CHAPTER 36

2778 Words
Chapter 36: Caller & Fire “MATULOG ka na, Miko. I know pagod ka sa work mo. Sige na, matulog ka na,” ani ko at hinaplos ko ang ulo niya. Naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin. “Huwag na po akong titigan, Engineer. Matulog ka na po,” nakangusong sambit ko. “Sobrang ganda mo. Humahaba na ang bangs mo, baby,” wika niya at hinawi pa niya ang bangs ko. “Hayan ka na naman sa pambobola mo. Matulog ka na at ang sabi kanina ni Kuya Markus ay isang linggo ka raw muna magpapahinga at hindi ka magtatrabaho. Ako ang magbabantay sa ’yo,” utas ko. “Eh, kailangan kong pumunta sa site bukas, baby. Marami akong trabaho na kailangan kong matapos,” pagdadahilan niya. “Hindi ka ba... manghihingi sa akin ng pera, Miko? Sige na, baby... Sabihin mo na sa akin.” “Ayoko.” “Magtatampo ako kapag tatanggihan mo ako.” “Fine.” Lumapad ang ngiti ko at inilapit ko ang mukha ko para halikan siya sa pisngi. Dahil sa pagod niya ay nauna siyang nakatulog. Hinahaplos ko ang dibdib niya na pantay na ang paghinga niya. Senyales na mahimbing na rin ang kanyang tulog. Nakapikit na ako pero hindi pa rin ako dinadalaw nang antok. Hanggang sa makarinig ako ng ringtone—mali, may tumatawag sa cellphone ko. Nasa bedside table namin iyon. Maingat akong bumangon at hawak ko pa ang umbok kong tiyan. May kabigatan na kasi sila. Dahan-dahan lang akong bumaba at nahawakan ko ang dulo ng mesa. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. “Hello? Sino po sila?” tanong ko kasi hindi ko naman mababasa kung sino ang tumatawag. “Kumusta si Engineer Miko S. Brilliantes? I heard the news about him. So?” tanong nito na agad kong sinagot. Kasi nga ay nagtatanong din siya. “Mabuti naman po ang fiancé ko. Bakit, sino po ba ito?” Nang una ay naging magalang pa ako kasi ang tungkol kay Miko ang tinanong niya at unti-unti kong napagtanto na kilala niya ang fiancé ko. Samantala, ang cellphone ko mismo ang tinawagan niya. Na isa pa ay hindi ko siya kilala. Ni hindi pamilyar sa akin ang boses niya. Basta lalaki siya. “Sino ka? Saan mo nakuha ang numero ko at paano mo nakilala ang fiancé ko?” matigas ang boses na tanong ko sa kabilang linya. “Donna Jean V. Lodivero, may I right? Daizo Hart is your older brother and his wife is Zedian Lorcade Lodivero.” Sa lamig ng boses niya ay tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi lang si Miko ang kilala niya. Ako, si Kuya Hart at ang sister-in-law ko na si Ate Zedian. Sino ang taong ito at bakit parang ang dami niyang alam tungkol sa amin? “Sino ka at bakit mo kilala ang pamilya ko?” seryosong tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ay nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba. Hindi ko talaga kilala ang lalaking ito. Hindi rin ganito ang boses ng matalik na kaibigan ni Miko at lalong-lalo na ang mga pinsan niya. Kaya sino siya? Sino ang taong kausap ko ngayon? Ano ang motibo niya at bakit tinatanong niya kung kumusta na si Miko? Paano ba niya nalaman ang lahat ng iyon? Maraming katanungan ang naiipon sa isip ko at hindi ko alam kung paano hanapin ang mga kasagutan na iyon. “Naniniwala ka ba kung sasabihin ko sa ’yo na ako ang dahilan kung bakit gumuho ang gusali na ginagawa ngayon ng fiancé mo? At bakit naloko siya na matibay ang mga materyales kahit mababa lang ang preso nito? Isa pa na kung bakit sinugod din siya sa hospital?” Napahawak ako nang mahigpit sa bestida ko dahil sa narinig na sinabi niya. Paano niya nalaman ang lahat ng iyon? Ay parang inulit ko lang ang sinabi ko kanina. Subalit nakapagtataka naman iyon. Paano nakaabot sa kanya ang balitang dinala sa hospital ang lalaking mahal ko? “Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin? Bakit ka tumatawag ngayon? At kung trip mo lang na tawagan ako ngayon para inisin lang ako ay tigilan mo ako. Wala akong panahon para makipaglokohan sa ’yo,” naiinis na saad ko at ibababa ko na sana ang tawag nang magsalita pa siya. “Mauulit ang pagbagsak ng engineer mo.” “Naka-drugs ka yata, Mister—” “I’m serious, sweetheart.” Mabilis kong pinatay ang tawag at halos manginig ako sa takot na naramdaman nang sambitin niya ang huling katagang iyon. Baliw na talaga siya. Sino namang sweetheart? Psh. May saltik nga sa ulo ang lalaking iyon at wala na siya sa katinuan niya. Tama ba namang tawagin akong sweetheart? Bumalik na ako sa kama namin at akala ko ay hindi ko magigising si Miko. Ingat na ingat pa akong sumampa. “Baby, hindi ka pa natutulog?” tanong nito sa akin, na halata sa boses niya ang antok. “Hmm, matutulog pa lamang,” sagot ko at pinahiga na niya ako sa tabi niya. Inayos niya ang kumot namin. Akala ko ay makatutulog na agad ako pero hindi. Naalala ko ang caller ko kanina. Bakit parang nararamdaman ko na isang pagbabanta ang mga iyon? Bakit ganoon ang mga sinabi niya tungkol kay Miko? Sino siya? Napuyat ako dahil sa pag-iisip na iyon. Kaya kahit masakit ang ulo ko ay tiniis ko na lamang. Hindi naman ako puwedeng uminom ng gamot dahil sa mga baby ko. Sabay kaming kumain ni Miko ng agahan namin. Siyempre hindi na siya ang nagluto pa at parang walang nangyari sa kanya kahapon. Nagagawa na niyang maglakad ulit nang maayos. “Hindi ka ba gutom, Miss? Bakit yata ang tamlay mo ngayon?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay ko at marahan na pinisil. “Okay lang ako. Wala lang akong ganang kumain,” mahinang saad ko at binitawan ko ang hawak kong kubyertos. “Siya nga pala. Iyong ATM ko ay kunin mo na lang sa drawer natin. Nandoon iyon lahat at ang pincode ko ay birthday ni Kuya Hart. Huwag kang mahiya na gamitin iyon, ha? Para sa atin iyon,” anas ko. “Ang seryoso mo naman, Jean. Kukunin ko mamaya pero sigurado ba talagang okay ka lang? Bakit yata mukhang puyat ka?” “Masakit lang ang ulo ko, baby. Pero... titiisin ko na lamang ang sakit.” “Gusto mo bang magpahinga na muna?” Tumango ako. Narinig ko ang pag-urong ng upuan niya, senyales na tumayo na rin siya. Hinawakan niya ang siko at likuran ko saka niya ako itinayo. “Aalis ka na rin mamaya?” tanong ko habang marahan na kaming naglalakad. “Babantayan na lamang kita rito sa bahay. Mag-aalala lang ako sa iyo.” “Ulo ko lang ang masakit at alam kong mawawala rin ito mayamaya,” usal ko. Kasi sobra na naman ang pag-aalala niya sa akin. Still makaabala sa kanya. Wala pang sampung minuto yata ay nakatulog na ako at paggising ko ulit ay magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na masakit ang ulo ko. Inaasahan ko rin na baka umalis na si Miko. Dahan-dahan pa rin akong naglalakad palabas at may naulinigan pa akong nagsasalita. “No, Kuya. Safe na po rito si Jean. Dinoble na ni Grandpa ang security sa guard house at natuto na po ako sa nangyari sa akin three years ago. Nag-iingat na rin po ako. Wala kayong dapat ipag-alala sa akin,” narinig kong sabi ni Miko. May kausap nga siya sa mga oras na ito. “Puwedeng mag-stay roon si Jean sa mansion ni Grandpa at nandoon naman si Grandma para aliwin siya.” Kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya Markus na naman ang nagsalita. “Kapag sinabi kong doon na muna kami sa kabilang bahay ay baka isipin po ni Jean na may death treats akong natatanggap o kaya nasa peligro ang buhay namin. Pasalamat na lamang ako at hindi nila pinapadalhan ng kung ano-ano ang fiancé ko.” Napatutop ako sa aking dibdib. Tama ba ang narinig ko na may death treats si Miko? Kailan naman niya natatanggap ang mga iyon at bakit wala siyang sinasabi sa akin? Wala nga akong kaalam-alam sa nangyayari sa kanya. “To be honest, mahirap i-trace ang caller mo at hindi rin mahanap ang numero niya, hindi iyon nakalista. NBI na ang nakuha ko para mag-imbestiga pero sadyang mahirap hanapin ang taong ito.” Ang sunod na nagsalita ay si Kuya Markin. “Sabi ko sa ’yo ay kami na ang bahala sa taong iyan. Mag-focus ka na muna sa kompanya mo na kung naging tao lang ay nasa bingit na siya ng kamatayan,” seryosong sambit ni Kuya Mergus. “Do you need some money, Miko? I can lend you my savings.” Si Kuya Michael. “Hindi na, Kuya. May pera si Jean. Iyon na muna ang gagamitin ko kasi alam kong magtatampo iyon kapag hindi ko tinanggap ang pera niya.” “Naalala ko ang kuwento ni Grandpa. Ganyan din ang nangyari sa kanya at pera ni Grandma ang ginamit niya. Anyway, hindi mo ba sasabihin sa kanya ang tungkol doon, Miko? Para naman maging aware si Jean. Madalas pa naman siyang pumupunta sa flowershop.” “May bodyguard siya, Kuya. Hindi niya nga lang alam at ayokong mag-alala siya.” Masama ang makinig sa usapan ng iba kasi nakawawala iyon ng respeto. Sa halip na pakinggan pa ang pinag-uusapan nila ay bumalik na lamang ako sa kama at nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Katulad ko ay may caller din si Miko. Dapat ko na bang paniwalaan ang mga sinabi sa akin ng lalaking iyon na may kinalaman siya kaya bumagsak ang unang project ng fiancé ko? Kasi nakababahala iyon. “Gising ka na pala, baby.” Napatalon ang balikat ko sa gulat. Napahawak pa ako sa tiyan ko. Hinaplos ko ito. “Sorry, nagulat ba kita?” Marahan akong tumango at tipid na ngumiti. “Pinagtimpla kita ng gatas,” aniya at naramdaman ko na lamang ang paghalik niya sa pisngi ko. Ayokong maging pabigat sa kanya. Sa ngayon ay magpapanggap muna ako na walang alam sa nangyayari sa kanya. Posible pang mag-alala siya kapag sinabi ko na narinig ko ang pinag-usapan nila ng mga kuya niya. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya iyon sinabi. Buntis ako at bawal sa akin ang ma-stress, matakot o ano pa man na puwede naming ikapahamak ng mga anak namin. Ngunit para sa kanya ay mag-iingat ako. Pinaglalaruan ng mga daliri niya ang dalawang singsing ko. Hindi ko kasi tinanggal ang singsing na unang binigay niya sa akin. Kumpara sa engagement ring namin ay mas mahalaga ang isang ito. May pangako niya, at ang pangalawa ay simbolo lang ng pagiging engaged namin. “Salamat, Miko.” “Para sa ’yo ay walang anuman.” Malapad na ang ngiti ko. “Miko, mag-isip na kaya tayo ng bagong pangalan para sa mga anak natin?” suhestiyon ko bigla. Hindi pa namin nabibigyan ng pangalan ang triplets namin. “Gusto ko galing sa ’yo ang mga pangalan nila. Gusto ko iyong cool at maganda. Sa akin ay apat na letra lang,” natatawang saad niya. “Pero gusto ko rin na katunog ng pangalan mong Miko. Hmm... Mika?” “Mika? Maganda siya, simple at madaling tandaan pero bigyan mo ng second name, baby.” Tumango ako. “What Mika Shynara?” “Mika Shynara L. Brilliantes. Okay, bagay po, Miss. Tapos ang pangalawa nating baby?” Nasa boses niya ang interes. “Mika ulit,” mabilis na sagot ko na ikinatawa niya. “Sige, Mika?” “Mika Shahara?” “Hmm, I love it. Ang bunso natin?” “Mika Shanea.” “M and S, ang ganda... Parang gusto ko nang lumabas na agad sila sa tummy mo, Miss,” aniya sabay haplos sa umbok ng tiyan ko. “Bilisan niyo mga anak. Excited na excited na talaga si Daddy.” “Ako rin, excited na ngunit tatlong buwan pa ang hihintayin natin, baby.” “Oo nga, eh. Pero ayos lang. Makakapaghintay pa naman ako. Hindi naman tayo nagmamadali. Excited nga lang tayo.” *** Sa sumunod na mga araw pa ay muli akong tinawagan ng lalaki at sinabi niyang... may masusunog. Natatakot na ako sa totoo lang kaya pagkatapos niya akong tawagan ay pinindot ko ang nasa speed dial ko. Inilagay iyon ni Miko in case na may emergency raw at hindi na ako mahihirapan pa na tawagin siya. Hindi niya sinasagot ang cellphone niya kaya nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Posibleng totoo nga ang sinabi ng lalaking iyon. “Ate, isara na muna natin ang flowershop at puntahan natin ang site kung nasaan ngayon ang fiancé ko,” sabi ko sa kasama ko. “Sige po, Ma’am.” Binuksan ko ang maliit na pintuan sa counter upang lumabas. “Jean? Saan ka pupunta? Bakit mukhang nagmamadali ka yata?” Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Dr. Randell. “Doc, puwede mo ba kaming ihatid? Pupuntahan ko lang ang fiancé ko.” “Nanginginig ka. Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako. “Please... Ihatid mo muna kami. G-Gusto kong makita si Miko. Nag-aalala ako sa kanya,” ani ko. “Calm down, ihahatid ko kayo.” Bago pa niya kami maihatid ay tumunog na ang ringtone ng phone ko na para lang kay Miko. Mabilis ko itong sinagot. “Miko? Ayos ka lang ba? May nangyari bang sunog sa site niyo? Hindi ka ba napahamak?” “Sunog? Wala sa site ang sunog, Miss. Sa kompanya mismo natin... Tinutupok na ng sunog ang kompanya at sa tingin ko... Hindi na iyon maililigtas pa. Pasensiya ka na kung pinag-aalala kita. Ayos lang naman ako. Hindi ako nasaktan kasi nakalabas agad kami. Kumain ka na ba? Bakit umiiyak ka?” “A-Akala ko ay napahamak ka na... H-Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag napahamak ka, Miko,” naiiyak na saad ko at narinig ko ang paghinga niya nang malalim. “Ayos na ayos po ang baby ni Jean. Huwag ka nang umiyak at tumahan ka na. Susunduin kita ngayon.” “S-Sige. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo. Mahal kita, Miko,” sambit ko at pinunasan ko ang mga luha ko sa aking pisngi. “Mahal na mahal din kita. Hintayin mo ako, baby.” Ibinalik ko sa mesa ang phone ko at napahilamos na lamang ako sa mukha ko. Ramdam ko pa ang panginginig ng katawan ko. “Jean, tubig, oh.” Inilapit ni Dr. Randell ang mineral water sa kamay ko para hindi ako mahirapan na kunin iyon. Hindi ito malamig dahil bawal sa buntis ang yelo. “Salamat, doc,” sabi ko at uminom ako ng tubig na bigay niya. Halos maubos ko ang laman no’n. “No problem, Jean. Ang vitamins mo. Nahulog mo, oh.” Narinig ko ang paglapag niya ng isang bagay sa mesa. “Vitamins ko?” gulat na sambit ko. Ibinigay niya iyon sa akin kaya inikot ko ang daliri ko sa maliit na bote nito. “Sa taranta ko siguro ay nahulog ko nga ito. Salamat po ulit, doc. Isa ka talagang mabait na kaibigan,” nakangiting sambit ko. “Napadaan ka. Bibili ka ulit ng bulaklak?” nakangiting tanong ko. Kahit papaano ay nawala ang takot at panginginig ng katawan ko dahil lang sa presensiya niya. Sobrang bait niya talagang kaibigan. “Hindi ba magseselos ang fiancé mo kapag naabutan niyang kausap kita?” nababahalang tanong niya. Ganito talaga siya. Natatakot siya na baka pag-awayan daw namin ni Miko ang pagiging kaibigan niya sa akin pero pinaalala ko naman sa kanya na mabait ang kasintahan ko at oo, seloso iyon pero hindi naman siya mag-iisip ng kung ano. “May tiwala iyon sa akin,” ani ko. Nagtimpla ng kape ang babaeng kasama ko ngayon at nagpa-deliver pa ng pancake si Dr. Randell. Nilibang ko lang ang sarili ko sa pakikipag-usap sa kanya para mawala ang kaba ko kasi hindi pa dumarating si Miko. Pinaalala naman sa akin ni doc na kumalma raw ako. Baka na-traffic lang daw ito sa daan. “Mauuna na ako, Jean. Mukhang parating na rin ang fiancé mo,” paalam niya bigla. “Sige. Mag-iingat ka,” wika ko. “Ikaw rin. Ang vitamins mo, baka makalimutan mo na naman. Ang mabuti pa ay ipasok mo na sa bag mo,” aniya. “Sige.” “I’ll go ahead, Jean.” I nodded again at inilagay ko na ang vitamins ko sa bag ko. Mamaya niyan ay makalimutan ko na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD