CHAPTER 2

2867 Words
ZION's POV PAGLABAS ko ng kwarto ay naabutan ko pa rin na nasa bahay sina Austine at Cyrus at kung umasta ang mga ito ay parang bahay na nila ang bahay ko. Nasa hardin sila naglagi at may dalawang platitong cake at juice sa lamesa nila. Abala ang dalawa sa pagkain at hindi man lang ako nilingon habang papalapit na ako. Ni hindi pa nagawa ng dalawang kaibigan na magpalit ng mga damit nilang panglakad mula nang dumating sila hanggang ngayon, na apat na oras akong nagpapahinga sa kwarto ko. Naka-polo shirt na kulay blue at jean na kulay black si Cyrus at si Austine naman ay T-shirt na red at cargo short na kulay brown. Parehong naka-rubber shoes pa ang dalawa na akala mo ay may pupuntahan pang ibang lugar. "Bakit hindi pa kayo umuuwi? Kanina pa kayo rito?" sita ko sa kanila nang tuluyan na akong makalapit sa dalawa. "I need to relax at dahil sa'yo iyong pahinga ko na sana ay naging trabaho pa. Dahil pinapunta mo ako rito dahil diyan sa problema mo," tugon ni Cyrus at sumubo ng isang kutsarang cake sa bibig niya. "Nagpaluto na nga pala kami ng meryenda kay Nanay Ade, saka, bro, pahiramin mo naman kami ng damit kasi dito na rin kami magpapalipas ng gabi. Hindi mo kami p'wedeng tabuyin dahil wala ka nang magagawa pa," ani naman ni Austine. Umupo na ako sa sofa na kaharap ng kinauupuan nina Austine at Cyrus. Wala naman akong planong tanggihan ang pagpapalipas ng gabi ng mga kaibigan ko pero inunahan na talaga akong sabihan ni Austine. Marahil dahil kanina ay bad trip ako sa mga nalaman ko. "May naiwan pa namang kayong damit sa ginagamit niyong kwarto rito kaya huwag na kayong manghiram pa sa akin. Pinalaba ko na ang mga marurumi niyong damit na naiwan dito kaya masusuot niyo iyon ngayon," tugon ko. "Iyong case mo pala, Zin, about doon sa naging legal ang kasal niyo ni Ms. Pinaghugutan." Napatingin ako kay Cyrus, "you told us, na ten years ago na ang nakakalipas nang ikasal kayo?" tanong niya sa akin. "Oo," tugon ko habang may seryosong emosyon na nakatingin kay Cyrus. "Pero bakit naisip mo na hindi legal ang kasal niyo? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ka nagulat sa nalaman mo samantalang ten years ago na pa lang nakakalipas iyon?" May pagtataka na sa boses ni Cyrus. Wala pa kasing alam ang mga kaibigan ko sa nangyari sa akin sampung-taon na ang nakakalipas at wala talaga akong pinag-kuwentuhan isa man sa kanila. Alam nila na nasaktan ako noon sa isang babae at naging dahilan ng pagkasira ko noon sa buhay ko pero dahil nga sa nangyari sa akin ay hindi na rin sila nagpa-kuwento sa akin kung sino ba ang babaeng iyon at ano nangyari sa akin noong naglayas ako. Kailan man ay hindi ko na binuksan kanino man ang nakaraan ko dahil masiyadong masakita iyon noon sa akin at mukhang naintindihan naman iyon ng mga kaibigan ko kaya hindi na rin sila nagtatanong patungkol sa babaeng dati kong minahal at sinaktan lang ako. "Hindi pa kasi namin kaagad ini-register ang kasal namin noon. Iyon ang usapan naming noon ni Ezella saka na lang after six-months,” paliwanag ko kay Cyrus. "Talaga? Pero bakit naman may ganoon kayong usapan? Na hindi i-register ang kasal niyo?" tanong ni Cyrus sa kaniya. "Ikinasal kami dahil sa Lolo ni Ezella. Ayos lang sa akin na ikasal kami kasi mahal ko siya pero si Ezella ang nagdadalawang-isip dahil baka magsisisi raw ako sa huli sa kasal namin na iyon. Ngayon ko nga nadarama ang pagsisisi sa kasal na iyon na narehistro naman pala!" inis na tugon ko. "Saan ba kayo ikinasal ni Ms. Pinaghugutan at sino ang nagkasal sa inyo?" usisa ni Cyrus sa kaniya. "Sa kilalang Judge ni Cheska at kasama sa usapan naming nang panahon na iyon sina Cheska at ang Judge na nagkasal sa amin at pumayag naman ang Judge. Bale, late registration sana ang pina-plano naming noon,” paliwanag ko. “Ten years ka na pa lang hindi single tapos lahat ng mga requirements mo kapag lumalabas ka ng bansa ay single ka? Wala man lang bang pagkakataon na nagkaroon ka ng problema sa mga requirements mo dahil kahit married ka ay single ang nandoon?” nagtataka ring tanong sa akin ni Austine. "Actually, p'wede naman iyon ang nakalagay sa requirements mo kahit mangibang-bansa ka pero ang ipinagtataka ko talaga na sa yaman mong iyan ay bakit umabot nang ganoon katagal, na hindi mo nalaman na kasal ka tapos kilalang tao ka pa at madaling mapagbigyan ng impormasyon tungkol sa kasal niyo ni Ms. Pinaghugutan?" nagtatakang tanong ni Cyrus sa kaniya. “Hindi man lang ba ibinigay sa'yo o ipinadala ang copy ng marriage certificate mo ng nagkasal o ng Munisipyo na pinag-rehistruhan niyo? O kahit ng clerk ng lugar kung saan kayo ikinasal? Kung wala ka man na doon sa lugar na iyon ay wala bang komontak sayo o si Cheska man lang ba ay hindi ka nasabihan?” sunod-sunod na tanong ni Cyrus sa akin. "Wala talagang kahit sinong nagpaalam sa akin kaya nga nagulat talaga ako ngayon," tugon ko. "Hindi ka ba bumalik sa lugar na iyon o nakausap man lang ang nagkasal sa inyo?" tanong pa rin ni Cyrus. "Bumalik ako doon dahil inantay ko si Ezella, umasa na babalik siya pero hindi ko na nakausap pa ang nagkasal sa amin kasi--" Halos hindi ko na maituloy ang sasabihin dahil nakadama na naman ako ng poot sa alaala nang nakaraang iyon. "Si Ezella ba ang--" "Oo," putol ko sa tatanungin pa sana ni Austine. Nakita niyang gumuhit ang awa sa mga mata ni Austine at napailing siya pero hindi na rin naman siya nagtanong pa. "Iyong Judge? Kilala ka naman siguro niyon? Hindi ka ba niya in-update about sa registration ng kasal niyo? Siya kasi ang maaaring magpasa for registration ng kasal niyo, eh," si Cyrus pa rin ang nagtatanong na parang iniimbistigahan na ako. "Hindi niya rin ako in-update. Nang umalis ako sa lugar na iyon ay wala na akong naging komyunikasyon sa mga nagkasal at sa mga witness ng kasal naming ni Ezella. Isa pa, wala na akong oras noon para isipin pa ang mga bagay na iyan dahil sa pinagdaanan ko simula nang iwanan ako ng babaeng iyon!" tugon ko. "Siguro dapat ay puntahan muna natin ang lugar kung saan kayo ikinasal at kausapin natin ang nagkasal sa inyo. Alamin kung bakit sampung-taon nang nakalipas ay saka mo pa nalaman na kasal kayo ni Ms. Pinaghugutan," sabi ni Cyrus. "Bakit hindi niyo kausapin muna si Ezella? Baka naman siya ang nagpa-rehistro ng kasal niyo," sabat ni Austine. "P'wede. Pero mas mabuting may ebedensiya tayo bago natin siya kausapin. Kasi maari niya iyang itanggi lalo na kapag wala tayong patunay na siya ang nagparehistro ng kasal niyo, Zin," tugon ni Cyrus. Hindi na ako nakapagsalita pa at lalo akong nakadama ng poot sa isiping may kinalaman si Ezella sa pagpapa-rehistro ng kasal namin. Maari naman talaga na ang lahat nang may kinalaman sa problema ko ngayon ay si Ezella at marahil kaya rin siya nagpakita bigla sa akin ay dahil may ipinaglalaban siya. Dahil asawa ko siya ay maari talaga niyang magulo ang plano kong pagpapakasal at masira ang buhay ko sa mabilis na paraan. Napakuyom na naman ako ng kamao. Labis ang nadarama kong galit sa isipin plinano ang lahat ng ito ni Ezella lalo na at nagpakita na naman ito sa kaniya matapos ang sampung taon. Kinabukasan ay hindi ako nakasama sa pagpunta sa Batangas nina Cyrus at Austine dahil may biglaang meeting akong inaasikaso na si Dad dapat ang nandoon. Sumama raw kasi ang pakiramdam ni Dad kaya ipinasa niya sa akin ang meeting na iyon para sa planong pagpapatayo ng bagong hotels sa isang tourist spot dito sa Pilipinas. Si Cyrus na lang ang pinaasikaso ko at wala naman naging problema sa kaibigan kong iyon dahil kasama naman din niya si Austine. Nang matapos kong makipag-meeting ay tinawagan ko si Cheska para kausapin. Si Cheska ang may alam sa nakaraan namin ni Ezella at baka makatulong pa siya para malaman ko kung bakit na-rehistro ang kasal namin ni Ezella. Sa restaurant ng hotel na pag-aari ko pinapunta si Cheska at hindi naman nagtagal ay dumating ito. "Biglaan 'ata ang pakikipag-kita mo. Nagulat ako na tinwagan mo ako at gusto mo pang makipagkita?" nakangiting tanong ni Cheska sa akin nang makaupo na siya sa upuan sa harapan ko. "May malaki akong problema, Cheska," seryoso kong tugon sa kaniya. Napakunot ang noo niya." Ano naman iyon?" tanong niya. "Iyong kasal namin ni Ezella, sampung-tao nang nakakalipas ay na-rehistro at malaking problema iyon lalo pa at ikakasal na kami ni Luissa," tugon ko sa pinsan ko. Namutla si Cheska at biglang naging balisa na ipinagtaka ko kaagad at hindi maiwasan na mapakunot ang noo ko. "Bakit? May alam ka ba rito, Cheska?" naghihinalang tanong ko na sa kaniya. Nagulat si Cheska at nanlaki ang mga mata na napatingin sa akin. "W-wala! Nagulat lang din ako. P-paano nangyari iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Cheska sa akin. Napabuntonghininga ako at alam kong bumabakas na sa mukha ko na talagang problemado ako sa kalagayan ko ngayon. "Kahit ako nga rin ay nagtataka. Tingin ko ay may kinalaman si Ezella sa nangyaring ito at baka plinano niya ito para lang mapurnada ang kasal namin ni--" "Hindi, Rod!" kaagad na putol ni Cheska sa sasabihin ko pa sana. "Alam ko talagang hindi na-rehistro ang kasal niyo dahil nandoon ako, hindi ba? Kaya walang kinalaman si Ezella doon!" kaagad na tutol ni Cheska sa hinala ko. "Bakit ngayon ay bigla siyang sumulpot? Tapos nalaman ko pa ngayon na rehistrado pala ang kasal namin? Ano iyon nagkataon lang? Grabe namang pagkakataon iyon na talagang nakita pa kami?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Cheska. "Nagkita kayo ni Ezella?" gulat na tanong niya sa akin. "Oo. Sa lugar pa mismo kung saan ako nag-propose kay Luissa," tugon ko. Mukhang naguluhan si Cheska at mayamaya ay humarap ulit siya sa akin. "Siguro dapat kausapin mo muna siya, Rod. Huwag kang kaagad magalit sa kaniya. Baka malay mo ay may pagkakamali lang na naganap noon kaya na-rehistro ang kasal niyo," tugon ni Cheska sa kaniya. "Hindi ko alam. Basta wala pa rin akong tiwala sa biglang pagsulpot niya sa buhay ko. After ten years ay susulpot siya at malalaman ko rin na legal pala kaming kasal? Hindi ba nakakahinala iyon?" may galit na tanong ko kay Cheska. Napupuno na naman ng galit ang dibdib ko para kay Ezella. "P-paano kung nagkataon lang ang lahat? Paano kung kahit siya ay walang alam?” hindi pa ring umaayong tugon ni Cheska sa akin. “Hindi ka dapat mag-isip ng masama kaagad kay Ezella,” dagdag pa niya. "Bakit hindi? Eh, alam ko kung anong pagkatao mayroon siya?" may poot na tugon ko kay Cheska. Bumuntonghininga si Cheska at napailing pa saka muling tumingin sa akin na mayroong hindi ko maintindihan na emosyon. "Huwag kang magpadalos-dalos, Rod, dahil baka ikaw ang magsisi sa huli kapag nakagawa ka nang hindi maganda kay Ezella dahil diyan sa galit mo," payo niya sa akin. "Malaman ko lang talaga na may kinalaman ang Ezella na iyan sa pag-rehistro ng kasal naming ay pagsisisihan niya na binangga niya ko! Hindi ko mapapalampas iyon!" galit na banta ko. Nakita ko ang gumuhit na pag-aalala sa mukha ni Cheska pero marahil ang pag-aalalang iyon ay dahil sa akin. Sa maaari kong gawin kapag nalaman kong may kinalaman doon si Ezella. Matapos naming mag-usap ni Cheska ay bumalik ako sa trabaho ko. Ginugulo man ang utak ko ng problema ko ay pinilit kong kalimutan ang lahat ng iyon para tumutok sa mga papeles na kailangan kong pag-aralan para sa kompanyan namin at humarap sa mga meetings sa araw na iyon. Alam ko mare-resolba rin ang problema kong ito at tutulungan ako ng kaibigan at abogado kong si Cyrus. Pero inakala ko lang pala dahil kinabukasan ay muling pinuntahan ako sa bahay nina Cyrus at Austine na may dala-dalang balita sa akin mula sa pagpunta nila sa Batangas. At hindi maganda ang balitang iyon. "Wala na ang Judge na nagkasal sa inyo. Patay na raw ayon sa pamilya nito na pinuntahan namin," balita sa akin ni Cyrus. "Dumiretso kami sa bahay ng Judge matapos kaming pumunta sa Munisipyo kung saan kayo ikinasal at na-rehistro ang kasal niyo. Pangalan niya ang nakalagay doon na nagkasal sa inyo pero three-years na raw itong namayapa," dagdag ni Cyrus. "Hindi niyo nalaman kung sino ang nagpa-rehistro ng kasal namin? Wala bang record ang clerk doon?" tanong ko kay Cyrus. "Dahil may pirma kayo pareho ni Ms. Pinaghugutan sa marriage certificate ay maaring ipinasa ng Judge kaagad iyon kaya na-rehistro ang kasal niyo. Kung hindi kayong dalawa ang nagpa-rehistro ng kasal ay maaring may isang tao, na gumawa niyon na kailangan nating imbestigahan para masagot na ang katanungan mong iyan. Ang mahirap lang ay namayapa na kasi ang Judge na nagkasal sa inyo kaya medyo matatagalan ang imbestigasyon kung si Ezella nga ba ang may gawa niyon," paliwanag ni Cyrus. "Ang pinakamahalaga ngayon, Zin. Ipa-annul mo muna ang kasal niyo at kung may kinalaman man si Ezella sa nangyaring ito sa inyo ay saka mo na intidihin iyon," sabat ni Austine. Tama si Austine. Ang pinakamahalaga naman ngayon ay mapawalang-bisa ang kasal namin ni Ezella, hindi man kaagad maasikaso ay kakausapin ko na lang muna si Luissa tungkol sa problema sa pagpapakasal namin dito sa Pilipinas dahil sa legal pa kaming kasal ni Ezella. Maiintindihan naman iyon ni Luissa dahil malawak ang pag-iisip ng kasintahan ko at alam naman niya ang nakaraan ko. Wala akong naging kahit anong lihim sa kanya noon pa man kaya alam kong hindi siya magagalit sa akin. "Kakausapin ko na muna si Ms. Pinaghugutan para sa pagpapawalang-bisa ng kasal niyo at para maasikaso na kaagad iyon," sabi ni Cyrus, "sure ka ba talaga na ayaw mong makipag-usap sa kanya?" naniniguradong tanong niya sa akin. "Ayoko siyang makaharap! Baka kung ano pa ang magawa ko at lalo pa’t naghihinala ako na may kinalaman siya sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon!" matigas kong tanggi kaagad kay Cyrus. "Sa totoo lang, bro, magulo kayong dalawa. Nagpakasal kayo tapos hindi niyo ipapa-rehistro? Napikot ka ba niya kaya ayaw niyo ipina-rehistro noon kaagad ang kasal niyo?" naguguluhang tanong ni Autine sa akin. "Oo nga, bro. Magulo pa rin talaga sa amin iyang kinasangkutan mo ngayon, eh. Kaya sana naman dahil tinutulungan ka namin sa problema mo ay mag-kwento ka naman ng nakaraan niyo ni Ms. Pinaghugutan at saka bakit umabot kayo sa kasalan noon?" tanong din ni Cyrus sa akin. Napabuntonghininga ako at matamang napatitig sa mga kaibigan ko. Matagal nang nangyari iyon pero malinaw pa rin sa akin ang lahat ng ala-alang iyon na hindi ko pa naeke-kwento sa mga kaibigan ko. Ang dami kasing nangyari matapos ang kasal namin ni Ezella at bumalik ako noon sa Maynila at ayaw ko ng maalala pa ang sakit na pinagdaaan ko noon. "Bro?" untag sa akin ni Austine at nag-aantay sa sasabihin ko. "Okay, magke-kuwento na ako sa inyo. Lahat-lahat para hindi kayo naguguluhan ngayon sa nangyari sa akin," tugon at desisyon ko. "Good!" nakangiting sabi ni Cyrus. "Kung aabutin nang kinabukasan iyan ay handa kaming makinig at mag-stay pa ng isang buong gabi rito sa bahay mo para lang malaman namin ang nakaraang kasama mo ang babaeng iyon na hindi mo nai-share sa amin," nakangiting sabi naman ni Austine. Napabuntonghininga ako at matamang nakatitig sa dalawang kaibigan ko na handang makinig sa ibabahagi kong kuwento ng nakaraan kong buhay. "Naalala niyo noong nineteen-years old ako?" tanong ko." Hindi ba, naglayas ako noon kay Dad? Alam niyo naman ang dahilan noon dahil iyon lang ang nae-kwento ko sa inyo. Napadpad ako noon sa Batangas sa lugar kung saan nakatira ang driver namin at ang pamilya niya. Naging kaibigan ko noon kasi ang anak ng driver namin na si Gelo at sa kanya ako humingi ng tulong noong naglayas ako. Dinala niya ako noon sa bahay nila at doon ako tumira," mahabang kwento ko sa kanila. "Doon mo rin nakilala si Ezella?" tanong ni Austine. Tumango ako. "Oo at doon nga kami ikinasal kagaya nga nang nalaman natin na doon na-rehistro ang kasal ko," tugon ko. Napabuga ako ng hininga dahil lahat-lahat ay nagbabalik sa ala-ala ko at heto na naman ang sakit na unti-unting kong nararamdaman na akala ko ay nawala na dahil sa sampung-taong lumipas na nawalan na ako ng balita kay Ezella. "Akala ko dahil matagal na ay wala na ang sakit pero bakit ngayon na binabalikan ko ang nakaraan ay unti-unti kong nararamdaman ang sakit at galit mula rito sa puso ko. Akala ko rin noon ay hindi ko na babalikan ang nakaraan na ito pero dahil sa pagkikita namin muli ni Ezella at sa nalaman ko, na legal pala ang kasal namin ay kakailangan ko pa pa lang balikan ang lahat," sabi ng isip niya at napabuntong hininga na naman siya. Parang isang pelikulang ni-rewind ang lahat ng ala-ala ko noon. Mula sa naglayas ako, tumira ako sa Batangas at nakilala ko si Ezella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD