CHAPTER 45 ARAW ng linggo tulad ng napagkasunduan namin ni Pablo-- heto kami ngayon sa La plaza 'd Italya. Gaya ng sinabi ni Pablo, wala ngang kasing ganda ang lugar na ito-- at sadyang napakarami ng mga mga kababayang pinoy ang siyang nasa lugar na ito. Napatingin ako kay Atasha kasama si Pablo sa isang gawi kong saan natatanaw nila ang matayog at malawak na kabundukan na isang napakagandang tanawin sa Italya. Pinasadahan ko rin ng tingin ang ilang dala naming pagkain para sa maliit na picnic na hinanda ko para sa aming tatlo. Nakita kong papalapit sa gawi ko si Pablo, kasunod si Atasha na hindi na yata umalis sa tabi nitong labis ring nagbibigay ng saya sa puso ko. "Nagugutom na ba kayo?" tanong ko sa kanila nang makalapit na ang mga ito sa akin. Umiling-iling sa akin si Atasha, na a

