ANDREA POV HINDI namin halos namalayan ang oras mag a-alas-cinco na pala. Napatingala ako sa dumidilim na kalangitan, nagbabadya pa yatang umulan. Nagkatinginan kami ni Gabriel---kapwa may lungkot sa mga mata nang napatingin kami sa isa't isa. Paano pauwi na naman kasi ako at magkakalayo na naman kami. "Kailangan ko na yata umuwi," aniya ko sa kaniya. Muli itong nagtaas ng tingin. Mas lalo na yatang lumaganap ang dilim sa paligid dahil sa nagbabadyang pag-ulan na hindi namin parehong alam na bubuhos pala. "Halika muna sa kubo d'on sumilong muna tayo," yaya ni Gabriel sa akin. Agad itong tumayo niligpit ang ilang mga gamit namin na nagkalat sa banig at nagmadaling tumakbo sa may 'di kalayuan sa kubong maliit sa kabilang gawi. Sinundan ko ito nang maramdaman ko sa balat ko ang papatak-pat

