Chapter 5 : Namishka Falls

2837 Words
Kelvin Point of View :  ……..3:45 pm ( Namishka Falls)….... Napakaganda ng lugar na sinasabi nilang Namishka Falls. May magandang talon dito na may malinaw na tubig. Maluwag ang binabagsakan ng tubig at hindi masyadong mabato at may mga nakapalibot na mga puno. Kasama ko sina David at Moises. Sino pa ba ang kasama ko kung hindi sila, hindi ba? Bakit kami nandito? Hindi para maligo o mag-relax kundi nandito kami dahil dito ang lugar kung ano ang sinasabi ng note ng totoo kong ama sa kanyang diary.  Paano namin nalaman ang lugar na 'to? Simple lang, nag-search kami sa internet. Flashback : Habang nakahiga ako, binuklat ko ang diary ng ama ko. “ Sa isang malalim na parte ng kweba, Nakatago ang kayamanan ng Mazoria! ” Naintriga ako sa nakasulat ditto. Ano naman kaya ang kayamanan na sinasabi sa diary ng ama ko? Nakatulog ako  sa aking kama. Paggising ko, hapunan na. Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba. Nakita ko sila Moises at David sa kusina kumakain na. hindi man lang ako tinawag.  Umupo na ako sa harap nila at nagsimula na rin ako kumain. Matapos kaming kumain, dumeretsyo ako sa sala para magsearch sa mga kweba na matatagpuan dito sa Mazoria. Ilan sandal pa, ang daming nagsilabasan na sagot. Iniisa isa ko ang mga ito para malaman kung ano at saan sila makikita. Habang abala ako sa pagbabasa tungkol sa mga kweba. Lumapit sa akin si Moises. “ Ano 'yang ginagawa mo?” ang tanong niya sa akin habang nakatayo sa likod ko. “ Wala, pinag-aaralan ko lang ang mga kweba dito sa Mazoria, ” ang sagot ko naman sa kanya. “ Patingin nga!” ang sabi niya at biglang may dumagan sa balikat ko. Pinatong ni Moises ang ulo niya sa balikat ko!! Ano bang ginagawa ng taong to? Pwede naman siyang kumuha na lang ng upuan diyan  para tumabi sa akin eh. “ Bakit ka naman nagbabasa tungkol sa mga kweba ng Mazoria?” ang dagdag pa niya. “ May nabasa kasi ako sa diary ng totoo kung ama” ang paliwanag ko naman dito. Inalis na niya ang kanyang ulo sa aking balikat at kumuha na siya ng upuan at tumabi sa akin. “ Ano naman  ang kinalaman ng mga kweba sa iyong tunay na ama? ” ang tanong ni MOises sa akin. “ Aba ewan ko! Kaya nga ako nga sesearch eh para malaman ko,” ang tugon ko naman sa kanya. Habang abala ako sa paghahanap ng kung saan o anong kweba ang sinasabi ng tunay kung ama, itong si Moises, nagbalik na naman ang pagtitig niya sa akin na parang tinutunaw ako. Ano ba talagang problema ng taong to sa akin? Parang ewan kasi ito eh. Simula ng magkita kami sa bookstore ganyan na siya pati sa loob ng school noon. Hindi kaya may gusto ito sa akin?  Ilan sandali pa, lumapit na rin si Davin sa amin inuupuan. Gaya kay Moises kanina, nagtanong din siya kuna ano ang hinahanap ko. Sinagot ko naman si David gaya kanina ni Moises at nakiupo na rin siya. Ilang minute rin ang pagbabad ko sa harap ng computer nang biglang bumukas ang malaking T.V tanda na nandun na naman ang mukha ng boss ni David. Pumunta na kami sa harap ng malaking T.V para harapin ang boss niya. “ Kamusta David? ” ang pangungumusta niya kay David. “ Ok lang boss. Eto medyo boring lang naman, ” ang sagot naman ni David sa kanya. “ Mabuti naman kung ganun. Katatapos niyo lang sa mission pero sige baka bukas may ibibigay ako sa inyo.” Ang tugon naman ng boss niya. “ sige kinamusta lang kita sandal.” Ang dagdag pa niya. Tumalikod na siya pero pinigilan ko siya. “ Ah,eh, sandal lang po at may tatanungin lang ako sir” ang pagpigil ko sa kanya. “ Ano yun, ijo?” ang tanong niya sa akin. “ Ah, eh, nagbasa kasi ako sa diary ng tunay kong ama kanina. Wala kasi akong magawa,eh. May nabasa ako sa ikatlong pahina tungkol sa kayaman ng Mazoria na may kweba kweba pa basta ganun, ” ang sabi ko sa kanya. “ Oh, ano ang iyong katanungan?” ang tugon naman niya sa akin. Napayuko ako dahil sa tanong niya, " May alam ka po ba sa kweba na napuntahan ni ama noon? May nakwento ba siya sayo noon?” ang mga tanong ko sa kanya. Itinaas niya ang ulo niya at hinawakan ang kanyang baba. Ilan sandali pa nagsalita na siya. “ May nakwento sa akin si Alvin noon habang kami ay naglalakbay. May isang kweba daw sa ilalim ng isang talon sa gitna ng gubat. Basta ganun 'yung pagkakaalala ko sa kwento niya. Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang nandun sa kweba na 'yun,” ang sagot naman niya sa akin. Isang kweba sa ilalin ng talon? May ganun ba dun? Paano naman nahanap ng tunay kong ama ang lugar na 'yun?  Ay ewan!!pinapasakit ko lang ang ulo ko.! Pero maganda dun kasi sa pagkakasulat ng ama ko na nakatagong yaman daw ng Mazoria . Namatay na ang malaking T.V at bumalik na ako sa harap ng computer. Binasa ko lahat ng description ng bawat kweba hanggang mapagod ako sa kakahanap. Wala naman kasing nasabi na kweba sa ilalim ng talon. Talon! Waterfalls!! Oo yun nga ang hahanapin ko!. Nag-search ako ulit tungkol sa mga waterfalls na matatagpuan sa Mazoria. Type Waterfalls in Mazoria and then click search. Ayun madami na naman lumabas na waterfalls. Gaya kanina, inisa-isa kong binasa lahat hanggang sa nakita ko ang Namishka Falls. Namishka Falls This waterfalls located at the middle of Abucan mountain in Mazoria. May taas itong 5 kilometers. Hindi ito sikat gaya ng ibang mga waterfalls dito sa Mazoria dahil na din sa layo nito pero sabi ng mga nakapunta na dito, may magandang paligid ito na may malinaw na tubig. Kunti lang ang description ng Namishka Falls dahil nga hindi sikat. Umalis na ako sa harap ng computer. Masakit na rin ang mata ko sa kabababad ditto. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumeretsyo sa kusina para uminom ng tubig. Paglabas ko ng kusina nakita ko sina David at Moises na papunta sa sala kaya sumunod na ako sa kanila. “ Ano kamusta ang paghahanap mo sa kweba na yun?” ang tanong sa akin ni Moises. “ Nahanap ko na pero sobrang layo kaya wag na lang ako pupunta dun,” ang sagot ko naman. “ Kung walang ipapagawa si Boss sa atin, pwede natin puntahan 'yun kung gusto niyo,” ang biglang sabi naman ni David sa amin. “ Talaga? Pupunta tayo dun?” medyo excited kong tanong sa kanya. “ Oo kung walang ipapagawang mission si boss, ” ang pag-uulit ni David. Napangiti ako sa sinabi niya.nagkwentuhan lang kaming tatlo sa sala at nang makaramdam na kami ng antok, umakyat na ako sa kwarto para matulog. Sumunod naman sila David at Moises sa pag-akyat. Habang papasok na ako sa kwarto, nahalata kung nasa likod ko lang si Moises. “ Oh, saan ka pupunta?” ang tanong ko sa kanya. “ Matutulog, ” ang maikli niyang sagot sa akin.  Ay oo pala magkatabi pala kaming natutulog ni Moises. Dalawa lang kasi ang kwarto dito sa bahay ni David kasi nga mag-isa naman siya dati,eh. Kaya ayan, magkasama kami ni Moises sa iisang kwarto. Pumasok na kaming dalawa ni Moises sa kwarto at dali daling humiga si Moises sa kama at ako naman ay dumeretsyo sa banyo parta makaligo. Hindi kasi ako sanay na hindi naliligo bago matulog eh.  Matapos akong maligo, nakita ko si Moises na nakahiga pa rin pero nakamulat naman ang kanyang magagandang mga mata. “ Hoy! Hindi kaba maliligo o mag hahalf bath man lang? ” ang tanong ko sa kanya. “ Hindi na kailangan yan!” ang sagot niya sa akin. “ Hay naku. Bumangon ka diyan at pumasok sa banyo. Ayaw kong may katabing mabaho!” ang sabi ko ulit sa kanya pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kama. Umupo na rin ako sa kama para maghanda sa pagtulog. “ Kahit hindi ako maligo o maghalf bath mabango pa rin ako,” ang sabi niya sa akin habang nakapikit na ang kanyang mga mata. “ Tsk! tamad ka lang,eh!!” ang panunukso ko sa kanya. “  Anong tamad? Hindi na talaga kailangan 'yun kahit amuyin mo pa ako! ” pagdepensa niya sabay hila niya sa akin.  Napasubsub ako sa kanyang matigas na katawan at hindi nga siya nagkamali, mabango nga siya. “ Ano naniniwala ka na?” ang tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot kasi nilalanghap ko pa ang mabango niyang katawan eh… “ Oy, baka maubos na ang amoy ko sa ginagawa mo, ah! ” ang sabi niya sa akin. Napatulak ako sa kanya dahil sa aking narinig. Nakarinig pa ako ng mahinang paghagikgik. Napayuko ako sa hiya at humiga na patalikod sa kanya. Pinikit ko na ang aking mga mata pero ilang sandali pa ay may dumagan sa akin na isang paa at kamay na nakayakap sa akin. “ Ano ba Moises!! Matutulog na ako!” ang naiirita kung sabi sa kanya. “ Tsk! ok lang yan. Gusto mo naman, eh!” ang tugon niya sa akin.  Alam kong namula ako sa kanyang sinabi. Pinabayaan ko na lang siya na nakayakap sa akin at natulog na lang ako. …………………………………………………………………………………………………………………… Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa labas. Hindi ko pa binubuksan ang aking mga mata dahil naaaninag ako sa liwanag. Ilan sandali pa, naramdaman kong may tumutusok sa aking tiyan. Napamulat ako ng aking mga mata at nakita ko kung ano ang position naming dalawa. Magkayakap kami ni Moises habang ang isa niyang paa ay nakapatong sa aking bewang. Tinignan ko siya kung gising na ba siya pero natutulog pa siya. Ilan sandali pa, napansin kong hindi pa nawawala ang nakatusok sa tiyan ko kaya inangat ko ang kumot naming at laking gulat ko na lang nang makita ko ang bagay na nakatusok sa akin. Paano kasi may malaking batuta sa loob ng kumot.  Dahil sa gulat, hindi ko maiwasan ang mapasigaw ng malakas at maitulak si Moises na nagdahilan para magising siya.  “ Ano ba!!natutulog ang tao, eh kung makasigaw ka naman wagas at nagawa mo pa akong itulak!!ano bang problema mo?” ang naiirita niyang tanong sa akin. “ Kasi ang alaga mo, gising,” ang nauutal kong sambit sa kanya. “ Ano ka ba! Parang hindi ka naman lalaki,eh. Ganyan talaga kapag umaga!” ang sagot niya sa akin. Hindi na lang ako sumagot pa. Bumalik na siya sa kama at humiga ulit. Ako naman dali dali akong bumangon at nagtungo sa banyo para maghilamos. Pagkatapos nun, lumabas na ako sa kwarto naming. Si Moises? Yun bumalik sa pagtulog. Bahala siya diyan!! Bumaba na ako at dumeretsyo sa kusina. Hindi na ako nagulat ng wala pang naluluto. Tatlo lang kasi kami. Ang isa ayon tulog pa at si David naman nasa labas may kausap yata. Halata ko rin na kakagising din niya. Ilan sandali pa, lumapit na rin si David sa akin. “  Goodmorning! Gising ka na pala,” ang bati sa akin ni David. “ Goodmorning din! ” ang tugon ko naman, “ Sino 'yung kausap mo kanina? ” ang dagdag ko pa. “ Ah si boss lang yun. Wala daw siyang maiibigay sa ating mission ngayon, ” ang sagot niya sa akin. “ Ang ibig sabihin, pupunta tayo sa  Namishka Falls?” ang tanong ko ulit sa kanya. “ Oo! “ ang matipid niyang sagot sa akin. Nang matapos akong makapagluto at paghanda, umupo na kami ni David para mag-agahan. Hindi pa kami nagsisimulang kumain ay dumating na si Moises. Nakiupo na rin siya at kumain. Sinabi na rin ni David sa kanya na pupuntahan naming ang Namishka Falls. Hindi naman nagreklamo si Moises. Nang matapos kaming kumain, naghanda na kami sa paglalakbay naming. Medyo malayo kasi ang lugar nay un eh. Pagkatapos naming maghanda, umalis na kamin. Nagdala kami ng kakainin naming mamaya sa tanghalian at mga gamit sa pag scuba kasi nga sisisid kami dun para mahanap ang kweba na sinasabi ng aking ama. Ilan oras din ang naging byahe namin para mapuntahan ang bundok. Putik ang layo talaga. At ngayon malalakad na pa kami para makapunta sa gitna nitong bundok. Kumain na rin kami ng tanghalian sa daan patungo sa Namishka Falls. Sobrang layo talaga. Akalain niyo alas 9 a.m kami lumabas sa bahay ni David at nakarating kami ng alas 11 a.m sa bundok.  Naglakad lang kami papunta sa gitna na higit apat na oras!! At ngayon nakatayo na kami sa may gilid ng Waterfalls. End of Flashback ………………………………………………………………………………………. Naghanda na kami para sa pagsisid. Matapos kaming maghanda, tumalon na kami sa tubig at lumangoy. Sabay sabay kaming lumalangoy at naghahanap ng kweba. Halos 30 minutes na kaming lumalangoy ng makakita kami ng isang kweba. Pumunta na kami doon pero hindi naming inaasahan ang paglabas ng ilang…….sireno??? Totoo ba itong nakikita ko? Mga sireno?? Nagkatinginan kaming tatlo. Pasugod na sa amin ang mga sireno sa amin na may hawak na parang buto ng malaking isda. Mabilis na lumangoy ang mga sireno sa direksyon naming. Inilabas na rin ni David ang kanyang Renkin at nakipaglaban siya sa mga sireno. Hindi naman mapalabas ni Moises ang kanyang Renkin kasi mabigat daw at ako naman ay walang kwenta ang Renkin ko sa ilalim ng tubig. Nakikipaglaban na si David sa tatlong mga sireno ng may dumating pang mga sireno. Parang sumuko na rin si David at pinabalik na niya sa isang Hexagon ang Renkin niya. Pinalibutan na kami ng mga sireno at pinasok nila ako sa kweba. Ilang saglit pa, may nakita kaming parang isang daanan. Lumangoy kaming paakyat at nagulat kaming tatlo ng makita namin na may parte sa kweba na walang tubig. Lumapit na kami sa pangpang at umakyat naman kaming tatlo. Ang mga sireno ay umupo at may isinuot na kwintas na may kulay blue na bilog. Pagkasuot nila iyon, biglang nagbago ang kanilang mga buntot at naging paa. Lumapit na rin sila sa amin at tinutukan nila kami ng sandata nilang parang baton. Ilang minuto pa ng paglalakad, nakakita kami ng liwanag. Pumunta kami doon at nabigla kami sa aming nakita. Isang napakalawak na lupain. May nagliliparang mga kakaibang mga ibon mga naglalakihang mga bundok at ang hindi ko akalain ay ang mahabang hagdan pababa. Bumaba na kami sa malaking hagdan. Mga halos 20 minutes din kaming naglakad at narating na din naming ang parang isang maliit na pamayanan. Marami rin kaming nakikitang mga tao. Normal naman sila kung titignan sila. Parang tao talaga. Pero tao ba talaga sila? Maganda ang nakikita ko sa maliit na pamayanan na dinadaanan naming. Parang gaya din ng buhay nila sa buhay namin sa Mazoria. Malinis ang lugar, may mga bahay din na parang mga malaking kabute. May mga iilang mga tao ang tumitingin sa amin kapag dumadaan kami. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang magtanong sa mga kanina ay sireno. “ Anong lugar ito? ” ang tanong ko sa isang sireno kanina pero hindi siya sumagot. Pinabayahan ko na lang siya at naglakad na lang kami. Ilan sandali pa, nakarating kami sa malaking gate. Bumukas ang malaking gate at tumambad sa amin ang isang kastilyo. Malaki ito at napakaganda. May mga magagandang halaman sa paligid at may mga ilang mga parang sundalo na nagroronda sa buong kastilyo. Naglakad pa kami kunti hanggang makarating kami sa malaking kastilyo. Pagkabukas ng malaking pinto ng kastilyo,  nagulat kami sa aming nakita. Isa ba itong playground? Maraming bata ang naglalaro sa loob at may parang mini park sa loob nito. Ang gaganda ng palamuti sa loob mula sa dingding hanggang sa kisame. Malaki at napakalawak. Napatigil naman ang mga tao sa loob ng mapansin nilang pumasok kami. Nakatingin lang sila sa amin habang patuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang pinto na naman. Bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang sa tingin ko ay hari at reyna. Nakaupo sila sa dalawang magaganda at malalaking upuan. “ Mahal na hari, nakita naming sila na papasok sa kweba kaya dinakip naming sila! ” ang sabi ng isa sa sireno kanina. Sumenyas ang hari at biglang naglabasan ang mga kaninay sireno. Naiwan kaming tatlo sa loob at nakatingin lang sa amin ang hari at reyna. “ Anong balak niyo at gusto niyong pumasok sa kweba?” ang tanong ng hari sa amin. “ Kami po ay manglalakbay mahal na hari. Nagkataon lang po na may nabasa kami tungkol sa isang lugar kaya sinadya po naming itong puntahan.” Ang sagot naman ni David sa hari. “ Kung ganon, wala kayong balak sirain ang aming kaharihan?” ang tanong pa ng hari. “ Wala po kaming balak na sirain ito mahal na hari. Gusto lang po naming makita ang sinasabi ng aking ama sa kanyang diary,” ang sagot ko naman sa hari. “ Wala pang nakakapuntang tao dito sa aming kaharihan bukod kay Alvin Ventura, ” ang sabi sa amin ng hari. “ Siya po ang aking ama mahal na hari, ” ang sagot ko naman. Halatang nagulat ito sa aking sinabi kaya napatayo pa siya sa gulat. “ Ikaw ay anak ni Alvin Ventura?” ang nagtatakang tanong niya sa akin. “ Opo mahal na hari, ” ang sagot ko naman sa kanya.  Lumapit siya sa akin at niyakap. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero napangiti ako. “ Ikaw ang anak ni Alvin Ventura na nagligtas sa amin noon! ” ang nauutal na sambit ng hari sa akin. “ Halika kayo! Magpapapiging ako sa pagdating ng anak ng bayaning si Alvin Ventura! ” ang dagdag pa niya. " Bayani? Ang aking ama isang bayani sa lugar na 'to?ano bang klaseng lugar 'to? Napakamesteryoso naman ng lugar na ito! " ang nasa isip ko. …………………………………………………………………………………………..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD