CHAPTER 37

2593 Words
Chapter 37: Misunderstanding “PABILI ako ng tulips, Miss.” Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni Miko. Ganoon ako kasabik na nakarating na rin siya. Medyo tumagal lang siya. “Hey be careful, baby,” paalala niya sa akin at inilahad ko ang kamay ko na hinawakan naman niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa kanya at pagkatapos ay pinagapang ko ang dalawang palad ko sa balikat niya at pataas pa iyon sa mukha niya. Nais ko lang makasigurado na hindi siya nasaktan at mukhang wala naman. “Hindi ka ba talaga nasaktan, baby?” tanong ko. Tumikhim siya at hinaplos ko pa ang panga niya. Hinawakan naman niya iyon at hinalikan ang aking kamay. Madalas niyang halikan ang mga kamay ko. “I’m fine, Jean.” Patagilid niya akong niyakap at hinalikan ang labi ko. “I love you...” bulong niya sa tainga ko na ikinangiti ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko. “Mahal din kita,” sambit ko. “And I missed you...” “Hala,” gulat na saad ko. Kasi bakit naman niya ako ma-m-miss bigla? Parang ang tagal naming hindi nagkita, ah. “Hala.” Mahilig talaga siyang mang-asar. “Pabili ako ng tulips, Ate. Ibibigay ko lang sa pinakamaganda at pinakamamahal kong babae sa mundong ito.” Nakahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang mahinang pagsipa ng mga baby namin. “Miko, nag-react yata ang mga anak natin. Baka nagseselos sila dahil ako lang ang sinabihan mo niyan,” pabirong sambit ko. “Alam kong magaganda naman sila at mahal na mahal ko rin,” aniya. Nakatutuwa na hindi masyadong malungkot ngayon si Miko kahit na nasunog ang kompanya niya. Parang sa akin lang din siya kumukuha nang lakas ng loob. “Heto na po, Engineer.” “Salamat, Ate. This is for you, my lovely Donna,” he muttered at inabot ko ang ibinigay niyang tulips. I smiled nang maamoy ko ang halimuyak nito. “Thank you po, Engineer,” ani ko at ngumuso ako. Mabilis siyang humalik sa labi ko. “You’re welcome.” “Ayos ka lang? Ano na ang mangyayari sa kompanya mo?” I asked him. “Hayon, wala na. I need to give up that one and binawi na rin ni Grandpa ang project na hindi namin matapos-tapos dahil ang daming aberya. Milyon na ang nasayang namin. Hindi yata para sa akin ang project na iyon. Magsisimula na naman ako ng panibago,” paliwanag niya. “Miko... Palagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo. Huwag kang panghinaan ng loob. May isang tao pa rin ang naniniwala sa ’yo na magtatagumpay ka. Susuportahan kita kung ano man ang desisyon na pipiliin mo,” saad ko na punong-puno ng sinseridad ang aking boses. Sana lang ay huwag siyang panghinaan ng loob. Makakaya pa naman niya ang lahat ng pagsubok na ito. Mananatili ako sa tabi niya ano man ang mangyari. “Thank you, baby... Hindi ko na rin alam ang mangyayari sa akin kapag nawala ka... Mahal na mahal kita.” “Mahal na mahal din kita, Miko.” Mahigpit ko siyang niyakap ng hindi namin maiipit ang tiyan ko. Ang relasyon namin ni Miko, masaya naman at tila perpekto. Napakabait kasi niya at ni minsan ay hindi niya pinaramdam sa akin na pabigat lang ako sa kabila ng pagiging bulag ko at buntis pa. Araw-araw niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kung kaya’t iyon din ang ginagawa ko. Ngunit dahil sa pag-uumpisa niya ng panibago niyang trabaho ay masyado na siyang naging workaholic at late na kung umuuwi sa aming tahanan. Gayon pa man, inintindi ko siya. Ang lahat ng ginagawa niya ay para sa amin at kami ang naging inspirasyon niya. Madalas pa nga ay hindi ko na namamalayan na nakauuwi na siya at doon ko lang nalaman na hindi na pala siya umuuwi ng bahay. Ilang beses na siyang nag-overtime. Hindi ko na rin nasasabi sa kanya na nananakit ang tiyan ko at pati na ang mga mata ko. Isa’t kalahating oras ang itinatagal bago nawawala ang pananakit. Ang akala ko ay normal lang iyon. Tinawagan ko si Kuya Hart para sana magpasama sa kanya pero naalala ko si Ate Zedian. Mas kailangan siya ngayon ng mag-iina niya. Hindi ko naman magawang sabihin sa mga babae kasi buntis din sila at ang iba ay kapanganganak pa lamang nila. Ang mga kuya naman ni Miko ay narinig kong busy rin sila. Kaya isang tao lang ang naisip ko na maaari akong samahan sa OB ko para sa check-up ko. Nakisuyo na lamang ako kay Grandma na magpapahatid ako sa family driver nila. Pumayag naman siya at pinaalala pa sa akin na mag-iingat daw ako sa lakad ko. Sa hospital na kami nagkita ni Dr. Randell. “Busy ang fiancé mo?” Tumango ako sa naging sagot niya. “Salamat, ha? Hindi naman siguro ako nakaabala sa ’yo, doc?” nahihiyang sabi ko. “Hindi naman, Jean. Nagulat nga ako dahil tinawagan mo ako. Pero masaya ako kasi makatutulong ako sa ’yo,” sambit niya. Halatang masaya siya kasi siya ang tinawagan ko at hiningian ko ng favor. Kung kaya ko lang sanang umalis ay baka nagawa ko na. “Salamat. May best friend din naman ako pero baka busy rin siya work niya.” “No worries, Jean. Tara na.” Pinakapit lang ako ni Dr. Randell sa braso niya saka kami naglakad. *** “Are you sure na naiinom mo on time ang mga vitamins mo, Jean?” tanong sa akin ng OB ko. Nagpa-ultrasound na rin ako para makita namin ang kalagayan ng triplets. “Oo naman po, doc. Pero mag-iisang linggo na po ay parang hindi na normal ang pananakit ng tiyan ko. Halos sabay-sabay po silang sumisipa at tila...gusto na rin nilang lumabas,” nababahalang pahayag ko. That’s why I feel. Tila gusto na nilang lumabas. “Matagal pa ang due date mo, Jean. 6 months pa lang ang babies mo. Pero bakit parang... No, it can’t be. Kung magpapatuloy ito ay maaari kang...makunan.” Natakot ako sa sinabi ng doctora at wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan. Binundol ng kaba ang aking dibdib. Imposible naman yata iyon. Malaki ang umbok ng tiyan ko at imposibleng puwede pa akong makunan. Inaalagaan ko naman nang maayos ang sarili ko. “Doc... A-Ano po ba ang dapat kong gawin? H-Hindi po ako... puwedeng makunan...” kinakabahan na saad ko at parang hindi ko matatanggap na mawawala sa akin ang mga anak ko. “Sa ngayon ay kailangan mo ng dobleng pag-iingat, Jean. Bibigyan na lamang kita ng bagong vitamins. Puwedeng nakaapekto sa ’yo ang mga iniinom mo ngayon.” “P-Paano po ang mga baby ko, doc? Ayos lang po ba sila? Hindi ko...po kayang mawala sila,” lumuluhang saad ko. Isa na iyon sa kinakatakutan kong mangyari. “Susundin mo lang ang mga sasabihin ko at walang mangyayari sa inyo ng masama,” wika niya. Nagtiwala muna ako sa doctora na wala akong dapat ipag-alala. Sa ngayon ay dapat sa bahay na muna ako mananatili at hindi lalabas. Sinabi rin ng OB ko na hindi ako dapat gumalaw nang marahas. “Ayos ka na ba, Jean?” tanong sa akin ni Dr. Randell. Tumango ako. “Oo. Salamat ulit, ha?” “Wala lang iyon sa akin, Jean. Sige na, umuwi ka na rin at magpahinga.” Binuksan pa niya ang pintuan ng sasakyan at inalalayan niya akong makasakay. Habang nasa biyahe kami ay panay ang bulong ko at kinakausap ko ang mga anak ko. Sana lang ay huwag nila akong iiwan at hindi sila bibitaw kay Mommy. Hindi ko makakaya na mawala sila sa akin. Higit na masasaktan din ang Daddy nila. “Maayos ba ang lakad mo, apo?” tanong sa akin ni Grandma na naghihintay pala sa bahay namin. Nilapitan niya ako at hinalikan sa pisngi. “Maayos naman po, Grandma,” nakangiting saad ko. “Mabuti na lang. Kanina pa ako hindi mapakali sa paghihintay sa iyo kanina. Sumama na sana ako.” “Ayos—” Napahawak ako sa tiyan ko nang sumisid ang sakit nito. Bumilis agad ang t***k ng puso ko at ang kirot na nararamdaman ko ay bumaba yata sa aking puson. “Ano’ng... J-Jean!” “G-Grandma?” Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay umikot ang aking paningin kahit dilim lang ang nakikita ko. Hanggang sa maramdaman ko na unti-unting nanghihina ang katawan ko. Sigaw at pag-iyak ni Grandma ang huling narinig ko saka ako nawalan nang malay. Nagising ako mabigat ang dibdib. Nakahihinga naman ako nang maayos pero ang dibdib ko. Nang maalala ko ang nangyari sa akin kanina ay hinawakan ko ang tiyan ko. Nanginginig pa ang kamay ko pero naramdaman kong may kalakihan pa rin ito. Ngunit... naririnig ko ang ingay sa labas. Nang pakiramdaman ko ang paligid ay alam kong nasa kuwarto na kami ni Miko. Dahan-dahan akong bumangon. Marahas na bumukas ang pintuan na ikinabigla ko pa. “Miko... Miko, calm down!” narinig kong sigaw ni Kuya Markus na humahangos siyang pumasok sa loob. Matalim ang tingin sa akin ni Miko. I can feel that. Nagulat na lamang ako nang walang pag-iingat niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Miko!” “Ano’ng... M-Miko, n-nasasaktan ako...” nahihirapang saad ko. Bumabaon ang daliri niya sa balikat ko. “Jean... A-Ayaw mo na ba sa mga anak natin?” tanong niya at muli akong nagulat. “A-Ano’ng klaseng tanong naman ’yan, Miko?” nalilitong tanong ko sa kanya. “Sabihin mo kung ayaw mo na ba sa mga anak ko!” asik niya. Nakatatakot ang boses niya at parang hindi siya ang Miko na nakilala ko. Ang Miko na mahal na mahal ako. Ang Miko na takot akong masaktan niya pero ngayon... Parang isa siyang galit na galit na tigre na kayang-kaya akong saktan at kainin. “A-Ano ba ang pinagsasabi mong iyan, Miko?” Naguguluhan pa rin ako sa biglaan niyang pagsigaw at sa himig ng kanyang boses ay mukhang malaki ang galit niya na parang may atraso ako. “Jean, alam mong may tiwala ako sa ’yo, ’di ba?! Alam mo na mahal na mahal kita! Pero bakit... Bakit parang niloloko mo lang ako, Donna Jean!” sigaw pa rin niya at inalog niya ang katawan ko. “Miko! You’re hurting her!” Nanginginig na ako sa takot at nagawa niya rin akong bitawan pero nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Naramdaman ko lang ang presensiya ni Kuya Markin. “W-Wala akong... Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Miko... I-Ipaliwanag mo sa akin kung bakit... Nagagalit ka...” naiiyak na saad ko. Narinig ko ang malakas na pag-iyak niya na punong-puno ng sakit. “Miko...” “Tang-ina naman, Jean! Nagkukunwari ka pa talagang walang alam!” Napaigtad ako nang may ibinato siya at dumiretso yata iyon sa vanity mirror namin. Lumikha iyon nang ingay. “Miko...” Apat lang kami ang nasa loob. Sina Kuya Markus at Markin. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng suot ni Kuya Markin. Na parang pinoprotektahan niya lang ako mula sa kanyang likuran. Wala akong mahanap na dahilan kung bakit nagalit agad siya. Wala pa man akong naisip na mga bagay na puwede niya ring ikagalit. Naguguluhan ako. “Huminahon ka muna, Miko. Tinatakot mo lang si Jean!” sigaw sa kanya ni Kuya Markin. Ngayon ko lang... Ngayon lang yata siya nagalit sa akin ng sobra-sobra. Pero hindi ko talaga alam ang dahilan. “M-Malaki ang tiwala ko sa kanya, Kuya! Sa sobrang laki po ng tiwala ko ay hindi ko inintindi ang mga pinapadala nilang litrato sa akin na may iba siyang lalaki! Kasi naniniwala ako na mahal niya ako at hindi niya ako sasaktan!” umiiyak na sigaw niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang maling paratang na may ibang lalaki ako. Ni hindi ko alam ang mga bagay na iyon. Hindi ko rin magagawang lokohin siya! “M-Miko... Hindi kita maintindihan... Ano ba...ano ba ang pinagsasabi mo? I-Ipaliwanag mo naman sa akin... Naguguluhan talaga ako...” “Ayokong... magbulag-bulagan, Jean... Ayokong... mag-isip ng kung ano-ano! Ayokong pangunahan ako ng masasamang balita na natatanggap ko mula sa ’yo ng hindi ko pa naririnig ang mga paliwanag mo! Ang lahat ng iyon... Ang lahat ng iyon ay hindi ko pinaniniwalaan! Pero ang malaman ko na may iniinom kang gamot para ipalaglag ang mga anak ko sa sinapupunan mo ay iyon ang hindi ko matanggap!” Napasinghap ako sa narinig na sinabi niya. “H-Hindi ko... Hindi ko kayang... Hindi ko magagawa iyon, Miko! Hindi ko magagawang saktan ang mga anak natin! Hindi! Mahal na mahal ko sila!” umiiyak na sigaw ko at nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko. “Eh, ano ang gamot na iyon, Jean? Ano iyon?! Hindi mo iniinom ang vitamins mo dahil sa gamot na iyon! Nasa bag mo iyon, Jean! Palagi mong iniinom dahil marami na ang nabawas!” “Miko... Wala akong kinalaman sa sinabi mo...” Pilit akong nagpapaliwanag sa kanya ngunit sarado ang tainga niya at ayaw niya akong pakinggan. “Miko... Kuya... Ano ba talaga ang nangyayari? N-Naguguluhan ako... W-Wala po akong naiintindihan...” “Mabuti pa, Kuya Markus... Ilalabas mo na muna si Miko. Ako na ang bahala kay Jean.” Mararahas pa ang ingay na narinig ko at kasama na ang pag-iyak ng fiancé ko. Umalis lang ako para magpa-check-up sa OB ko at sinabi ko lang ang kondisyon ko na tila hindi normal. Nahimatay ako dahil parang dinugo ako kanina tapos paggising ko ay ang galit na si Miko ang sumalubong sa akin. Mga paratang niya na wala akong kinalaman. Iniupo ako ni Kuya Markin sa kama. “Kumalma ka muna, Jean... Huwag kang umiyak, makasasama iyan sa inyo ng mga pamangkin ko,” pag-aalo niya sa akin at dumistansya siya. Gulong-gulo talaga ako at hindi ko mapigilan ang umiyak. Isa na ba ito sa pagsubok namin ni Miko? Isang pagsubok na kailangan naming harapin at lutasin? Pero bakit mahirap yata sa dibdib? Masakit at may nararamdaman akong kirot. Ano’ng klaseng pagsubok naman ito? Binigyan niya ako ng isang basong tubig at mabilis kong ininom iyon. Kahit ang kamay ko ay nanginginig na rin at kinuha na niya sa akin ang baso na wala ng laman. Pinunasan pa niya ang mga luha ko gamit ang panyo niya. “Kuya Markin... Gusto kong...makausap si Miko...” “Mainit pa ang ulo niya ngayon, Jean. Saka na kapag lumamig siya.” “Wala po talaga akong alam sa sinasabi niya... Hindi ko po magawang saktan ang mga anak ko, Kuya...” “Jean...” “M-Mahal ko po si Miko... At wala po akong ibang lalaki...” paliwanag ko pa at bumukas na naman ulit ang pintuan. “Grandma...” “Sige na, apo. Ako na ang bahala kay Jean.” “Patahanin niyo po, Grandma. Ayaw po niyang tumigil sa pag-iyak.” Inilagay pa ni Kuya Markin ang panyo niya sa kamay ko at marahan niyang tinapik ang ibabaw ng ulo ko. “Shh, everthing is gonna be fine, Jean.” When I felt her presence at sa paghawak niya sa braso ko ay naiiyak na naman ako. “G-Grandma ...” “Ssh... Tahan na... Hindi ka puwedeng umiyak, apo,” pagpapatahan niya. Ni minsan ay hindi nagalit sa akin ang lalaking mahal ko. Tampuhan lang ang nangyayari pero ngayon... Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ang mayroon sa balitang natatanggap niya tungkol sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD