Chapter 3: Unang Paghahanap

2383 Words
"Kailangan kong hanapin kung nasaan ang akin tunay na ama. Marami akong itatanong sa kanya. Kailangan kong malaman kung bakit niya ako iniwan at hindi na bumalik sa loob ng labing walong taon. Ano ba ang importante sa paghahanap ng kung ano mang bagay na 'yun. Mas importante pa ba 'yun kaysa sarili niyang anak?" mga tanong ko sa aking isip Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay ni David. Malawak ang loob ng bahay niya at may mga magagandang dekorasyon na halatang mga antigo ang mga ito at kanina papasok kami ay napansin kong medyo may kalumaan ang labas nito. "Umupo muna kayo diyan. " Utos niya sa amin sabay turo ng upuang gawa sa kahoy. Umupo kaming dalawa ni Moises at umalis saglit si David. Pagbalik niya,may dala na itong mga meryenda. Ipinatong niya sa lamesa na gawa din sa kahoy at umupo na rin siya sa harap namin. "Ngayon. Bakit na sa'yo ang isa sa legendary Arkin?" Ang unang tanong niya sa akin. Humarap ako sa kanya at tinitigan ito. "Iniwan ng kinilala kong ama ito bago siya mamatay." Sagot ko sa kanya. Nagpatango na lamang siya sa aking naging kasagutan. "Kung mararapatin mo, pwede ko bang malaman kung sino ang sinasabi mong ama-amahan mo?" Muli niyang tanong sa akin. "Si Alfred Ventura." Ang maikli kong sagot sa kanya "Alfred Ventura? wala naman akong kilalang ganyang pangalan sa Foundation ah! si Alvin Ventura lang," Bulong n'ya sa kanyang sarili na narinig naman naming dalawa ni Moises. "Si Alvin Ventura raw ang totoo kong ama sabi ng kinilala kong ina kanina." Sambit ko sa kanya para malinawan siya. "Ama mo si Alvin Ventura? Ang pinakamagaling at kinikilala ng lahat ng Seekers dito sa buong Mazoria!??" Kitang kita ang gulat sa kanyang mukha ng sinabi ko sa kanya ang pangalan ng aking tunay na ama. "Iyan ang sabi ng kinilala kong ina." Ang sabi ko na lamang sa kanya.. "Kaya naman pala!pero hindi ko akalain at ng foundation na may nahanap pa la siyang legendary Arkin."kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni David. Siguro ay matagal na silang naghahanap ng ng mga tinatahuwag nilang "Legendary Arkin" pero wala pa silang nahahanap. "Kilala mo ang aking tunay na ama?" Tanong ko na lamang sa kanya. Gustong gusto ko kasing makilala ang tunay kong ama. Sino ba naman ang hindi? Kailangang kilalanin ang isang tao kung saan siya nanggaling para mabuo ang kanyang pagkatao. "Aba syempre! Sino bang hindi makakakilala sa isa sa pinakatanyag na Seeker ng Mazoria?"Halata sa kanyang sagot ang paghanga niya sa aking ama. Ganun ba talaga katanyag ang aking ama? "Ang ibig sabihin, alam mo kung nasaan ang aking ama?" Ang maligalig kong tanong. Baka kasi alam niya kung saan ko makikita ang ama ko. "Pasensya na pero hindi ko alam." Napayuko siya sa kanyang sagot. "Paano nangyari na hindi n'yo alam? 'di ba tanyag siya sa sinasabi niyong Foundation na yan?" Hindi ko mapigilan ang mapataas ng boses dahil sa naging sagot ni David sa akin. " Ang balita ko sa Foundation ay umalis siya kasama ang dalawa pang tanyag na mga seeker noon para hanapin ang iba pang mga legendary Arkin pero isa na lang ang nakabalik. Wala na kaming balita pa sa ama mo at isa pang kasama nila." Paliwanag niya sa akin. Napayuko ako ng aking ulo dahil sa aking narinig. "Nasaan ang sinasabi mong nakaligtas? pwede ko bang makausap ang taong 'yun?"Mahinang tanong ko sa kanya. "Pwede naman pero buhat ng makabalik siya nagkaroon siya ng kakaibang karamdaman. Kaya nasa ospital na pagmamay-ari ng Foundation pero kahit ganun ang kalagayan niya, siya pa rin ang namumuno sa amin" Sagot ni David sa akin. Nagpatuloy pa ang usapan namin. Ang dami niyang sinabi tungkol sa Foundation. Pareho lang ng kwento ng kinilalang kong ama sa sinasabi ni David. Habang abala kami sa pagkwekwentuhan, bigla na lang bumukas ang malaking t.v sa sala. Nang bumukas na ito, may lumabas na imahe ng matandan lalaki na halatang nanghihina. "Kamusta David? May nakarating sa aking balita na may sumugod daw sayo diyan sa harap ng bahay mo ah!" Bungad ng lalaki. "Ok lang naman ako sir. Mga miyembro lang naman yata sila ng Hunter Foundation." Sagot naman ni David sa kanya. Nakita naming napabuntong hininga ang lalaki sa malaking t.v. "Masaya akong makita at marinig na maayos ka. Tatawagan na lamang kita kung may mission ka." Paalam na sana niya pero bigla siyang napatingin sa akin. "Teka David, sino yang mga kasama mo?" ang tanong niya kay David. "Ah sila po yung hinahabol ng mga Hunters kanina dahil sa hawak nilang Legendary Arkin." Sagot niya dito. "Siya po si Kelvin Ventura ang anak ng dati niyong kasama na si Alvin Ventura at ito naman si Moises." Pagpapakilala niya sa amin. Halata naman sa mukha ng lalaki ang gulat na parang hindi makapaniwala. "Nasa kanya ang isang legendary Arkin at Anak ni Alvin?Ikaw ba ang nag-iisang anak ni Alvin?Mabuti naman at nakilala na kita dahil binilin ka sa akin ng iyong ama noong bago siya nawala at 'di ko alam na nakahanap pala siya ng isa sa limang Legendary Arkin." Mahaba niyang sambit na pinagtaka ko. Nawawala ang aking ama? Paano at saan? Kaya ba hindi na siya nakabalik pa ay dahil doon? Buhay pa kaya siya o patay na? Ang daming gumugulo sa aking isipan matapos ng mga sinabi ng lalaki sa akin. "Nawawala po ang aking ama? Paano po nangyari 'yun?Saan po siya nawala? Ano po ba ang dahilan ng pagkawala ng aking ama?" Sunod sunod kong tanong sa lalaki. Napayuko naman siya dahil sa aking mga katanungan. "Nawala siya noong muntik na naming makuha ang isa sa Legendary Arkin. Binalak niyang iligtas ang isa pa naming kasama noon dahil sobrang delikado na noon pero ang huli kong natatandaan ay may pagsabok na naganap at nawalan na ako ng malay. Pagkagising ko nandito na ako sa hospital." Mahaba niyang salaysay kung ano ang nangyari sa kanila. "Meron pala siyang iniwan sa akin bago siya mawala. Ipapadala ko na lamang diyan sa bahay ni David." Dugtong pa niya at kasabay din niyon ay ng pagpapaalam niya sa amin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung malulungkot ba ako o matutuwa. Malulungkot kasi walang kahit sino pa ang nakakaalam kung nasaan ang aking ama at masaya dahil nalaman ko ang mga nagawa niyang mga kabutihan. "Buhay pa kaya siya?" yan ang tanong na nabuo sa aking isip. Kahit imposible man na buhay pa ang aking ama,hindi ako susuko para mahanap siya. Kailangan ko siyang mahanap dahil marami pa ang kailangan kung malaman tulad na lang kung sino ang tunay kung ina at ano bang klaseng ama siya. Makalipas ang tatlong araw at dalawang gabi, may dumating na isang padala na nakapangalan sa akin. Dito na kasi kami namalagi ni Moises matapos ang mga insedenteng yun. Habang nasa sala ako at nakaupo, tinangal ko na ang balot at isang maliit na kahon ang tumambad sa akin. Binuksan ko ulit ang kahon at isang makapal pero maliit na kwaderno lamang ang nasa loob. "Ano yan?" Ang maalumanay na boses ang narinig ko mula sa likod. Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang bagong ligo na si Moises. Napatitig ako sa kanyang katawan dahil naka topless lang siya at naka short. Hindi ko maitatanggi na maganda ang katawan ni Moises. Bukod sa maganda niyang katawan, biniyayaan din siya ng nakaperpektong mukha. May mapupulang labi, makinis na mukha, may maamong mukha at ang pinakagusto ko ay ang mala demonyo niyang mga mata. "Baka maubos ang mga pandesal sa katawan ko kung ganyan ka makatitig."Napataas ako ng aking ulo at tinignan ang kanyang mukha. Nakangisi siya na para bang nang-aakit na nagdahilan upang uminit ang aking mukha. Bigla ko naman binawi ang tingin ko sa kanya at bumalik sa kwadernong hawak ko. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakatingin ako sa aking hinahawakan. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin pero ng makita ko ang kanyang katawan ay parang nanerbyos ako. Ilang saglit pa, naramdaman kong lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Ang kanyang amoy na parang isang pabango sa aking ilong. Napapikit na lamang ako dahil ramdam na ramdam ko ang init sa pagitan naming dalawa.  "Ano yan hawak mo?" ang tanong niya ulit sa akin. Naamoy ko pa ang kanyang hininga na mas lalong nagdala sa akin sa kakaibang lugar. Napabuntong hininga na lamang ako bago ako sumagot sa kanya. "Wa..wala!" Maikli at nauutal kong sagot sa kanya "Anong wala patingin nga!" ang sabi niya. Nadikit ang kanyang hubad na katawan sa aking kamay na parang may dumaloy na kakaibang kuryente sa aking katawan. Hindi ko ibinigay sa kanya ang aking hawak pero pilit niyang inagaw sa aking hanggang sa mahawakan niya ang kamay ko Sa paghawak niya ng aking kamay, biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko mawari kung ano baa ng nangyayari sa akin pero parang ang sarap ng pakiramdam. Hindi ko maiwasan ang mapatanong sa aking sarili. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Hindi naman ako ganito noong magkaklase kami pero bakit ganito? Hindi ko maintindihan! Hindi ako nakagalaw ng dahil sa pagbilis ng t***k ng puso ko kaya naagaw niya sa akin ang aking hawak hawak. Binuklat niya ang kwaderno at tinignan kung ano ang mga nilalaman nito. Medyo natagalan siyang tignan ito at maya maya pa. "Diary ng papa mo to ah!" Sabi niya sa akin na kinagulat ko. "A..ano ang sabi mo? diary ng ama ko?" Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "Oo nga tignan mo pa oh." Tugon niya sabay pakita sa akin. Napatingin ako sa kwaderno at wala akong maintindihan dahil sa lapit ng pagkakaharap niya. "Akin na nga yan" Pang-aagaw ko sa kanya sa kanyang hawak.Tinignan ko na kung ano man ang nilalaman ng kwaderno at laking gulat ko ng makita ko ang unang pahina. May larawan dito ng isang lalake at isang sanggol. karga karga ng lalaki ang sanggol. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa nakikita ko. Alam ko na siya ang aking ama. Nakasulat kaya sa baba ng litrato na (Ang mahal kong si Kelvin). "Anong meron?" Nagtatakang tanong sa akin ni Moises. "Ito ang mukha ng totoo kung ama." Sagot ko sa kanya habang may luhang tumutulo sa aking mga mata. Kinuha niya ang kwaderno at tinignan muli ito. "Tama na yan para ka naman bata diyan na umiiyak eh. Huwag kang mag- alala,hahanapin natin ang iyong ama." Ang pagtatahan niya sa akin. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Napatingin ako sa kanya na nakangisi lamang. Hindi ko alam kung sinong Poncho Pilatong nang-udyok sa aking yakapin siya. Hindi naman siya pumiglas. Hinahaplos pa nga niya ang likod ko na nagpatigil bahagya sa aking pagluha. Ilang minuto pa, kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumingin muli ako sa kanyang maaliwalas na mukha. "Salamat." Paghingi ko ng pasasalamat sa kanya. "Walang ano man yun basta ikaw. "Ang sagot naman niya sa akin. Nakaupo lang kami ni Moises sa may sala habang magkwekwentuhan ng kung ano ano hanggang dumating si David. "Ano yang nasa lamesa?" Agad na tanong ni David sa amin ni Moises. "Diary ng aking ama na iniwan niya sa akin." Sagot ko sa kanya. Lumapit siya dito at kinuha ang Diary. "Pwede ko bang makita ang diary ng isa sa pinakatanyag na seeker ng Mazoria?" Pahintulot niya sa akin. Tumango na lang ako at dali dali niyang kinuha ito at binasa. Ilang minuto pa ang nakakalipas,bumukas ang malaking t.v at nagpakita ang boss ni David. Napatigil naman sa pagbabasa si David dahil sa paglabas ng lalaki. "David. may mission ka!" Bungad ng boss niya kay David. "Ano po yun Boss?"Agad na tanong ni David sa kanyang boss. "May nabalitaan kaming mga taga Hunter na nasa Basilica de Sto Ignasio ngayon. May hinahanap silang isang Arkin dun. Kailangan niyo silang maunahan bago pa sumanib ang kapangyarian ng Arkin sa mga taga Hunter! " ang utos niya. "Masusunod po boss." Pagsang-ayon ni David a sinabi ng kanyang boss. "Pwede po ba kaming sumama kay David sir ?" Bigla kong tanong sa kanyang boss, Kitang kita ko sa mukha ng boss ni David na parang nagdadalawang isip pero kailangan kong malaman kung ano baa ng nagging buhay ng totoo kong ama noon. "Sige na po,gusto ko lang naman malaman kung anong klaseng buhay ang ginawa ng aking ama eh." ang pagkukumbinsi ko sa kanya. "Sige sige pero huwag na huwag kayong lalayo kay David ah. " Ang pagpayag at bilin niya sa amin ni Moises. Matapos ang usapan namin, dali dali na kaming lumabas at pumunta sa sinabing lugar ng boss ni David. Ilan minuto lang naman ang byahe mula sa tahanan ni David sa Basilica de Sto Ignasio. Pagdating namin dun, nakasara pa ang simbahan. Akala mong normal lang ang nangyayari at walang tao sa loob. Dumaan kami sa likod ng simbahan at pumasok na sa loob. May inilabas naman na isang gadget si David at tumambad sa amin ang kabuan ng simbahan pati na rin ang mga daan sa mga tagong lagusan ng simbahan.Nagptuloy na kami sa paglalakad habang sinusundan namin ang direksyon na sinasbi ng gadget ni David.Ilang minuto pa ng paglalakad namin,may mga kalalakihan ang humarang sa amin. "David masaya akong makita ka muli." Sambit ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Mukhang kilala niya si David dahil sa presko niyang pagbati sa kanya. "Hindi ako masayang makita ka Althure" Pabalang na sagot naman ni David dito. "Huwag ka ngang ganyan David, para naman wala tayong pinagsamahan niyan eh." Tugon ng lalaking ang pangalan ay Arthure "Nag-iba na ang lahat mula ng sumapi ka sa Hunter,Althure!" Sabat naman ni David sa kanya. "Bakit kasi hindi ka pa sumama sa akin, sa amin. Panigurado kong mas gaganda ang buhay mo sa Hunter" Pagkumbinsi ng lalaki kay David na nakangisi. "Mas gaganda nga pero puro kasamahan naman ang ginagawa niyo gamit ang mga Arkin niyo!" Matapang na sagot ni David sa lalaki. "Eh yun naman talaga ang gamit ng mga Arkin 'di ba? Ang gamitin ito para mapaunlad ang buhay na may hawak dito?" Nakangisi pang sumbat ng lalaki kay David. "Hindi! Ginawa ng mga sinaunang sayantipiko ang mga Arkin para mapanatili ang kaayos ng Mazoria!" Ang pahayag naman ni David. "Noon yun! noon panahon pa ni Ulupong!"Natatawang tugon ng lalaki kay David. "Hindi ko kayo pababayahang magtagumpay kung ano man yang binabalak niyo!"Matigas na banta ni David sa kanila. "Kung ganun..wala na kaming magagawa kundi ang wakasan ang buhay niyo." Sagot ng lalaki na sinabayan pa niya ng pagngisi. "Subukan niyo kung kaya niyo!"Matapang na sagot naman ni David sa kanya. Sumugod ang mga lalaki sa amin at naglabas ng mga Arkin. Palapit nang palapit na sila para umatake sa amin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD