" Kilala niyo ang aking ama? " nauutal kong tanong sa kanila. Tumawa sila nang malakas dahil sa aking tanong sa kanila. " Paano kung sabihin naming kilala namin? Ano ang gagawin mo? " sagot niya sa aking tanong. Nagulat ako dahil sa sinabi niya sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin na kilala nila ang aking ama? Paano naman nangyari iyon? " Huwag kang maniwala sa sinasabi niya, Kelvin, " bulong sa akin ni Moises. Napatingin ako kay Moises. Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa mga taga Waltos. " Siguro ay kilala niyo ang aking ama dahil isa siyang sikat na Seeker noon, tama ba? "sambit ko sa kanila. " Nagkakamali ka doon, bata dahil kilalang kilala namin namin ang iyong ama! Alam namin kung nasaan siya! "sagot ng lalaki na nasa gitna. Hindi ko maiwasan hindi si

