CHAPTER 60 GABRIEL POV PILIPINAS "HINDI mo man lang ba ako ililibre ng kape, Gabriel?" Hindi ko alam kong pagtatanong ito o, pamamando sa dapat kong gawin para sa kaniya. Pero bigla akong nakaramdam ng hiya dahil tama ito, hindi ko man lang ito naisipan alukin ng pagkain o inumin na gusto nito. "What you want?" walang emosyon kong tanong sa kaniya. Muling sumilay ang ngiti sa labi nito na hindi ko naiintindihan kung para saan nga ba! Mukhang trip lang yata ako ng babaeng nasa harap ko at tila wala naman sasabihin sa akin gaya ng mensahe nitong pinadala sa akin nagdaang gabi kong saan nakatulog na kami ni Victoria. "By the way! How is Victoria?" tanong nito sa akin kapagdaka. Gusto kong hindi ito pansinin at iwan na lamang ito dahil sa tingin ko, wala lang itong magawa at gusto lang

