bc

The Seeker : The Adventure of Kelvin Ventura

book_age18+
619
FOLLOW
1.6K
READ
brave
student
comedy
bxb
bisexual
mystery
another world
superpower
witchcraft
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Si Kelvin ay isang masunurin at responsableng anak sa kanyang ina. Mabait at matalino kaya siya nakakuha ng Scholarship sa Mazoria University.

Sa Mazoria University, dito niya makikilala si Moises. Sa buong taon nilang magkaklase, hindi sila nag-usap kahit minsan pero magkakaroon ng engkwentro na kung saan si Moises ang magliligtas kay Kelvin.

May mga tao na gustong kunin si Kelvin dahil sa isang pamana ng kanyang ama, ang isa sa tinatawag nilang Legendary Arkin.

Ang mga Legendary Arkin ay mga sandatang ginawa ng mga alchemists at black magic, matagal na panahon na ang nakakalipas. Dahil sa hindi naging maganda ang epekto sa mga tao dahil sa mga Arkin ay ipinag-utos ng dating hari ng Mazoria na sunugin, sirain at kalimutan ang mga Arkins.

Pero sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng kaalaman ang ilang tao tungkol dito at doon nabuo ang dalawang organisayon sa Mazoria, Una ay ang Hunter Foundation na kung saan sila ang samahan na kumukolekta sa mga Arkin upang gamitin ito sa masama at ang pangalawa naman ay ang Seeker Foundation o mas kilala na “The Seekers” na kung saan, sila ang naghahanap ng mga Arkin para sa kaayosan ng Mazoria.

Ano kaya ang mangyayari kay Kelvin?

Ano kaya ang mga pagsubok na kanyang haharapin?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang Chemistry ay nagsimula ng madiskubre ang apoy ilan daang libong taon na ang nakakalipas. Dito nagsimula ang konseptong Alchemy. Pero bago pa maisilang ang Alchemy, mas nauna ang sinasabi nilang Black Magic na kung saan lahat ng ginawa nilang mga eksperemento ay may kinalaman sa mga mahika. Sa paglipas ng panahon, ang Black Magic ay unti unting nawala at ang sumunod ay ang Alchemy. Sa panahon ng Alchemy, lahat ng klase ng metal ay ginawa nilang ginto para sa ikayayaman ng mga sayantipiko. Pero sa Mazoria, ang Alchemy ay ginamit nila para makagawa ng kakaibang sandata na hinaluan pa nila ng konsepto ng black magic upang maging matibay at hindi basta basta mawawasak pagdating sa labanan. Nakagawa ng sandata ang mga Alchemists ng Mazoria dahil na rin sa utos ng Hari at dahil dito,naging payapa ang buong Mazoria. Sa paglaganap ng Alchemy sa Mazoria,kaakibat din ito ng pagkakaroon ng interes ng mga tao sa kapangyarian kaya gumawa sila ng sarili nilang mga sandata. Sa kalaunan, ang mga sandatang ito ay tinawag nilang Arkin. Dahil sa pagkagahaman ng mga tao sa kapangyarihan, nag-iba ang gamit ng Arkin. Ginamit nila ito sa paggawa ng masama. Naalarma ang hari ng Mazoria dahil sa mga pangyayaring ito kaya pinag-utos ng hari na lipunin lahat ng taong may hawak na kahit isang Arkin. Nang makuha lahat ng Arkin, ipinatago ng hari ang mga ito sa mga alchemists . Itinago ng mga Alchemists ang mga Arkin sa iba't ibang lugar ng Mazoria at gumawa ng mga patibong upang walang kahit sino man ang makakakuha ng mga ito. Ang mga libro at mga sulatin na may kinalaman sa Arkin ay pinasunog ng hari upang mawala na ng tuluyan ang konsepto ng Arkin. Sa paglipas ng panahon, nawala na ang Arkin sa mga isip ng tao kaya muling nanumbalik sa dati ang Mazoria. Wala ng alam ang kasalukuyang hari sa mga Arkin. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon uli ng kaalaman ang mga tao kaya nabuo ang mga Hunter Foundation: sila ang samahang naghahanap ng mga Arkin upang gamitin ito sa masama The Seekers (Bantay Halimaw): Sila ang samahang kumukolekta sa mga Arkin upang mapanatili ang kaayosan ng Mazoria

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
364.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.9K
bc

NINONG II

read
619.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook