ANDREA POV HINDI ko namalayan na buong-puso ko na palang tinutugon ang siyang halik na pinagkakaloob sa akin ni Gabriel. Lumalim pa ang halik na 'yon, habang ang mga kamay namin ay siyang magkadaup palad. Hindi ko alam pero ramdam ko ang halik nitong may pagmamahal at higit sa lahat pag-iingat sa bawat pagbuka ng bibig nito na buong puso't kaluluwa kong tinutugon. Napalunok ako nang idilat ko ang mata ko at nanatiling nakapikit si Gabriel. Parang may kung anong nagsasabing nagtutulak sa akin na--- tama ang ginagawa namin sa kabila ng bawal na sandaling magkasama kami ngayon. Muling naglapat ang labi naming dalawa at ang bawat pag-iingat ay naramdamam ko sa bawat halik na pinamamalas nito sa akin. Muli akong napalunok sa pangalawang pagkakataon, kapwa hindi namin namalayan ang tuluyang pa