay sa daliri niya ang sing-sing habang tinignan ito ng buong ligaya ni Luissa. "This is so beautiful. Thank you, Love." Hinalikan ako ni Luissa kaya ginantihan ko naman iyon ng maalab na halik saka tumayo na ako at niyakap ako niya ako ng mahigpit.. Sobrang saya ko at salamat sa Diyos dahil hindi tumanggi ang babaeng gusto kong makasama sa habang-buhay. Lumapit si Gian sa amin at binati kami. Natawa pa si Luissa dahil may isinabwat pa ako para maging perfect itong proposal ko sa kanya. Nagpaalam lang si Gian na mauuna nang umalis sa amin dahil may importante pa raw siyang aasikasuhin kaya kami na naiwan ay ipinagpatuloy ang pagkain at masayang nag-usap. Nang matapos kaming kumain at pauwi na kami ay nagpaalam na muna si Luissa sa akin na pupunta sa comfort room at ako naman ay naiwan sa lamesa para antayin siya. Nakangiti pa rin ako habang inaantay ang pagdating ni Luissa at inaabangan ko pa ang paglalakad niya pabalik sa lamesang kinaroroonan ko pero may isang pamilyar na tao ang lumakad sa daang tinitignan ko at pamilyar ang taong iyon sa akin. Nakuha talaga ng taong iyon ang atensiyon ko at sinundan ko pa siya ng tingin habang naglalakad siya papunta kung saan. Naka-suot siya ng kagaya ng suot ng mga waitress sa restaurant at may binigyan siya ng menu book sa isang customer, na medyo malayo sa kinaroronan ko saka muling naglakad para umalis. Napatayo ako at mabilis na sinundan ang babaeng iyon hanggang sa naabutan ko siya at walang alinlangang hinablot ko ang braso niya. Biglang naglaho lahat ng sayang nadarama ko sa gabing ito at nawala ang lahat ng kaninang pakiramdam ko dahil sa pagtatagpo namin ng babaeng ito at dito pa talaga sa restaurant na ito at sa gabing ito pa. "Ay, pusang-gala!" bulalas niya dahil sa gulat nang paghablot ko sa braso niya. Marahas kong iniharap siya sa akin at nakita ko ang gulat sa mukha niya pero sandali lang at nang makilala kung sino ako ay sumilay ang magandang ngiti niya sa akin. "Uy! Long time no see!” masayang bati niya sa akin. Pero hindi ako masaya na nakita ko siya kagaya ng saya ng ipinapakita niya sa akin ngayon. "What the hell are you doing here?" galit kong tanong sa kanya. Oo. Galit ako, na akala ko ay wala na at akala ko ay matagal nang naglaho na. Pero ngayong nasa harapan ko siya, ang lahat ng galit ko ay bumalik muli at damang-dama ko iyon mula sa buong pagkatao ko. "Dito ako nagta-trabaho," tugon niya sa akin. "Sige. May trabaho pa ako." Hinila na niya ang braso niya pero hindi ko hinayaan. Hinila ko siya sa tagong lugar at marahas na isinandal sa pader. "Bumalik ka na sa probinsiyang pinanggalingan mo! Ayokong makita ang pagmumukha mong pakalat-kalat dito!" mahinahon pero mariin kong utos sa kanya. "Hindi p'wede! Kailangan ko ang trabahong 'to!” tanggi niya sa akin. Kung umasta siya parang wala lang sa kaniya ang pagkikita naming ito at saglit lang siyang nagulat nang makita niya akong muli. At sa ipinapakita niya rin sa akin ay parang wala siyang ginawang kasalanan sa akin nang sampung-taong nakalipas. "Trabaho nga ba talaga kaya ka nandito o dahil para guluhin ang buhay ko?” sigaw kong tanong sa kanya. "Hoy!” Dinuro na niya ako. “wala akong planong guluhin ka dahil kung talagang may plano ako ay dapat kanina pa, nang ume-eksena kayo ng babae mo rito sa restaurant!" Mataas na rin ang boses na tugon niya sa akin. "What do you mean, babae ko? And you saw everything?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Oo. Kitang-kita ko! Ang sweet mo pa nga at ang saya-saya niyo ng babae mo!" may inis na tugon niya. Sinasabi ko na nga ba! Maaring alam talaga ng babaeng ito na pupunta ako sa restaurant na ito at baka alam din niya na mag-po-propose ako sa nobya ko. Pina-imbestigahan kaya niya ako? At ngayon binabalikan na niya ako dahil alam niyang successful na ako, hindi tulad noong iniwan niya ako na walang-wala sampung taon nang nakakalipas. Siya si Ezella Pinaghugutan, ang naging kasintahan ko sampung-taon na ang lumipas at nagbigay ng matinding sakit sa akin. Siya rin ang dahilan kung bakit nagbago ako at mas naging matatag at malakas para hindi na muling maloko at iwan ng katulad niya. Kung noon nagawa akong maloko ng pa-inosente niyang ugali ay ngayon ay hinding-hindi na! "Hindi ko siya babae! Girlfriend ko siya at fiancée ko siya!" galit kong pagtatama sa sinabi ni Ezella. Anong akala niya ay kagaya pa rin ako ng dati na tatahimik lang sa mga sinasabi niya? Hindi! At hindi ako papayag na insultuhin niya ang fiancée ko! "Eh,' di kayo na! Magpakasal ka kung gusto mo at 'wag mo na rin akong pakialaman kung dito ako magtrabaho! “At pwede ba ha, bitawan mo ako! Past is past, mag-move-on ka na ngang hayop ka!" sigaw niya sa akin at pumalag sa hawak ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago. Nagbago man ang pisikal na anyo at mas lalong gumanda siya ngayon ay nandoon pa rin ang ugaling kalye na noon pa man ay ugali na niya. "Ano? Tinawag mo akong hayop?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya, “bakit parang sa ating dalawa ay ikaw pa ang may ganang magmalaki?" sumbat ko na. Mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa braso niya at hindi ko siya hinayaang makawala pa rin sa akin. "Bitawan mo ako, ano ba!" singhal niya sa akin at pinagtutulak na niya ako pero wala pa rin siyang magawa dahil mas malakas ako at hindi ko pa rin siya pinapakawalan. "Ms. Pinaghugutan? What is the meaning of this?” Napalingon kaming dalawa ni Ezella sa biglang nagsalita. Isa itong may edad na babae at nakita ko kaagad ang takot sa mukha ni Ezella nang makilala kung sino ang may edad na babae na umabala sa pag-uusap namin. Kaagad ko na ring binitawan si Ezella dahil baka mag-isip ang nagtatanong na babae ng kung ano sa aming dalawa. Baka mamaya nasaksihan pa ng may edad na babaeng ito, na nag-propose ako kanina kay Luissa at ngayon ay si Ezella naman ang kausap at hawak ko. "Kayo po pala 'yan, Mr. Valdemondo," magiliw akong binati ng bagong dating na ginang. "Is there any problem here? May ginawa po bang mali ang tauhan namin sa inyo?” Napatingin ako sa katabi ko at kita ko ang nakikiusap na mata niya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit dahil bigla akong nakadama ng awa kay Ezella at parang bumalik siya sa nakilala ko noon na matapang pero may kahinaan din na tinatago. Kaagad kong inalis ang awang iyon na nararamdaman ko at itinatak sa isip ko ang lahat ng sakit na dinanas ko sa kanya noon. Bumalik ang tingin ko sa babaeng may edad na umabala sa amin kanina at istriktong emosyon sa mukha ang pinairal ko. "Maganda ang kinalabasan ng proposal ko sa girlfriend ko rito pero hindi ko ini-expect na wala naman pa lang manners ang mga tauhan niyo rito,” umpisa ko at narinig kong marahas na napailing si Ezella. “nagtatanong lang naman ako, kung nasaan ang comfort room at nagalit na ang waitress na ito sa akin at sinigawan pa ako. Ganito ba talaga ang mga waiter at waitress dito?” Humarap ako kay Ezella at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Nginisian ko siya para ipakita kung gaano ako kalupit na tao ngayon at hindi na tulad ng dati. "I apologize for that, Mr. Valdemodo. Don't worry, hindi na po mauulit ang maling nagawa sa’yo ng isa sa mga tauhan namin at isinisiguro po namin iyon sa’yo,” tugon sa akin ng ginang. Galit na tumingin ang may edad kay Ezella kaya kaagad na napalunok ang katabi ko at halata na ang takot sa emosyon ng mukha niya. "Ms. Pinaghugutan, we need to talk!” utos na sabi ng may edad kay Ezella at muling tumingin sa akin na may apologetic na emosyon. “excuse us for a while, Mr. Valdemondo," paalam na ng ginang sa akin. "Wait!” pigil ko, “I just want to talk to her. Just leave us," utos ko sa ginang. "Okay Sir,” walang alinlangan na payag ng ginang at saka tuluya kamng iniwan. "Go back to your province. I don't want to see your face anymore!" malamig na utos ko kay Ezella. "Bakit mo ginawa 'yon?" mahinahon pero kita ang sakit sa mukha niya, "kailangan ko ng trabaho." Ito na naman ako dahil sa emosyon na ipinapakita na naman sa akin ni Ezella ay unti-unti na naman akong naaaw sa kanya pero patuloy pa rin na pinaglabanan ko iyon dahil hindi nararapat sa malupit na babaeng ito ang awa ko mula sa kanya. "Doon ka sa probinsiya niyo maghanap ng trabaho," tipid na tugon ko at aalis na sana ako pero hinablot niya ang braso ko. "Zin, please. Kausapin mo ang Manager namin, bawiin mo ang sinabi mo. Kailangan ko talaga ng trabahong ito, wala na- "Why will I do that? Eh, gusto ko nga na maalis ka na rito at lumayas ka na rito sa Maynila!" putol ko sa sasabihin niya sana sa akin. Baka kapag ipinagpatuloy ni Ezella ang sasabihin niya ay baka maawa na talaga ako sa kanya nang tuluyan at hindi maaari iyon dahil baka magkaroon lalo si Ezella ng lakas ng loob para guluhin muli ang buhay ko. "Wala akong masamang ginawa sa’yo! Hindi kita ginugulo at ang gusto ko lang ay magtrabaho!" diin niya sa akin. "Really? I don't believe you! Alam ko kaya ka nandito ka kasi may plano ka, I know you Ezella! I know the kind of you, lalo pa't alam mong successful na ako." Hinablot ko ang braso ko at saka ko siya iniwan. Mabuti na lang ay hindi na niya ako sinundan pa. Nasa mesa na namin si Luissa at nakangiting sinalubong ako kaya pinahinahon ko na ang sarili ko at kaagad na ngumiti sa kanya. "So Love, let's go?" tanong ko kay Luissa. "Let's go," tugon niya at niyakap ni Luisa ang braso ko saka kami naglakad palabas ng restaurant. Sinigurado ko na napaalis nga si Ezella sa restaurant na iyon. Matapos nang gabing pagtatagpo naming ni Ezella ay tumawag ako ulit sa restaurant at tinanong kung nagta-trabaho pa ba siya doon at nakahinga ako ng maluwang nang malaman kong natanggal na siya sa trabaho at hiniling na sana bumalik na siya sa probinsiyang pinanggalingan niya. Alam ko naging masama ako kay Ezella at naalala ko kung gaano pa siya nakiusap sa akin na bawiin ko ang lahat ng sinabi ko sa Manager niya, sa totoo lang nakakadama ako ng konsensiya pero kapag naiisip ko kung anong nagawa niya sa akin ay naiisip kong tama lang ang ginawa ko, na dapat malayo siya sa akin at ipakita kay Ezella na hindi na niya ako mauuto nang katulad ng dati. Malaki man ang Maynila pero ayoko nang maulit na makatagpo ulit kami ni Ezella kahit saan man lugar dito at kapag nalaman kong may bago siyang trabaho sa Maynila ay sisiguraduhin kong matatanggal siya ulit sa trabaho niya at wala ng kahit sinong tatanggap sa kanya. Naging abala na ako hindi lang sa kompanya kundi pati sa pagpe-prepare sa kasal namin ni Luissa, napagdesisyunan na kasi naming ang petsa at oras ng kasal naming at ang inaasikaso na lang namin ay kung saan Church gaganapin ang kasal at kung anong klaseng kasal ang gusto namin. Inasikaso na rin namin ang requirements sa kasal at dahil sa pag-asikaso na 'yon ay isang bagay ang nalaman ko. Na parang bomba itong sumabog sa mukha ko. "I'm sorry, bro, but these papers tell us that this is legal and you're married with Ezella Pinaghugutan," kompirma sa akin ng family Lawyer namin na kaibigan ko rin nang ipinakita ko ang cenomar at marriage certificate ko. "Bullshit!" sigaw ko. Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang galit na naramdaman at hindi na nakaayos ang necktie ko dahil kanina ko pa ito ginugulo at hinihila sa sobrang prustrasyon na nadarama. Nakasuot pa ako ng coat and tie dahil galing din ako sa trabaho at mas nakadama ako ng pagod sa nalaman ko, na legal pala kaming kasal ni Ezella. Bakit ba hanggang ngayon ginugulo pa rin ako ng nakaraan? "Ipa-annul mo na lang ang kasal mo sa babaeng iyan, mabilis lang iyon lalo pa't may pera ka at si Cyrus na bahala diyan,” sabat ng isa kong kaibigan na kasama rin ni Cyrus na tumungo sa bahay ko. Si Austin. "Mabilis lang ba Cy, kapag ipa-annul ko ang kasal naming ng babaeng iyan?" tanong ko kay Cyrus. "It depends to the both of you. Kung willing naman kayo pareho bakit hindi mapapabilis,” tugon naman sa akin ni Cyrus. "So, I need to talk that her?" naniniguradong tanong ko. "Of course. You need to talk to her, para masaayos ang annulment niyo." "Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" nag-aalinlangan kong tanong kay Cyrus. Ayaw ko na kasing makaharap pang muli ang babaeng iyon. "Pwede naman at ako na rin magpapaliwanag sa kanya kung 'yan ang gusto mo. Pero nasaan na nga ba 'yang si Ms.Ezella Pinaghugutan?" "Oo nga, bro. At saan mo ba nakilala iyan saka bakit kayo ikinasal?" sunod-sunod na ring tanong ni Austin sa akin. "Sa Batanggas ko nakilala ang babaeng 'yan. Ten years ago." “Paano ka napunta sa lugar na iyon?” takang tanong sa akin ni Cyrus at kahit si Austine ay halata rin ang pagtataka sa mukha. "It's a long story Cy and I need to rest, saka na lang natin pag-usapan 'yan," paalam ko sa kanila. Hindi pa nakakapagsalita ang mga kaibigan ko nang talikuran ko na sila at kaagad lumakad patungo sa kwarto ko. Nang makarating ako sa kwarto ko ay doon ko inilabas ang galit na nadarama ko. Inihagis ko ang hawak kong mga papeles at gigil na inalis ang neck tie na suot ko. "f**k! Bakit kailangan pa akong habulin ng nakaraan ko! Kung kailan ikakasal na ako saka pa ito nangyari! f**k this life!" gigil na bulalas ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Unwanted

read
510.4K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

The ex-girlfriend

read
138.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook