CHAPTER 46 GABRIEL POV TININGNAN ko ang paligid maayos na ang lahat-- nakakabit na ang lahat ng banderetas sa paligid ng resort, ilang araw na lang magsisimula na ang pyestang bayan na halos hinihintay ng lahat-- dahil sa saya ng pagdiriwang at sa pagkakataong mag-ipon-ipon ang bawat pamilya sa Isla. Nakausap ko na rin ang ilang tauhan ko para sa gaganaping salo-salo sa pangkalahatan. Ilang taon na rin naming ginagawa ito halos naging tradisyon na rin ng maliit naming bayan. Napasinghap ako ng sariwang hangin hindi ko alam kung bakit napuno ang puso ko ng saya sa pag-asam na baka sa pagkakataong 'to umuwi ang pamilya ni Andrea. "Nandito ka lang pala," bungad na bati sa akin ng malapit kong kaibigang si Samuel. Tumabi ito sa akin kong saan ako nakatayo paharap sa malawak na Isla. "Tah

