ANDREA POV GUSTO kong habulin si Gabriel sa mabilis nitong pagtalikod ng walang paalam. Napalunok nalang ako ng tuyong laway ko dahil alam kong hindi nagustuhan nito ang nakitang magkasama kami ni Anthony. Mabilis itong sinundan ni Victoria palabas ng mansyon. "Are you okey?" narinig kong tanong sa akin ni Anthony nang tuluyan ng nakalayo ang mga ito. "I'm okey," maiksi kong sagot sa kaniya na sapat na para maranig nito. Nagpatiuna ito kong saan kami nakaupo kanina--- muli kong nilingon kong saan dumaan si Gabriel kasunod si Victoria. Labag man sa loob kong aminin ang paninibugho kong nararamdaman alam kong pareho rin kaming nararamdaman ni Gabriel sa nakita niyang tagpo sa amin ni Anthony. GABRIEL POV HINDI ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa nakita kong tagpong magkasama si And

