CHAPTER 3

3928 Words
10 years ago. ZION's POV "SIR, dito po ako nakatira," sabi sa akin nang halos ka-edaran ko lang na lalaking kasama ko ngayon na nakatingin sa maliit na bahay. Si Angelo na anak ng family driver namin at naging kaibigan ko na rin na siyang dahilan kung bakit mayroon akong matutuluyan sa panahon ng paglayo ko sa aking ama. Nasa Batangas ako ngayon at sa harap ng pawid na bahay, na sa tingin ko ay mahirap na pamilya lang talaga ang nakatira. Iyon na ang magiging bago kong tahanan, malayo sa nakakariwasang-buhay na nakasanayan ko. Pero alam ko naman na matatahimik rito ang kalooban ko kahit pa wala na ang yaman na mayroon ako noon kaysa sa napuno nga ako ng karangyaan pero sama naman ng loob ang nadarama ko at araw-araw na nagiging dalahin ko ang sama ng loob na iyon mula sa sarili kong ama. "Stop calling me, Sir, Gelo. I'm not your boss anymore. Just call me Zin from now on," sita ko kay Angelo. "Pero seryoso ka na ba talaga diyan sa paglalayas mong 'yan. Baka hindi mo kayanin dito? Mahirap ang pamumuhay namin dito sa probinsiya," naniniguradong tanong sa akin ni Angelo at may nag-aalalang emosyon din siya sa mukha niya. "Kakayanin ko. Ipapakita ko kay Daddy na kaya kong mabuhay na wala ang kayamanan na ipinagmamalaki niya sa akin!" may sama ng loob na sabi ko. Naglayas ako sa bahay namin at makikitira ako ngayon kina Angelo, na walang-wala ako kahit singko. Wala lahat at kakayanin ko iyon ipapakita ko sa sarili kong ama na kaya ko kahit wala ang lahat ng luho na meron ako dati. Matagal na akong nagtitiis sa sarili kong ama na nagkulang na nga siya bilang ama sa akin ay nasaksihan ko pa kung paano niya maltratuhin ang sarili kong ina noong nabubuhay pa ito. Dahil sa kanya nawala si Mommy at dahil sa kanya ay nagkasakit ang Mommy ko dahil sa pananakit niya at ngayon ay magdadala siya ng babae sa bahay na noon pa man na nabubuhay ang Mommy ko ay karelasyon na niya at gusto pa niyang pakisamahan ko. Ang sama niya! Wala pang isang taon patay si Mommy ay pinatira niya na kaagad ang babaeng 'yon sa bahay naming! Hindi man lang inisip ni Papa ang mararamdaman ko kapag ginawa niya iyon at lalo pa at hindi pa ako nakaka-move-on sa pagkawala ni Mama! "Pasok na tayo Zin para makakain na tayo," untag na aya sa akin ni Angelo. "Sige." Sumunod ako sa pagpasok ni Angelo sa gawa sa kahoy na bahay nila. Sa totoo lang nang makita ko ang bahay nila ay nagulat talaga ako. Hindi ko ine-expect na may ganitong klase pa lang bahay na tulad ng tinitirhan nila Angelo. Maliit na puro kahoy at mukhang pinagtagpi-tagpi lang na kahoy iyon. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung paano nagiging komportable sila Angelo sa maliit na bahay na ito pero nagbabago rin naman ang lahat ng iyon kapag naalala ko kung gaano kasaya sa buhay ang driver nila na ama ni Angelo at ganoon din si Angelo at ang magandang samahan ng mag-ama. Nang makapasok ako sa bahay nila Angelo ay nakita ko lalo na salat kahit sa kagamitan ang loob ng bahay. May upuan sa sala na pahaba at lamesa sa gitna ng maliit na sala na gawa pareho sa kahoy. Radyo lang ang de-kuryenteng nandoon at walang TV, mga picture na may kahoy na frame ang naka-display sa pader ng bahay pero sa mga litrato ay masisilayan mo ang saya at contentment ng pamilyang nandoon. Nakakainggit dahil kahit salat sila sa buhay ay masaya sila at kontento at hindi tulad ko na mayaman nga ay salat naman sa pagmamahal, atensiyon at kakontentuhan ng isang pamilya. "Nay, nandito na po kami," malakas ang boses na sabi ni Gelo. Kaagad lumabas ang Nanay ni Angelo kasunod ang apat na maliliit na kapatid niya na may masayang ngiti na sumalubong sa kanila. Napangiti ako dahil ang cute-cute ng maliliit na kapatid ni Angelo. "Oh, Gelo, mabuti at naparine ka na," nakangiting salubong sa kanila ng Nanay ni Angelo. "Nay si Zin po at kaibigan ko po siya sa Maynila, kung maari po ba raw ay manirahan siya pansamantala rito," paalam ni Angelo sa Nanay niya. "Mukhang mayaman itong kaibigan mo, ha,” pansin ng Nanay ni Angelo sa akin. “Sigurado ka ba, iho, na kaya mong manirahan dito saka alam ba ng mga magulang mo kung nasaan ka?" naniniguradong tanong ng Nanay ni Angelo sa akin. "Kaya ko pong manirahan dito, Tita at wala na rin po akong mga magulang. Kaya ko po, sana ay tanggapin niyo ako na makitira muna rito,” tugon ko. "Huwag po kayong mag-alala. Maghahanap po ako kaagad ng trabaho para makatulong sa inyo rito," dagdag ko. "Wala naman problema sa akin kaya lang ay salat kami sa pamumuhay rine, inaalala ko lang ang iyong kalagayan," tugon ng Nanay ni Angelo. May lambing ang punto ng salita ng Nanay ni Angelo na halatang mabait na tao. "Ayos lang po ako rito, Tita at tingin ko po ay kakayanin ko namang tumira rito,” tugon ko at binigyan ko ng naniniguradong ngiti ang Nanay ni Angelo. Hindi ko na pinasabi sa Nanay ni Angelo ang katotohanan na anak ako ng amo ng Tatay ni Angelo dahil ayokong ma-pressure pa ang Nanay niya dahil sa akin at malaman din kaagad ng Daddy ko kung nasaan ako. Mabuting-tao talaga ang Nanay ni Angelo dahil sa huli ay pumayag siyang makitira muna ako pansamantalaga sa bahay nila at ni hindi man lang naghinala na kahit ano sa pagkatao ko. Kumain na muna kami nang tanghalian ni Angelo at matapos niyon ay sa harap kami ng bahay tumambay habang nakatingin sa malawak na dagat na kaharap ng bahay nila Angelo, medyo malayo naman ang dagat pero masisilayan pa rin ang ganda nito. "Gelo, anong pangunahing pamumuhay niyo rito?" tanong ko kay Angelo. "Pangingisda,” tugon ni Angelo, “kaya lang baka hindi mo kayanin saka may pinag-aralan ka naman kaya mag-apply ka na lang sa mga restaurant dito,” dagdag niya. "Habang hindi pa ako nakakahanap ng trabaho ay isama mo ako sa pangingisda nang makatulong naman ako sa inyo,” suhestiyon niya sa kaibigan. "Pero, Zin--" "Sige na. Ayokong maging pabigat sa inyo," putol ko sa sasabihin pa sana ni Angelo. "Sige, bahala ka riyan," walang magawang payag ni Angelo. Napangiti ako kay Angelo upang ipakita sa kanya na ayos lang ako at kakayanin ko talaga ang buhay rito at ang mangisda kasama siya. Nang sumapit ang hapon ay naglakad-lakad ako. Masarap maglakad-lakad dahil sa maaliwalas ang panahon at masarap ang simoy ng hangin. Not like sa Manila na wala ka ng malalanghap na ganitong fresh-air at hindi ka na makakita ng ganitong kapayapang lugar. "Hi, Kuya.” Napalingon ako sa biglang bumati sa akin, “kayo po iyong bagong nakatira kina Angelo, 'di ba?" tanong pa ng bumati sa akin. Dalawang babae sila na sa tingin ko ay nasa sixteen at fifteen-years old naman ang isa. Kilala nila si Angelo marahil ay mga kaibigan niya ang dalawang batang ito. Nginitian ko sila. "Oo. Kilala mo pala si Angelo?" magiliw na tanong ko rin sa kanila. "Oo, kababata namin siya,” tugon ng nasa Sixteen-year old ang edad sa tantiya ko. “Ako nga pala si Amihan at siya ang pinsan ko, si Ezrah,” pakilala na nagngangalang Amihan sa sarili at sa kasama niya. Nakipag-kamay sa akin si Amihan pero si Ezrah ay hindi at mukhang mahiyain talaga siyang bata. "Hi, I'm Zin," bati ko na lang kay Ezrah. "Ilan-taon ka na, kuya?" usisa sa kanya ni Amihan. "Nineteen,” tugon niya, “what about you?" usisa ko rin. "Seventeen-years old ako at si Ezrah naman ay fourteen-years old,” aniya. "Bata pa pala itong si Ezrah,” tugon ko. "Pwede ka ba namin maging kaibigan?" tanong ulit ni Amihan sa akin. "Oo naman," nakangiting tugon ko. Masayang napangiti si Amihan sa tugon ko at napangiti na rin ako, nagtataka rin ako kung bakit ang saya-saya ni Amihan na maging kaibigan ako. “Ganito ba ang mga kabataan dito? Sumasaya nang ganoon kapag may nagiging bagong kaibigan?” takang tanong ko na sa sarili. "Ate Ami, tara na umuwi na tayo baka hinahanap na tayo sa bahay," narinig kong aya ni Ezrah habang hinihila ang braso ni Amihan. "Mamaya na!" naiinis na tanggi ni Amihan. Halata sa emosyon ng mukha ni Amihan na ayaw pa talaga niyang umalis. "Ate Ami--" "Amihan! Ezrah!" Napalingon kami sa malakas na pagsigaw sa dalawang pangalang iyon. Lumapit pa ang sumigaw at binatukan ang dalawang-bata sa harap ko. "Hey, don't hurt them!" sita ko sa lumapit sa amin na bumatok sa dalawang-bata na kakikilala ko pa lang kanina. Napatingin sa akin ang lumapit sa amin na babae at tinaasaan ako ng kilay. Mukhang hindi siya natutuwa na kausap ako ng mga batang una kong nakausap. Napatitig ako sa babaeng hindi masaya na nakatingin sa akin. Kahit morena ang balat niya at medyo may kaliitan saka malaman ang katawan ay maganda pa rin at nakaka-attract din ang inosente niyang mga mata kahit ipinapakita niya sa akin na hindi siya natutuwa sa akin ay hindi ako nakaramdam ng ilang dahil na rin sa mga mata niya. "Ikaw ba 'yong dayo na nakatira kina Angelo?" mataray na tanong niya sa akin. Gusto kong mapangiti sa pagiging maangas niya sa akin pero pinigilan ko lang dahil baka magtaka siya sa pangngiti ko bigla. "Dayo?” Nagtaka ako pero nang mapagtanto ang ibig sabihin niya ay napatango ako. Dayo na ibig sabihin ay bagong-salta rito sa lugar nila. “Ah yes," tugon ko na lang din sa kanya. "Kaya pala?” aniya. Matapos ay masamang tinignan ang mga babaeng unang kumausap sa akin at nakita ko na napalunok si Amihan at kitang-kita na kaagad na kinabahan si Ezrah. “Ang lalandi niyo talaga, ano!? Dinayo niyo pa rito 'tong lalaking 'to, hala! Magsiuwi nga kayo!" sigaw niya sa dalawa na sinunod naman kaagad ng dalawang-bata. "Nakikipag-kaibigan lang naman sila, eh. Kaya hindi sila malandi," pagtatanggol ko na kina Amihan at Ezrah. Muli ay tumingin sa kanya ang matapang na babae at naghihinala siyang nakatitig sa akin. "Diyan sa pakikipagkaibi-kaibigan nagsisimula 'yan eh, tapos susunod niyan landian na!” sigaw niya sa akin, “ikaw!” Dinuro pa ako, “binabalaan kita, na "wag na 'wag mong papatusin ang kapatid ko at pinsan ko, ang ba-bata pa niyan! Kapag nalaman ko lang na pinatos mo sila ay ipapatira kita sa mga tropa ko. Kaya umayos ka!" matapang na banta sa akin ng babae. Napanganga ako dahil sa sinabi sa akin ng babaeng iyon. Sa liit niyang 'yon ay ang tapang-tapang niya? Saka niya ako iniwan at tuluyang umalis. Napapangiti na lang ako na umuwi sa bahay nina Angelo at naabutan ko sa sala si Angelo na hawak-hawak ang cellphone at naglalaro ng games niya doon. "Oh, tapos ka na mamasyal?" kaagad na tanong sa akin ni Angelo nang tumabi ako sa kanya paupo sa mahabang sofa. "Oo," tugon ko at muling naalala ang babaeng matapang kanina, "may nakakatuwa akong na-encounter habang gumagala ako,” kuwento ko kaagad sa kaibigan. "Ano naman 'yon?" interesadong tanong ni Angelo at natigil siya sa paglalaro ng games sa cellphone niya. "May dalawang nakipagkaibigan sa akin kanina, Amihan and Ezrah--" "Ah, iyong mga apo ni Manong Berto at Aling Maming,” putol ni Angelo sa sasabihin ko. “Mababait mga 'yon.” "Oo. Pero may dumating eh, matapang na maliit na babae. Binantaan pa nga ako na kapag pinatos ko raw ang kapatid at pinsan niya ay ipapatira raw niya ako sa tropa niya,” pagpapatuloy ko sa kuwento ko. Humulagpos naman ang malakas na tawa ni Angelo na ikinataka ko. "Si Zellay iyon Zin, kapatid ni Ezrah at pinsan ni Amihan,” aniya nang matapos siyang matawa pero may ngiti pa rin sa labi. “Ah, Zellay pala ang pangalan ng matapang na babaeng iyo,” sabi ng isip ko. "Bakit ganoon katapang iyon?” takang tanong ko kay Angelo. “Nakikipagkaibigan lang naman sa akin sina Amihan at Ezrah.” "Over-protective lang sa kapatid at pinsan niya si Ezella kaya ganoon siya,” tanggol ni Angelo kay Ezella. “Pero mabait naman iyon. Hayaan mo ipapakilala kita minsan. Tropa ko rin kasi iyon at ka-edaran lang din natin. Katatapos lang ng Eighteen birthday ni Ezella nitong nakaraang-buwan,” aniya. "May tropa talaga siya na kaya akong tirahin dito?" naniniguradong tanong ko. "Oo. Kaya magtino ka kung ayaw mong matira rito," nakangising babala ni Angelo sa akin. “Seryoso? Niloloko mo lang ‘ata ako!” naiinis na tanong ko kay Angelo. Pero imbes na sagutin ako ay tinawanan lang niya ako at sa inis ko ay hinampas ko siya sa tiyan na kinaiki ni Angelo at naubo pa dahil sa ginawa ko. “Sira-ulo!” sabi ko at tumayo na ako saka pumasok sa maliit na kwarto namin ni Angelo. Kinabukasan sumama ako kay Angelo niyaya niya kasi akong mamasyal para naman daw malaman ko ang pasikot-sikot sa lugar nila at makaya ko ng magbiyahe mag-isa kapag nagta-trabaho na ako. "Tara, ligo tayo sa dagat," aya sa akin ni Angelo nang makarating kami sa harap ng dagat. Hindi naman na ako nakatanggi pa dahil lumusong na ito sa dagat kaagad kaya naghubad na lang din ako ng T-shirt at lumusong na rin sa dagat saka lumangoy nang lumangoy. Dinama ko ang malamig na tubig-dagat sa aking katawan at nakaka-relax sa pakiramdam ang