ANDREA POV TAHIMIK kaming nagsasalo ngayong mag-anak sa hapunan na hinanda ni lola kung para saan man ang salo-salong 'yon wala akong alam. Dahil isang palaisipan pa rin sa akin na pinayagan na nila akong makalabas ng silid ko, pero wala pa rin akong gana kumain. Nahuli kong nakatingin si papa sa plato ko, hindi ko magawang pilitin ang sarili ko. "Paborito mo 'tong lasagna, Anak," pukaw sa akin ni mama. Napansin kong napatingin sa amin ang lahat. Pilit ang ngiting sinukli ko kay mama napilitan nalang akong napatango dahil alam kong pag tinanggihan ko si mama mas mapapasama lalo ako sa harap ng pamilya ko. Pinilit kong kumain ng araw na ito dahil kailangan ko ng lakas para sa isang planong nabuo sa isip ko. Nabaling ang tingin ko kay Agatha na may matalim na tingin sa akin--- pilit ko i