Katniss POV Nang matapos kaming kumain ay pina akyat ko na si Prince sa kwarto niya, agad ko namang hinanap si Mayor Davi. Lumabas na nga ako ng bahay at nakita ko siya na nakasandal sa kanyang kotse at naninigarilyo, ayaw ko pa naman sa mga taong naninigarilyo nakakawala kasi ng karisma nila. P-pero bakit sa kanya mas lumalakas ang karisma niya?! Nakasandal siya sa kanyang kotse habang humihithit sa kanyang sigarilyo at umaangat ang ulo niya kapag binubuga niya ang usok nito, napalunok ako! Aah nababaliw na nga siguro ako! parang hindi na ito tama na na aattrack ako sa lalaking to, maling mali kasi may asawa parin ako. Kasal akong tao! Tumikhim ako para mapansin niya ang presensiya ko, nang makita niya ako ay napatuwid ang kanyang pag tayo at agad na tinapon ang sigarilyo at tinapakan