mapayapang dagat habang lumalangoy ako. Kahit hindi gwapo Napalingon ako sa narinig kong kumakanta at tunog ng gitara. Nasa batuhan na pala ako ng bahagi ng dagat at may nakita akong nakaupo sa batuhan na may hawak pang gitara. Lumapit ako sa kanya na hindi niya namamalayan dahil nakatalikod siya banda sa kinaroroonan ko. Ang tipo kong lalake medyo bastos Maginoo pero medyo bastos "You have a nice voice," komento ko sa kumakanta. Kahit nakatalikod ang babaeng ito ay kilala ko na kaagad siya at hindi naman ako nagkamali. "Ay!” gulaat na tili niya. Napatayo siya sa gulat sa akin at muntikan pang matumba, mabuti at nasalo ko katawan niya. Nagkatitigan kami at nakita ko ang pagsuyod niya sa mukha ko at sa dibdib ko na ikinapikit niya. "Tukso! Layuan mo ako," sabi pa niya kaya napangiti ako. "She's cute,” komento ng isip ko. "Sorry kung nagulat kita," hingi ko ng pasensiya sa kaniya. Dumilat siya at lumayo sa akin saka inayos ang pagkakatayo pero hindi tumitingin sa akin. Mukhang ilang na ilang siya ngayon dahil wala akong damit pang-itaas na suot. “So innocent," sabi pa rin ng isip ko. "Ano bang ginagawa mo rito? At bakit naka-top less ka?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Nag-swimming ako at hindi ko namalayan napunta na ako rito. And I heard your voice,” paliwanag ko sa kaniya. "Sige na, umalis ka na. Nakakailang ang katawan mo, eh," taboy na niya sa akin. "Why? Kahit wala pa akong abs ay maganda naman katawan ko ah,” nakangiting tugon ko. "P'wede ba! Hindi iyon! Hindi ako sanay makakita ng top-less 'no!" inis na tugon niya sa akin. "Sorry," tugon ko. Tumalon ako sa dagat at inilublob sa dagat ang katawan ko. "How about this?" tanong ko sa kaniya. Tumingin na siya sa akin. "Umalis ka na lang,” taboy pa rin niya sa akin. "Bakit? Naiilang ka pa rin ba kahit hindi mo na nakikita ang katawan ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi. Gusto ko lang mag-isa kaya umalis ka na!" taboy niya sa akin. "Anong pangalan mo?" tanong ko na sa kanya. "Ha? Bakit gusto mong malaman?" ganting tanong niya sa akin. "Eh, kasi dalawang-beses na tayong nagkita at nagkausap pero, until now, hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Para sa susunod na pagkikita natin ay matawag na kita sa name mo," sabi ko sa kaniya. Tinignan lang niya ako na naghihinala. Sa totoo lang, alam ko naman ang pangalan niya dahil nabanggit na ni Angelo pero para lang may mapag-usapan kami at mawala kahit paano ang ilang niya sa akin. "I'm Zion Rodney but you can call me Zin," pakilala ko na rin sa sarili ko. "Ezella Pinaghugutan." "Pinaghugutan? Nice surname," komento ko. Ngumiti ako. "'Wag mong pagtatawanan apelyedo ko kung ayaw mong masapak!" banta niya sa akin. Lalo akong napangiti ako sa kaniya. Ang tapang talaga niya kahit kalian at palagi na lang niya akong binabantaan pero hindi talaga ako nasisindak sa pinapakita niya dahil sa inosenteng mga mata niya. "So, can I call you Zella?" tanong ko ulit sa kaniya. "Zella?” tanong niya. “Sige, bahala ka," tugon niya sa akin. "So, friends na tayo?" tanong ko ulit sa akin. "Friends? ‘Agad-‘agad? Ano ka!" Umirap pa siya sa akin. "Sige na. Promise, hindi kita lalandiin o kahit ang pinsan at kapatid mo. Magbe-behave ako,” pangako ko sa kaniya. "Basta ba hindi mo lalandiin ang kapatid at pinsan ko ay ayos tayo at pwede kitang tropahin. Pero once talaga na nalaman ko na nilandi mo--" "Promise," nakataas pa ang kamay na pangako ko sa kaniya. "Mabuti." Ngumiti na si Ezella sa akin. "She's pretty." "Zin!" narinig kong tawag sa akin at napalingon ako. Si Angelo iyon at lumalangoy palapit sa akin. "Nandito ka pala? Pinakaba mo ako nang hindi kita makitang nakasunod sa akin na lumalangoy,” sabi ni Angelo at mukhang nakahinga na ng maluwang nang makita ako. Napansin ni Angelo si Ezella at may sumilay na nakakalokong ngiti na sa labi niya. Mukhang iba na ang nasa isip niya sa aming dalawa ni Ezella. "Zellay, nandito ka rin pala? Kayo ha, anong ginagawa niyo rito?" ngingisi-ngisi tanong ni Angelo sa aming dalawa ni Ezella. "Pwede ba Gelo, tigilan mo kami! Nagkita lang din kami rito 'no! Dagukan kita diyan, eh!" pagtataray ni Ezella na ikinangiti ko na naman. "Oo na, oo na! Alam ko naman hindi ka bibigay sa ka-gwapuhan nitong si Zin kasi tomboy ka!" Sabay tawa ni Angelo. "Pasalamat ka talaga, Gelo, nasa dagat ka! Kung nandito ka ay binasag ko na 'yang bungo mo!" inis na banta ni Ezella kay Angelo. "Tapang talaga, eh! Uy! Magbago ka na dahil hindi ka magkaka-boyfriend niyan kapag ganyan ka palagi," pang-aasar pa rin ni Angelo kay Ezella na lalong ikinasimangot ng dalaga. "Ewan ko sa’yo! Sige na, alis na ako at may GIG pa ako mamaya," paalam na ni Ezella. "Saan 'yang GIG niyo? Sama mo naman kami kahit taga-nuod lang para rin makapaglibot dito itong kaibigan ko," hiling ni Angelo kay Ezella. Kahit ako nakadama ng pagkagusto na makasama sa GIG ni Ezella. "Sige. Mamayang six pm daanan niyo ako sa bahay para makasama kayo. Huwag mali-late ha, kompiyang sa ulo ang magpapaantay!" payag at bilin ni Ezella sa amin. "Opo boss!" sagot ni Angelo. "Sige na, una na ako," paalam ulit ni Ezella. "Be careful," paalala ko kay Ezella dahil puro bato ang nilalakaran niya. Nginitian niya lang ako at kinawayan. "Be careful ha," tudyo sa akin ni Angelo. Tinignan ko lang siya at tinalamsikan ng tubig dagat sa mukha saka iniwan. "Zin, 'wag mo ako iwan!” hiyaw niya nang makalayo na ako pero hindi ko siya pinakinggan at tuluyang iniwan ko si Angelo. Lumakad na ako sa pangpang at dumiretso ng lakad patungo sa bahay nina Angelo. Nagmamadali rin naman tumakbo palapit sa akin si Angelo at sabay na silang tumungo pauwi sa bahay nila. Five-thirty pa lang ay niyayaya ko na si Angelo na puntahan na namin si Ezella. Ayaw ko kasing ma-late at nakakahiya sa tao. Isasama na nga lang niya kami pa-late-late pa kami. "Ikaw ha, excited ka," tudyo sa akin ni Angelo na may nakakaloko pang ngiti. "Nakakahiya naman kasi na ma-late tayo," katwiran ko. " 'Yon nga lang ba?" tudyo pa rin niya sa akin. "Hey! Will you please stop teasing me!" sita ko sa kanya. "'Yan tayo, eh. Ini-English mo na ako kaya tatahimik na lang ako," tatawa-tawang sabi ni Angelo. Pagdating namin sa bahay ni Ezella ay si Amihan ang sumalubong sa amin. Dahil nasa labas siya ng bahay at ngingiti-ngiting lumapit sa akin. "Hi Zin," bati niya sa akin. "Hi, Amihan." "Wow! Natatandaan mo pa ako!" masayang bulalas ni Amihan. "Oo naman." "Pinsan mo Ami, nasaan?" sabat na tanong ni Angelo. "Nasa loob ng bahay. Pasok kayo,” aya ni Amihan sa amin. Pumasok na rin kami sa bahay nila Ezella at pinaupo kami ni Amihan sa kahoy na upuan nila. Medyo malawak ang bahay nila Ezella at nakita kong na may dalawang pinto na sa tingin ko ay kwarto nila. Wala rin silang TV pero may electric fan, component at maganda rin ang sofa na inuupuan nila na gawa sa narra pati ang lamesa sa gitna ng dalawang sofa. "Gelo? Napadalaw ka?” tanong ng matandang lalaki na galing sa kusina yata ng bahay, “at sino itong kasama mo? Aba'y kagwapo!" dagdag pa niya na siya ang tinutukoy. "Mang Berto, si Zin po kaibigan ko at sa bahay din po siya nakatira," tugon ni Angelo. "Ganoon ba. Eh, bakit kayo naandito? Aakyat ba kayo ng ligaw sa mga dalaga ko?” usisa pa rin ng matandang lalaki, “at kanino ba?" nakangiting tanong na sa amin ni Mang Berto. "Papang!" saway ni Amihan sa Lolo niya. "Sinong aakyat ng ligaw?” Napalingon ako sa matandang babaeng sumulpot sa may pinto. Galing siya sa labas ng bahay at may hawak na bayong na may lamang dahon-dahon at kita iyon dahil nakalabas ang ibang laman na dahon sa bayong. "Si Ellay lang ang nasa tamang gulang dito. Si Ellay ba ang liligawan niyo?" dagdag na tanong ulit ng matandang babae. "Ay! Ako po ay hindi, Aling Maming, baka ito pong si Zin kasi mukhang tipo niya si Zellay,” kaagad na sabat ni Angelo na ikinagulat ko at hindi na ako nakatanggi pa. Nanlaki ang mata ni Amihan na napatingin sa akin. "May gusto ka kay ate Zellay?" bulalas na tanong ni Amihan sa akin. "Ha? Ah, eh-- "Uy! Ang aga niyo ha? Five-forthy pa lang?” Napalingon kaming lahat kay Ezella na kapapasok pa lang ng bahay at nakasuot hanggang tuhod na short at T-shirt na maluwang sa katawan niya. May dala-dala pa si Ezella na plastic na may lamang dalawang malalaking isda. "Teka, bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" sita niya nang mapansin ang tingin naming lahat sa kanya. "Iha, hindi mo sinasabi na may manliligaw ka pa lang pupunta rine, eh 'di sana naghanda tayo ng makakain," sabi ni Aling Maming kay Ezella. "Manliligaw?” Nanlaki ang mga mata ni Ezella,"sino naman at nasaan?" takang tanong niya. "Itong gwapong batang ito." Itinuro ako ni Mang Berto, "dapat sinasabihan mo kami. Nakakahiya tuloy sa bisita mo," dagdag ni Mang Berto. "Ha!? Nanlalaki lalo ang mga mata ni Ezella na tumingin sa akin. Napakamot naman ako sa ulo kahit wala naman makati. Masama kong tinignan si Angelo na tatawa-tawa pa sa kalokohang ginawa. "Mag-ayos ka naman Ellay, nakakahiya sa manliligaw mo," sita pa rin ng Lolo ni Ezella sa kanya. "Sige na iho, magluluto lang kami at dito ka na maghapunan,” aya ni Mang Berto sa akin. Napalunok ako ng laway at napatingin sa nakakatakot na tingin sa amin ni Ezella. Hindi naman pwedeng tumanggi ako dahil mapapahiya kami pareho ni Ezella, mukha pa namang paniwalang-paniwala na ang pamilya ni Ezella na nanliligaw ako sa kanya. "Ha, ah, opo," ayon ko na lang. Nakita ko na tumalim na titig sa akin ni Ezella. "s**t!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD