ANDREA POV TULAD ng inaasahan ko, hindi nga ako pinayagan ni papa makaalis kahit kasama ko pa si Anthony. Kapwa kami nalungkot pero wala kaming magawa---I respect thier decision, afterall wala rin naman mangyayari pag pinagpilitan ko ang plano namin. Alam ko ang nasa isip nila na posibleng magkita kami ni Gabriel, kung saan man kami makarating ni Anthony. Nagpasya na lamang kaming manatili sa bahay, tulad ng dati tatambay lang kami sa tabi ng pool at kakain ng hinandang pagkain ni nanang para sa amin. "Mahal mo ba siya?" out of nowehere narinig kong tanong sa akin ni Gabriel. Hindi ko agad ito tinugon, nanatili ang tingin ko sa maliit na fountain sa kaliwang bahagi ng pool namin. "Marami siyang ginawa para sa akin na buong buhay ko hinangad ko, Anthony," tugon ko sa kaniya. Ramdam ko a

