CHAPTER 11:Multo ng Nakaraan

1500 Words
“PATAWARIN mo ako, Ate…patawarin mo ako…” “Pia! Huwag mo akong iwan. Pia!” Napabalikwas ng bangon si Selina. Parang totoong nasa loob ng kuwarto niya ang yumaong kapatid. Umiiyak ito habang humihingi ng tawad sa kanya. Ngunit nang igala niya ang paningin ay napagtanto niyang panaginip lamang ang lahat. Muli siyang nahiga ngunit hindi na dinalaw pa ng antok hanggang mag-umaga. Napansin ni Sofia ang panlalalim ng palibot ng mga mata niya nang sabay silang mag-almusal ng babae. “Hindi k aba nakatulog kagabi, Selina?” tanong nito at ipinagbuhos siya ng kape sa tasa. Paano ba niya sasabihing lagpas hatinggabi na nang lumabas ng kuwarto niya si Lorenzo? At hindi pa natatagalan sa pagkakatulog ay napanaginipan naman niya si Pia. Hindi na siya dinalaw pa ng antok hanggang mag-umaga. “I don’t know, I think bumalik ang aking insomnia,” pagdadahilan na lamang niya. “Warm milk ang gamot sa insomnia,Selina.” “Yeah, I know.” “Siyanga pala, bago magtungo sa construction site si Lorenzo kasama si Brix ay nabanggit niyang magkakaroon ng malaking salu-salo sa Villa Roman sa darating na Linggo? Tuesday ngayon. So, that’s four days from now.” “Sinabi ba niya kung para saan ang salu-salo?” kunwa’y walang alam na tanong ni Selina. “Nope. Ayaw niyang sabihin sa akin. He said it’s a surprise. At kahit si Brix ay ngumingiti lang sa tanong ko.” Natuwa si Selina sa kaalamang sinunod ni Lorenzo ang kahilingan niya. Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinausap ng dalaga si Primo. Ipinaalam niya ang mga balak ni Lorenzo. “Are you sure you want to do this? Maaari naming lumayo na lamang tayo. Ano pa ang magiging habol ni Lorenzo kapag kasal na tayong dalawa?” “Plaese, Primo, gaya ng sinabi ko sa iyo, I want to get even with him.” “Hindi pa rin kita maintindihan, Selina. Pero para sa ikaliligaya mo, susundin ko.” “Pagkatapos ng party ay aalis na tayo ng Villa Roman, Primo. Sabado pa lamang ay ihahanda ko na ang mga gamit ko. Ilalagay ko na sa compartment ng aking kotse. Magkita na lamang tayo sa Maynila. Ibibigay ko sa iyo ang address ko roon." Tumango si Primo. Ngunit nang tumalikod ang dalaga ay nagbalik ang pagkalito sa mukha nito. Miyerkules. Ipinakita ni Lorenzo kay Selina ang listahan ng mga iimbitahin sa salu-salong gaganapin sa Villa Roman. Tango lamang nang tango ang dalaga. Mas marami, mas mabuti. Masasaksihan ng lahat ang pagkatalo ni Lorenzo. Huwebes ay isinama siya ng lalaki sa lumang simbahan ng San Felipe upang dumalo sa misa. Naroon din sina Sofia at Brix. Maging si Primo na lagging nakamasid kina Lorenzo at Selina ay naroon din. Biyernes ay tinawagan ni Selina si Linda. Ipinagtapat niya sa matanda ang mga plano. Labis ang pagkabahala nito sa maaaring mangyari. Ngunit kahit ano ang sabihin ng kahit na sino, wala nang makapipigil pa sa dalaga. Sabado ng gabi, habang naghahapunan ay muling kinulit ni Sofia si Lorenzo kung para saan talaga ang gaganaping salu-salo. Buong akala ni Selina ay ipagtatapat na nito sa ina ang totoo, ngunit nakahinga siya nang maluwag nang manindigan sa sinumpaang pangako si Lorenzo. Sa buong hapunan ay tahimik na nakikiramdam si Primo. Napansin iyon ni Selina kaya matapos kumain ay palihim niyang kinausap ang lalaki, assuring him that everything will be all right. “Hindi ko na maaaring iurong ang plano, Primo. Kung gagawin ko ‘yon, mangangahulugang hindi ako tutol sa pagpapakasal sa kanya. Paano na tayo? Hahayaan mob a akong mapunta sa kanya, ha?” “No,” tugon nito na may kasamang iling. “Mamaya, kapag tulog na ang lahat, bababa ako para ilagay sa compartment ng aking kotse ang mga gamit ko.” “Mag-iingat ka.” “I will.” Hinagkan niya ito sa pisngi. “Goodnight.” “Goodnight, Selina.” Hatinggabi, nang matiyak na mahimbing na ang lahat ay bumaba si Selina bitbit ang mga gamit. Buong ingat siyang lumabas at nagtungo sa garahe. Nagpalinga-linga siya sa paligid upang tiyaking walang ibang taong makakakita sa kanya. Nang makatiyak ay binuksan niya ang compartment ng kotse at inilagay roon ang mga maleta. Para siyang magnanakaw sa dilim ng gabi. Nakaalis na si Selina sa garahe nang isang animo ang lumapit sa sasakyan ng dalaga. Hinaplos nito ang compartment ng kotse. Sinubukang buksan ngunit naka-lock iyon. Napabuntong-hininga ang anito at humakbang pabalik sa pinanggalingan nito. “ATE, HUWAG mong saktan si Lorenzo. Wala siyang kasalanan…” “Pia?” Bumangon mula sa pagkakahiga si Selina at nilapatan ang kapatid na nakatayo sa may bintana. Tila ito silhouette na nililipad ng hangin. “Pia? Is that you?” “Oo. At naparito ako para pigilan ka sa binabalak mo. Walang kasalanan si Lorenzo.” “No! How can you say that? Napakalaki ng kasalanang nagawa niya sa iyo, at sa magiging anak ninyo.” “Makinig ka sa akin, Ate Selina. Wala siyang kasalanan.” “Ikaw ang making,Pia! Sinira niya ang buhay mo kaya nararapat lamang na sirain ko rin ang buhay niya!” “Huwag mong hayaang mangibabaw ang poot sa iyong puso, ate. Mahal mo siya, hindi ba? At ang pagmamahal na iyan ang dapat na magpalaya sa iyo sa sumpang paghihiganti.” “No, Pia! Hindi ko siya mahal, naiintindihan mo? At ang lahat ng ginagawa kong ito’y para sa iyo. Dapat lang siyang magdusa!” “Huwag, ate! Walang kasalanan si Lorenzo… patawarin mo ako.” Ibinuka niya ang bibig upang magsalita ngunit bago mamutawi ang mga kataga sa kanyang mga labi’y nakita niyang unti-unting naglalaho si Pia. Tinatangay ng hangin ang kabuuan nito. “No, Pia! Don’t leave me! Mahal na mahal kita!” “Mahal na mahal din kita, Ate. At kaligayahan mo ang hangad ko…” Ang huling tinuran nito’y nagmistula na lamang bulong na nilipad ng hangin sa pandinig niya. Noon naalimpungatan si Selina. Pawis na pawis siya gayong malamig ang paligid. Napabuntong-hininga siya. Panaginip na naman pala. Pero parang totoong-totoo na kanina lamang ay nakatayo sa may bintana si Pia. At ano ang ibig sabihin nitong walang kasalanan si Lorenzo? Naguguluhan siya. Bakit pinipigilan ni Pia ang kanyang palano? Sa bandang huli’y naisip niyang bungang-tulog lamang ang lahat. At ang anumang mga sinabi ng kapatid ay hindi dapat makagulo sa mga plano niya. Bukas, malalagay sa malaking kahihiyan si Lorenzo. Sa akin pa rin ang huling halakhak. Sa ating dalawa, Pia! bulong sa sarili ni Selina. HINDI ko alam kung tamang inilihim mo kay Sofia ang engagement ninyo ni Selina, Lorenzo. Kinakabahan ako. Parang may masamang magyayari,” ani Brix. Nag-uusap ang magaibigan sa library habang ang lahat ay abala sa paghahanda para sa gaganaping salu-salo mamayang gabi. Tinawanan ni Lorenzo ang sinabi nito. “Kailan k aba naging nerbiyoso,pare?” Ngunit hindi natinag si Brix “Makinig ka sa akin, Lorenzo…” “No, you listen to me, Brix. Mahal na mahal ko si Selina At wala nang maahahadlang pa sa aming dalawa. She’s mine” Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki nang matiyak na hindi makikinig ang kaibigan kahit anong sabihin nito. “Mamaya na ang announcement n gaming engagement, Brix. Ano pa ang maaaring mangyari?” “Sana nga’y walang masamang magyari, Lorenzo,” anito. “Walang masamang magyayari. Unless na isama ng iyong fiancée si Melanie,” aniyang nakangiti Si Melanie ay isa lamang sa mga babaeng nag-ilusyon na makakabilang sa pihikang puso niya. “Tumawag sa akin noong isang araw si Leila, and yes, kasama niya si Melanie Nagpumilit ang babae nang malamang ikakasal ka na.” “I think kailangan ong bantayan si Selina, kung ganoon. We both know that Melanie is capable of doing nasty things. Minsan na niyang ginawa iyon noon, kay Pia. Ayokong gawin niya ngayon kay Selina.” Nang mabanggit ang pangalan ni Pia ay natahimik si Brix Napansin iyon ni Lorenzo. “Now, what, friend? May nasabi na naman ba ako para kabahan ka?” natatawang tanong ng lalaki. “Noon ko pa naisip ito, Lorenzo. Posible kayang magkakilala sina Pia at Selina? O baka nga may kaugnayan pa sila sa isa’t isa…” Kumunot ang noo ni Lorenzo. “Ano ang sinasabi mo, Brix?” “De Rama ang apelyido ni Pia at ganoon din ang kay Selina.” “C’mon, maraming magkakapareho ng apelyido, pero hindi magkakakilala, Brix.” “Hindi mo ba naisip ang posibilidad na baka may kinalaman ang pagparito ni Selina sa pagkawala ni Pia? Hindi ang tipo ni Pia ang basta-basta na lamang papayag na iwan mo pagkatapos ng lahat.” “Siya ang unang nakipagkalas sa akin nang malaman niyang nabaliw si Sofia , alam mo ‘yan, Brix. Yes, nakikipagbalikan siya, pero hindi na ako pumayag. That was the time she said she was pregnant. I just couldn’t believe her, Brix. Wala naman siyang maipakitang ebidensiya.” Humugot ng malalim na hininga si Brix. “Sana nga’y nagkakamali ako, Lorenzo. At sana’y maging maligaya kayo ni Selina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD