Chapter 16 : Ang Pagsubok sa Enkantanium Part 2

2097 Words

Mabilis na tumakbo si David papunta sa alyar kung nasaan ang hinahanap naming susi, ang 'The Moon'. Pero dahil sa dami ng mga shokoy at malalaking nilalang, hindi naging madali sa kanya ang makalapit doon. " Kelvin! " sigaw ni Moises sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang mabilis na tumakbo palapit sa akin. Nang makalapit na siya, tumalon siya at iwinasiwas ang kanyang espada at natamaan ang isang shokoy na aatake sana sa akin. Napatingin ako sa shokoy, naputol ang ulo nito at unti-unting nawawala. " Mag-focus ka! Huwag kang titingin kung saan-saan para hindi ka napapahamak!" pangaral niya sa akin. " Sorry," mahina kong sagot sa kanya. Napailing na lang siya, " Umayos ka, Kelvin!" sabi pa niya bago siya muling nakipaglaban sa mga shokoy, serena at sa malaking nilalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD