GABRIEL POV ABALA ako ngayon sa paghahanda ng mga kailangan kong dalhin para sa nalalapit na pagkikita namin muli ni Andrea---tulad ng pangako ko sa kaniya, may munting sorpresa akong nilaan para sa kaniya---na kahit tapos na ang kaarawan nito ay gusto ko pa rin na ipagdaos namin itong dalawa. Hindi ko man matumbasan ang hinanda ng pamilya nito para sa kaniya, sapat naman siguro ang pagmamahal na nais kong ibigay at iparamdam dito. Muli kong sinulyapan ang natapos ko ng ihanda para sa amin; buko salad na ginawa ni nanang, cookies na binili ko sa bayan at ilang prutas na kasama kong binili para lang sa kaniya. Alam kong marami na ito sa mansyon pero alam ko rin na magugustuhan niya ito, kilala ko si Andrea-- sa simpleng tulad nito kahit na anong ibigay mo rito alam kong magugustuhan nito.

