“YOU LIED to me,” ani Lorenzo matapos nang mainit na pagniniig nilang dalawa.
Nakaunan siya sa braso nito habang yakap-yakap ng lalaki sa baywang. Nararamdaman pa rin niya ang pagpintig ng kanyang p********e na inangkin nito sa masuyong paraan.
Pagkatapos ng pagpapatangay niya sa sensasyon ay nawalan siya ng kibo. Hindi niya gustong humantong sa ganito pero huli na. Naangkin na ni Lorenzo ang lahat-lahat sa kanya.
“I thought you’ve been with another man. You were a virgin, Selina. Bakit ka nagsinungaling kanina?”
“I wanted you to get the wrong impression… but that didn’t stop you from taking me anyway,” aniya. Nais pagalitan ang sarili nang mahilam ng luha ang mga mata Hindi niya gustong umiyak. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa lalaki.
“Why are you crying?” tanong nito nang maramdaman ang luhang pumatak sa braso.
“I am not,” kaila niya.
Kumilos ang lalaki at tumunghay sa mukha niya. Tinuyo nito ng halik ang mga luha sa kanyang pisngi.
“Don’t cry, Selina. Nakahanda akong panagutan ang namagitan sa ating dalawa.”
Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. At nang mga sandaling iyon, hindi malaman ni Selina kung ano ang iisipin… ung ano ang sasabihin.
“Marry me,” ulit ni Lorenzo at ginagap ang palad niya saka masuyong hinagkan. “Now that I’ve found you, hindi na ako makapapayag na mawala ka pa.”
“W-what are you saying, Lorenzo?”
“That I love you. I have loved you from the very start.”
“R-really…?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng lalaki.
“Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo, just say you’ll marry me, Selina.”
“G-give me time to think, Lorenzo. B-baka nabibigla a lang dahil sa nangyari. Hindi mo pa ako lubusang kilala.”
“I don’t care who you are. Ang mahalaga’y mahal kita.”
“P-pinatatawa mo ako,” aniya ngunit ni ngumiti’y hindi magawa.
“I’ll give you time to think. I’ll have you answer tomorrow.”
“Oh, hindi mo na lamang sana ako binigyan ng oras, Lorenzo,” aniyang kunwa’y nagtatampo.
Nakangiting hinagkan ng lalaki ang mga labi niya. “Tiya na matutuwa si Sofia kapag nalaman ang tungkol sa ating dalawa.”
“W-wait…there’s no ‘us’ yet. What happened between us a while ago was lust. Hangga’t hindi ako pumapayag na pakasal sa iyo ay hindi mo maaaring sabihin it okay Sofia.”
“Okay, if that’s what you want.”
“Ilihim muna natin ang tungkol sa bagay na ito, Lorenzo. Kung hindi mo ako pagbibigyan sa kagustuhan ko, bukas na bukas din ay lilisanin ko ang Villa Roman.”
“No, no. Don’t do that. Susundin ko ang mga kagustuhan mo.”
Napangiti si Selina sa nakitang pagkabahala ng lalaki. Hindi na rin masamang naipagaloob niya rito ang kanyang sarili. Ngayon pa lamang ay maaari na niyang hawakan sa leeg si Lorenzo.
Ngunit agad ding natigilan ang dalaga. Bakit sa kabila ng nalalapit niyang tagumpay ay hindi niya maramdaman ang kasiyahan? Ang nadarama niya ay panghihinayang sa isang pag-ibig na alam niyang hindi magkakaroon ng katuparan kahit kalian.
SINUNOD ni Lorenzo ang nagpagkasunduan nila. Hindi nito sinabi kay Sofia ang tungkol sa namagitan sa kanilang dalawa. Ngunit lingid sa kaalaman si Selina, alam ni Brix ang nangyari. Walang inilihim sa matalik na kaibigan si Lorenzo.
Nagpatuloy sa normal na takbo ang lahat sa panahon ng pagbabaasyon ng dalaga sa Villa Roman. Walang nahalata si Sofia maliban sa nakikitang espesyal na trato ni Lorenzo kay Selina.
Si Primo ay nanatiling malapit sa dalaga. At walang ginagawang hakbang si Selina upang malayo sa matandang lalaki.
Madalas na ito ang pagsimulan ng pagtatalo nila ni Lorenzo. Na sa bandang huli ay nauuwi sa mainit na tagpo.
Ilang ulit na niyang ipinagkaloob ang sarili sa lalaki. Sa bawat pagkakataon ay lalong nalalapit ang damdamin niya rito. At natatakot siyang magising na lamang isang araw na umiibig na kay Lorenzo.
No, hindi dapat! Walang kapatawaran ang nagawa nit okay Pia. At kung iibig siya sa lalaki at magpapakasal dito ay hindi na matatahimik pa ang kaluluwa ng kanyang kapatid. Habang-buhay siyang uusigin ng kanyang konsiyensiya.
Kaya bago pa iyon mangyari ay kailangang kumilos na siya.
UMAAYON ang pagaataon kay Selina. Isang araw ay muli siyang niyayang mamasyal ni Primo. Sa altar ng lumang simbahan ng San Felipe ay nagpahayag ng pagkagusto sa kanya ang matandang lalaki.
Noong una’y hindi siya maapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa alok na kasal nito.
Ngunit nang matipon niya ang nagulong isip ay tinanggap niya ang alok ni Primo.
Walang pagsidlan ng labis na katuwaan ang lalaki. Niyakap siya nito. Nakadama siya ng pagkailang ngunit hindi na lamang tumutol.
“Hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo, Selina,” anito gaga pang kamay ng dalaga.
“Pero isang bagay lang ang hinihiling ko sa iyo,” aniya.
“What is it? Tell me about it, Selina,” may pananabik na naghintay ang lalaki sa sasabihin niya.
“Katulad mo ay nag-propose sa akin ng kasal si Lorenzo,” pagtatapat niya, pinag-aralan kung ano ang magiging reaksyon nito. Nakita niyang napakunot-noo si Primo. “I refused, pero mapilit siya. P-pinagbantaan niya aong papatayin kapag umalis sa villa…” Sinimulan na niya ang paghahabi ng kasinungalingan.
“Nagawa ni Lorenzo ang bagay na ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ni Primo.
She faked a tear. “Nagpaplano na siyang ianunsiyo an gaming engagement, Primo. I want to get even with him. Gusto kong ihayag sa lahat ang tungkol sa pagpapakasal nating dalawa sa gabi ng salu-salo. Mapapahiya siya sa mga tao. At kapag nalaman ng lahat ang totoo, hindi na niya ako maaaring takutin.”
Nag-sip si Primo, ninilay-nilay ang mga sinabi ni Selina.
“K-kung ayaw mong pumayag sa mga plano ko, kalimutan mo nang tinanggap ko ang alok mo,” dugtong niya.
“Hindi! Susundin ko ang gusto mo. Pakasal ka lamang sa akin,” ani Primo.
Lihim na napangiti si Selina. Katulad ni Lorenzo, kaya rin niyang paikutin sa mga palad niya ang matandang ito.
Parang nakikini-kinita na niya kung paano tatanggapin ni Lorenzo. Buong pananabik na inangkin siya ng lalaki, habang paulit-ulit na ibinubulong ang mga kataga ng pag-ibig.
Matapos ang kanilang pagniniig ay kinausap niya ito. “Pumapayag na ako sa engagement party na binabalak mo, Lorenzo,” aniya habang hinahaplos ang dibdib ng lalaki. Alam na alam na niya kung nasaan ang kiliti nito.
“Ihahanda o na ang lahat. Kailangang malaman na ni Sofia-“
“Gusto ko pa ring ilihim muna natin sa lahat ang tungkol sa ating dalawa, Lorenzo,” malambing na sabi niya, “I want it to be surprise.”
Narinig niya nang mapabuntong-hininga si Lorenzo.
“Bakit?” nagtatakang tanong niya.
“Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nating ilihim kay Sofia ang tungkol sa ating dalawa, Selina.”
“Dahil…nahihiya ako sa kanya. Ano na lamang ang sasabihin niya kapag nalamang pumapasok ka sa aking kuwarto? That we’re doing this under her nose.”
Ngumiti si Lorenzo at pinisil ang tungki ng ilong niya. “Silly. Mauunawaan ni Sofia ang lahat. Isa pa’y botung-boto sa iyo. Hindi ko nga alam kung ano ang ipinakain mo sa kanya.”
Kinurot niya sa tagiliran si Lorenzo. “Pilyo! Nagkataon lang na magaling pumili ang mama mo.”
“Ouh!”
“Isa pang dahilan kung bakit gusto kong ilihim natin ito hanggang sa huling sandal ay dahil natatakot akong bigla na lamang may dumating na babae rito at sugurin ako.”
“Walang ibang babae, Selina. Now that you’re here, ikaw na lamang ang naikita ko.”
“Liar! Imposibleng walang mga babaeng maghabol sa iyo kapag nalamang ikakasal ka na.” Lumabi siya na ikinangiti ni Lorenzo.
“Yes, there are some, I guess. Pero isa ma’y walang karapatan para pagselosan mo.”
Sandaling natahimik si Selina. “Wala ka kayang nabuntis sa mga babaeng iyon, Lorenzo?”
Nakita niya nang matigilan ito, makaraa’y ngumiti. “Rest assured na walang darating dito at magsasabing kailangang panagutan ko ang anak niya,” ani Lorenzo.
Nagtiim ang mga bagang ni Selina. Wala nan gang darating dito at magsasabing panagutan mo ang anak niya, Lorenzo, dahil patay na si Pia! At kasama niyang namatay ang anak mo!
“What’s wrong, sweetheart?” tanong ni Lorenzo nang makita ang pagdidilim ng mukha ng dalaga.
“W-wala.” Pinilit niyang ngumiti. “Nawawala lang ang mood ko kapag napapag-usapan ang mga baba mo.”
“I know how to put you in the mood.”
Ipinailalim siya ni Lorenzo sa katawan nito at nagsimulang hagkan ang dibdib niya. Sandali niyang nakalimutan ang galit nang muli siyang angkinin nito.