Prologue

331 Words
Ang Chemistry ay nagsimula ng madiskubre ang apoy ilan daang libong taon na ang nakakalipas. Dito nagsimula ang konseptong Alchemy. Pero bago pa maisilang ang Alchemy, mas nauna ang sinasabi nilang Black Magic na kung saan lahat ng ginawa nilang mga eksperemento ay may kinalaman sa mga mahika. Sa paglipas ng panahon, ang Black Magic ay unti unting nawala at ang sumunod ay ang Alchemy. Sa panahon ng Alchemy, lahat ng klase ng metal ay ginawa nilang ginto para sa ikayayaman ng mga sayantipiko. Pero sa Mazoria, ang Alchemy ay ginamit nila para makagawa ng kakaibang sandata na hinaluan pa nila ng konsepto ng black magic upang maging matibay at hindi basta basta mawawasak pagdating sa labanan. Nakagawa ng sandata ang mga Alchemists ng Mazoria dahil na rin sa utos ng Hari at dahil dito,naging payapa ang buong Mazoria. Sa paglaganap ng Alchemy sa Mazoria,kaakibat din ito ng pagkakaroon ng interes ng mga tao sa kapangyarian kaya gumawa sila ng sarili nilang mga sandata. Sa kalaunan, ang mga sandatang ito ay tinawag nilang Arkin. Dahil sa pagkagahaman ng mga tao sa kapangyarihan, nag-iba ang gamit ng Arkin. Ginamit nila ito sa paggawa ng masama. Naalarma ang hari ng Mazoria dahil sa mga pangyayaring ito kaya pinag-utos ng hari na lipunin lahat ng taong may hawak na kahit isang Arkin. Nang makuha lahat ng Arkin, ipinatago ng hari ang mga ito sa mga alchemists . Itinago ng mga Alchemists ang mga Arkin sa iba't ibang lugar ng Mazoria at gumawa ng mga patibong upang walang kahit sino man ang makakakuha ng mga ito. Ang mga libro at mga sulatin na may kinalaman sa Arkin ay pinasunog ng hari upang mawala na ng tuluyan ang konsepto ng Arkin. Sa paglipas ng panahon, nawala na ang Arkin sa mga isip ng tao kaya muling nanumbalik sa dati ang Mazoria. Wala ng alam ang kasalukuyang hari sa mga Arkin. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon uli ng kaalaman ang mga tao kaya nabuo ang mga Hunter Foundation: sila ang samahang naghahanap ng mga Arkin upang gamitin ito sa masama The Seekers (Bantay Halimaw): Sila ang samahang kumukolekta sa mga Arkin upang mapanatili ang kaayosan ng Mazoria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD