ANDREA POV NAGISING ako sa pakiramdam na may mga matang nakatingin sa akin at tama nga ako dahil pagmulat ng mga mata ko nakita ko agad si mama at papa nasa tabi ng kama nakaupo. "Kamusta ka na, Andrea?" bungad na tanong ni mama sa akin. Napalunok ako hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong nito, dahil alam ko't alam nila ang sagot ko. Na hindi ako maayos, na hindi ako okey na kahit kailan hindi ako magiging okey. Pero sabi nga nila okey lang na hindi ka maging okey. Napalunok ako at iniwas ko ang tingin ko sa mga mata nilang nakatitig sa akin. "Ano'ng nangyayari sa'yo, Andrea? Bobo ka na ba?!" bulyaw ni papa. Tumayo ito at tumayo sa bandang kanan ko nang akma itong pigilan ni mama sa iba pang sasabihin nito. "Binigay namin sa iyo ang lahat!" dugtong pa ni papa. Lumingon si pa

