Katniss POV Hindi ko na alam kung ilang minuto akong umiyak sa kanya, basta inilabas ko lang lahat ng bigat ng dibdib ko, hanggang sa maramdaman ko na ok na at magaan na ang loob ko ay kumalas na ako sa yakap niya, hindi na ako makatingin ng maayos sa kanya dahil nahihiya ako sa itsura ko, pulang pula ang ilong ko ngayon at may sipon pa. "Let me.." Pinaharap niya ako sa kanya at gamit ang panyo niya ay pinunasan niya ang mukha ko pati ilong ko, hinawakan ko ang kamay niya para pigilan ito sa pag punas, nakakahiya masyado dahil pati ilong ko pinunasan niya. "A-ako na.. sobrang nakakahiya na sayo.." Saad ko pa rito, binigay din naman niya sa akin ang panyo at agad ko ding pinunas sa ilong ko na barado na sa sipon, lalabhan ko na lamang itong panyo niya na kay bango pa naman sana at mukh

