CHAPTER 59 ANDREA POV ITALY HINDI ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, tungkol sa nalaman ko mula kay Pablo tungkol sa Lola Esmeralda ko ayond dito at malubha raw ang lagay nito sa Pilipinas. Hinayaan muna ako ni Pablo, mapag-isa rito sa silid ko. Hindi ko rin kasi alam ang siyang tunay kong nadarama dahil kabilang sa nawala sa ala-ala ko ang pamilyang pinipilit na ipaalala sa akin ni Pablo. EARLIER "Ano'ng sasabihin mo sa akin?" tanong ko rito nang mapag-isa nalang kaming dalawa sa Veranda, nang iwan nakatulog na si Atasha. "H'wag ka sana mabibigla, Andrea." Pigilan ko man ang sarili kong hindi makaramdam ng kaba sa nais nitong sabihin sa akin hindi ko magawa sadyang may nararamdaman ako na nagbibigay ng kakaibang kaba sa puso ko kahit na wala pa naman itong sinasabin

