CHAPTER 38

2286 Words
Chapter 38: Madness BIHIRA na lang kami kung magkausap ng fiancé ko pero ganito pa ang mangyayari sa amin. Ang paratangan ako ng mga bagay na hindi ko naman magagawa sa tanan ng buhay ko. Sincere at totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko siya magagawang lokohin at ipagpalit lang sa iba. Ngunit sino naman kaya ang lalaking sinasabi niya na lalaki ko nga raw at may namamagitan sa amin? Sino ang mga taong naghahatid ng masamang balita sa kanya na pawang kasinungalingan lang ang lahat? Sino ang taong nais sirain ang relasyon namin? Sino siya at ano ang kanyang motibo? Naalala ko ang lalaking madalas na tumatawag sa akin para lang bigyan ako ng babala. Dahil na rin busy si Miko at ayokong madagdagan ang problema niya ay hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol doon. Naisip ko rin kasi ang death treats na pinapadala sa kanya ng kung sino mang tao. “Hija...” Tila nagising naman ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang marinig ko ang malambing na boses ni Grandma Lorainne. Naalala ko ang problemang kinakaharap na namin ngayon ni Miko. “Grandma... H-Hindi ko po ginusto na mawala sa akin ang mga a-anak ko... M-Mahal na mahal ko po sila...” umiiyak na sumbong ko sa kanya. Sana lang ay maniwala siya. Sana maniwala siya na mali ang mga paratang sa akin ni Miko. Alam ko ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak at ako rin naman. Binali ko ang sarili kong prinsipyo para lamang sa kanya at alam ko rin na makasalanan ang pumatay ng isang sanggol na wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Tapos mga anak ko pa. Isa akong ina, kahit hindi pa sila lumalabas ay mahal ko na sila at nangako ako na bibigyan namin sila ng ng Daddy nila ng magandang buhay. Bilang isa ring ina ay nangangako akong aalagaan ko sila at poprotektahan din. Ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa ko silang saktan at ipahamak. “Alam ko. Alam kong mahal na mahal mo sila kahit nasa sinapupunan mo pa lamang sila, apo...” Napahikbi lang ako sa sinabi niya. Akala ko pati siya ay magagalit sa akin. Na maniniwala rin siya sa masamang balita na iyon. Pamilya sila ni Miko, posibleng nasa side sila nito at paniniwalaan din ang mga kasinungalingan na iyon. Ngunit pinili rin ni Grandma ang paniwalaan ako kasi alam niyang hindi ko raw iyon magagawa. “Pero... ano po ba ang sinasabi sa akin ni Miko? A-Ano po ang lahat ng iyon, Grandma? W-Wala po akong kinalaman... Nagulat na lamang po ako sa mga paratang niya na hindi ko lubos...magagawa ko.” “Maski ako ay nagulat, hija. Dumating siya sa bahay niyo na ganoon na ang reaksyon niya. Pinigilan lang siya ng mga kuya niya kasi susugod talaga siya sa ’yo para lang kausapin ka. Masama pa naman ang pakiramdam mo at oo... May...may iniinom kang gamot na puwedeng...” Bumuntong-hininga si Grandma Lorainne at parang may pumukpok sa ulo ko sa sinabi niyang may gamot nga akong iniinom para...ipaglaglag ang mga anak ko? “G-Grandma... Hindi ko alam ang tungkol sa gamot na iyon... Vitamins lang po ang iniinom ko...” paliwanag ko na sinabayan ko pa nang pag-iling. “Ang sabi ng OB mo ay iyon ang naging sanhi kung bakit parang...gusto na ngang lumabas ng sanggol. Kasi, Jean...” Nag-aalangan pa siya na tapusin ang mga katagang nais niyang sabihin. “G-Grandma... Hindi po... A-Ayokong mawala sila... Mas lalo lang pong m-magagalit sa akin si Miko... Hindi ko po...” Hinila niya ang siko ko at magaan niya akong niyakap. Wala na akong tigil sa pag-iyak. Sumisikip ang dibdib ko. Bakit naging komplikado ang sitwasyon namin? Bakit ganito na bigla ang nangyari? Nagpabaya ba ako sa sarili ko dahil muntik ng mawala sa akin ang mga sanggol na dala-dala ko sa loob ng anim na buwan? Hindi ba nag-iingat o hindi pa sapat? “Huwag ka nang mag-alala pa. Sinisiguro na ng mga doktor na magiging maayos kayong apat. Mayroon tayong mahuhusay na doktor, apo... At ang tungkol naman sa aking apo na si Miko. Hintayin mo muna na lumamig ang ulo niya. Nabigla lang siya sa nakita niyang gamot at sa mga nalaman niyang...ginawa mong pagtataksil sa kanya.” “H-Hindi po ba kayo...galit sa akin?” tanong ko. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko. “Hindi... Naniniwala pa rin ako sa ’yo. Busilak ang puso mo, Jean... Hindi pa man kita gaano kilala ay naniniwala pa rin ako na hindi mo magagawa ang mga bagay na iyon...” Naiyak lang ako lalo sa sinabi niya. Nakatulugan ko na nga rin. Naramdaman ko pa na may humahaplos sa pisngi ko. Akala ko noong una ay si Miko lang pero... Si Kuya Hart lang pala. Umaasa pa naman ako na malamig na ang ulo niya at nagagawa ko nang magpaliwanag sa kanya ngunit hindi. “Baby girl...” “Kuya...” “Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong niya. Umupo ako sa tulong naman ng aking kuya. “Kuya, nakarating na ba sa ’yo ang balita?” Sa halip na sumagot ay tinanong ko pa siya. Kaya siya nandito ay siguro umabot na sa kanya ang balitang iyon. “Sinabi sa akin ni Markus ang problema niyo ni Miko. Ayoko sanang makialam pero... pagdating sa ’yo ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit din...” seryosong saad niya dahilan na kinabahan na naman ako. “G-Galit ka sa akin, Kuya?” Nabasag pa ang boses ko kasi baka katulad ni Miko ay magagalit din ang nakatatandang kapatid ko. “Hindi. Bakit naman ako magagalit? Kapatid kita at kung may isang tao man ang nakakakilala sa pagkatao mo ay ako iyon, Jean. Ako ang kuya mo, ang higit na naniniwala sa ’yo na hindi ka gagawa ng isang bagay na ikapahamak mo at lalo na ang mga pamangkin ko. Kilala kita, Jean... Kilalang-kilala kita... Masyado mong mahal ang mga taong nasa paligid mo at malaki ang tiwala mo sa kanila... Nagulat nga lang din ako sa sinabi nila. Isa lang naman ang naisip ko sa mga oras na iyon. Hindi ikaw ang babaeng inaakusahan nila na nagtaksil at nais ipalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Jean...” “Kuya?” Bigla na lamang napasinghot si Kuya Hart. Alam kong lumuluha na siya. “M-Mali ba ang naging desisyon ko na ipagkatiwala ka sa isang tao na hindi ka rin magawang pagkatiwalaan at basta na lamang...magagalit, maniniwala sa mga akusasyon sa ’yo? Sabihin mo sa akin, Jean... N-Nagkamali ba si Kuya?” tanong niya na sinabayan nang paghagulgol. Umiling ako at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. “H-Hindi po, Kuya... Ako mismo ang pumilit sa ’yo na pakawalan ako at hayaan akong...makasama ko ang lalaking mahal ko... Hindi ka po...nagkamali sa desisyong pinili mong...ibigay ako sa fiancé ko... Kuya... Huwag mong sisihin ang sarili mo...” “Pakiramdam ko kasi, Jean... May pagkukulang si Kuya... Sana mas inalagaan pa kita... O sana pala... pinahirapan ko muna siya. Tiwalang-tiwala ako sa kanya na hindi ka niya magagawang saktan. Tiwalang-tiwala ako na aalagaan ka niya at mamahalin na higit pa sa buhay niya pero malalaman ko lang na... nagalit siya sa maling akusasyon... Parang hindi siya nakikinig. Na parang pinili niyang paniwalaan ang iba kaysa ikaw...” “Wala po, Kuya... Wala ka pong pagkukulang sa akin...” “Sino ba si... Dr. Randell, Jean? Sino ang lalaking ito na tinutukoy nila na... karelasyon mo raw?” Kung ganoon si Dr. Randell nga ang tinutukoy nilang lalaki ko? Ngunit walang namamagitan sa amin ng mabait na doctor na iyon. Isa siyang mabuting kaibigan na palaging nandiyan sa tuwing kailangan ko ng tulong. Siya lang ang taong nakauusap ko sa tuwing nalulungkot ako sa nangyayari kay Miko, sa pagkabigo niya. Siya ang kaibigan kong nagpapalakas ng loob ko dahil nagiging abala na ang lalaking mahal ko at halos wala na rin itong oras para sa akin. Na mas binigyan niya ng atensyon ang trabaho niya, ngunit naiintidihan ko naman iyon. Naiintindihan ko ang pinagkakaabalahan niya. “Kaibigan ko lang po siya, Kuya... Wala pong namamagitan sa amin...” paliwanag ko at sinigurado ko na hindi talaga ako nagsisinungaling. Na nagsasabi ako ng katotohanan. “Hindi ko pa kilala ang taong iyan pero nakilala na rin ng Ate Zed mo. Ang sabi niya ay mukhang mabait naman daw pero hindi ko lang nagustuhan ang halos araw-araw niyang pagpunta sa flowershop.” “Kuya...” “Iuuwi kita sa bahay namin ng ate mo. Doon ka muna sa amin.” Sunod-sunod ang pag-iling ko. “Ayoko po, Kuya...” “Jean...” “A-Ayaw ko po... Ayoko pong iwan si Miko... Kailangan niya po ako sa tabi niya... Hindi ko po siya puwedeng iwan dito sa bahay namin... Ako lang po ang pinagkukunan niya nang lakas ng loob. I want to stay here, Kuya Hart,” nagsusumamong saad ko. Kahit ano pa ang problema namin ngayon ng fiancé ko na kahit gaano pa siya nagalit sa akin dahil sa mga akusasyon ay hindi ko pa rin siya puwedeng iwan dito. Hindi ako puwedeng umalis at hayaan siyang maniwala sa mga salitang ibinibintang sa akin. Nais kong magpaliwanag pa rin sa kanya at sabihin na mahal na mahal ko siya. Na hindi ko kayang pagtaksilan siya at higit sa lahat... Never kong naisip na ipalaglag ang aming anak. “Natatakot ako na baka... saktan ka ni Miko,” nababahalang saad niya. “Galit man po si Miko ay hindi po niya ako pagbubuhatan ng kamay. Buntis po ako, Kuya. Dala-dala ko pa rin ang mga anak niya. Hindi niya nanaisin na saktan dahil lang sa kanyang galit. Mapapatawad niya rin po ako... Magpapaliwanag po ako at alam kong kaya pa rin niya akong pagkatiwalaan... Kuya, hindi po basta-basta masisira ang relasyon namin dahil lang doon...” “Siguraduhin niya lang, Jean. Siguraduhin niya lang na hindi ka niya sasaktan. Sapat na ang isang bagay na hindi ka niya pinaniwalaan. Hindi iyon katanggap-tanggap para sa akin.” Tumango ako. “Huwag ka na pong mag-alala sa akin, Kuya Hart. Nandiyan po ang mga kuya niya at hindi naman po sila galit. Si Grandma Lorainne po ay naniniwala pa rin na hindi ko rin iyon magagawa. Sige na po, umuwi ka na rin. Kailangan ka po ng mag-iina mo.” Mariin na humalik siya sa ibabaw ng ulo ko at marahan na tinapik ang likuran ko. Masyado ko rin siyang pinag-aalala at sinisisi niya rin ang sarili niya sa desisyon na hinayaan niya akong makasama si Miko sa iisang bubong na kami lang dalawa ang nakatira. “Kung may kailangan ka o magkaproblema ulit. Just call me, baby girl. Kung nagbago na rin ang isip mo na mag-stay muna sa bahay namin—na bahay mo rin iyon ay susunduin agad kita. Basta...huwag mong sarilinin ang mga problema mo. I-share mo kay kuya, okay? Palagi akong makikinig sa mga hinaing mo.” “Okay po, Kuya,” I uttered. *** Si Grandma Lorainne ang kasalo kong kumain ng dinner namin at tinanong ko kung nasaan si Miko pero hindi ako nakakuha ng matinong sagot. Kasi iniiba niya ang topic namin at sinasadya niyang huwag akong sagutin. “Nabasag ang vanity mirror niyo pero papalitan naman natin iyon bukas, hija.” Dahil siguro iyon sa ibinato kanina ni Miko kaya nabasag. “Salamat po, Grandma.” “Dito muna ako matutulog pansamantala. Tabi tayo sa kama matutulog, ha?” aniya. Hindi ko napigilan ang mapangiti. “Si Grandpa ho? Baka hindi po siya makatutulog kung nasa ibang bahay ka po at siguro hindi siya sanay na wala rin po kayo,” ani ko at narinig ko ang mahinang tawa niya. “Hayaan mo na siya, Jean. Problema na niya iyon. Bahala siya kung ayaw niyang matulog. Hindi naman ako ang mapupuyat at lumaki ang mga mata na katulad ni Panda,” biro niya rin. Napangiti ulit ako. “Baka po magtampo siya, Grandma. O kaya naman ay pagseselosan ako na kinukuha ko ang lahat ng atensyon niyo,” wika ko pa. “Huwag natin siyang pag-usapan dahil baka matalisod siya kapag naglalakad,” natatawang saad niya. “Mukhang pinagkatutuwaan niyo ako, ha? Tama ba naman na pag-usapan niyo ang isang tao na wala rito?” Boses iyon ni Grandpa Don Brill. Hala, pinag-uusapan pa namin siya ay dumating na agad siya. “Oh, nandiyan ka na pala, mahal ko,” komento ni Grandma. Narinig ko ang matunog na paghalik nito kay Grandma at naramdaman ko rin ang paghawak nito sa aking kamay. “Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?” tanong nito sa akin at naramdaman ko na tinitigan niya ang mukha ko. “Maayos na po ako, Grandpa.” “Hindi ka naman siguro pinapahirapan ng mga apo ko sa tuhod?” Umiling ako. “Mababait po sila,” sagot ko naman. “Malamang. Mabait din ang kanilang ina. Hindi na ako magtataka pa,” sambit niya na may kasama pang pagpuri sa akin. “Hindi rin po kayo galit sa akin, Grandpa?” mahinang tanong ko. Sa totoo lang ay natatakot din ako na marahil pati siya ay may galit na rin. Si Tita Jina nga ay hindi ko pa siya nakauusap. Ewan ko kung galit siya o ano. “Saan naman ako magagalit? Sa nalaman ko kanina?” Napayuko ako. “Jean, apo... Ang kasintahan mo ay nagmana sa kanyang lola.” “Hayan ka na naman mahal ko,” suway ni Grandma. “Bakit po, Grandpa?” Napukaw ang interes ko kaya kinulit ko silang dalawa na magkuwento. Hindi naman nila ako natiis at sinabi lahat ni Grandpa. Sa kusina pa nga lang kaming nag-uusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD