ANDREA POV HINDI ko alam ang mga sumunod na nangyari basta nakita ko nalang si Gabriel, duguan ang mukha nito sa ginawang pagbugbog ni papa at tito rito. Habang ako hawak-hawak ni mama na agad ako nitong binalutan ng jacket na pagmamay-ari ni papa. "Tama na po, Papa," sigaw kong nakikiusap kay papa sa patuloy na pagsuntok nila kay Gabriel, habang hawak-hawak ito ng dalawang tauhan nina lola. Wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak sa nangyayari. Alam kong hinanda ko ang sarili ko sa posibleng kahihinatnan ng pagiging marupok naming dalawa. Pero ang hindi ko kailanman napaghandaan ang bugbugin si Gabriel sa harap ko na parang mawawalan na ito ng malay tao. Awang-awa ako kay Gabriel pero wala akong magawa, ni hindi ko man lang siya magawang maipagtanggol at wala man lang magawa ang

