CHAPTER 2

1496 Words
Pakiramdam niya ay tila napakasikip ng mundo habang kasama niya si Chaz. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng sila ay maikasal, pero hanggang ngayon, wala pa silang pormal na plano tungkol sa kanilang kinabukasan. "I wanna go back in Philippines, Chaz. Kung gusto mo pang manatili rito. It's your choice!" Wika niya habang nagsimulang mag impaki ng kaniyang mga gamit. Sapat na siguro ang dalawang linggo upang kilalanin nila ang isa't isa. At isa pa, palagi rin naman itong wala sa bahay kung kaya't nababagot na siyang maghintay nang mag-isa. "You can't leave without me, Gianna. I am your husband. We will stay here hanggang sa matapos ang business meeting ko in just two days." Wala sa loob na tugon ng asawa niya. Naikuyom niya ang palad sa narinig. Dalawang araw pa? Kakatawag lamang sa kaniya ni Martina kanina na kailangan na niyang bumalik at asikasohin ang naiwan niyang botique. Bukod sa condo at sariling kotse na bigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang ay nagpatayo rin siya ng sarili niyang business na maari niyang pagkakitaan. At ngayong nasa States siya ay pansamantalang si Martina muna ang naiwan roon. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya bukod sa intindihin at maghintay kung kailan matatapos ang bakasyon nila. "I'd already booked a ticket for us, pinabalik ko na sa Pinas si Captain, Zaldy. So that could nothing to do here, but to wait." Paliwanag pa nito. She sighed. Napaisip tuloy siya kung gaano ba talaga ka-yaman ang naging asawa niya para magkaroon ng sarili nitong eroplano at ang sarili nitong pamilya. Simula nang ipinagsundo silang dalawa ni Chaz ay hindi man lang nila naisipang alamin ang tungkol sa lalaking mapapangasawa. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Chaz habang nakatalikod ito sa kaniya. Ngayon lamang niya napansin ang hubog ng magandang katawan nito na tila ay alangang-alaga. Chaz Arenzana. Guwapo at matipuno ngunit pumayag magpakasal sa kagaya niyang hindi naman ubod ng yaman. Kung tutuusin ay mas lugi pa nga itong nagpakasal sa tulad niyang maikukumpara lamang sa iba. Ngunit si Chaz, sa palagay niya ay ito na marahil ang isa sa mga lalaking madalas ay tinitingala ng karamihan. Pangarap ng sino mang babae na makadate o kahit mapangasawa dahil sa taglay nitong karangyaan at kaguwapuhan. Hindi niya napansin na lumalalim na pala ang pag-iisip niya tungkol kay Chaz. Hanggang sa umabot na rin ng minuto na nakasentro lamang ang paningin niya rito. At iyon ay hindi nakalampas sa paningin ng kaniyang asawang si Chaz. "There's anything wrong?" Sambit nito na may kasama pang mapaklang pag-ubo. "So, dramatic!" Aniya sa sarili dahil alam naman niyang healthy ang kalusugan nito. "Ah,W-wala, hindi naman siguro masama ang tingnan ka. Mr, Arenzana." Agad niyang tugon, ngunit sa kalooban niya naroon ang labis na hiya dahil nakita siya nitong nakatitig sa asawa. Isang nakakalokong ngiti ang agad na namutawi sa mga labi ni Chaz. Para bang may naisip itong nakakakokong bagay, at iyon ang hindi niya alam. Finally dumating din ang araw ng ng kanilang pagbabalik sa Pinas. Nagtataka man ay hindi na siya nagtanong pa kung saan na naman siya dadalhin ni Chaz. Sa isang subdivision sa makati ang destinasyon ng kanilang sinasakyang S-class, kalaunan ay huminto ito sa isang gate at mula sa labas niyon ay tanaw niya ang medyo may kalakihang bahay. Nang makapasok na sila sa loob ay doon lamang niya napagtanto na bagong gawa ang bahay na kanilang pinuntahan. Bungalow house na may halo ng makabagong design. Apat ang silid at isang master bedroom na halos kasinglaki ng salas nila sa bahay ng kaniyang mga magulang. "I hope you'll like this place." Ani Chaz. "K-kaninong bahay 'to? Nagugulahan niyang tanong. "This is our house. Dito na tayo titira simula ngayon, Babe." Anito. Hanggang ngayon ay nagpo-process pa rin sa kaniyang utak ang sinabi ni Chaz. Ang malaking bahay na tinitir'han niya ngayon ay pagmamay-ari ni Chaz? "You need to take a rest, utusan mo nalang ang ating mga maids kapag may kailangan ka." Dagdag pa ni Chaz bago ito pumasok sa isang silid. Sa master bedroom siya dinala ng isang kasambahay, kailangam muna niyang mag shower at magpahinga dahil bukas na bukas ay pupunta siya sa kaniyang botique upang makipagkita kay Martina. Alas dose na ng hating gabi nang makaramdam siya ng panunuyo ng kaniyang lalamunan. Ngunit mas ipinagtaka niya kung bakit sa ganitong oras ay wala pa si Chaz sa kanilang silid. Agad siyang bumaba sa komedor, naisip niyang uminom muna ng tubig bago hanapin si Chaz. Ngunit hindi pa man niya tuluyang nalagok ang laman ng baso nang biglang may humawak sa braso niya. "Ahhhh-" agad siyang napatili sa gulat at kaba ngunit mas maagap ang kamay na biglang humarang sa kaniyang bibig. "You looked so scared." Boses iyon ni Chaz. Halos hindi siya makagalaw dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Chaz sa braso niya, dumagdag pa ang mainit nitong hininga na sa wari niya'y sobrang lapit lamang nito sa kanya. Dahan-dahan siyang gumalaw upang makaalis sa ngayo'y mga bisig ni Chaz. Pilit na humuhugot ng lakas upang umiwas sa amoy alak niyang asawa. "Chaz. Let me go.." Usal niya. Ramdam niya ang bahagyang pag dikit ng katawan niya sa wall ng refrigerator, ngunit tila wala yatang balak si Chaz na pakawalan siya. Mabilis kasi nitong naiharang ang isang kamay nito sa pader habang siya ay nasa gitna ng dalawa nitong mga bisig. "Bakit gising ka pa?" Anito sa medyo namamaos na boses. Husky ang dating na 'yun na mas bumagay sa madilim nitong anyo. Kahit madilim ang paligid ay kitang-kita pa rin niya ang hubad at matipuno nitong dibdib. "Chaz. Lasing ka, kailangan mo ng magpahing-" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla na lamang siya nitong siniil ng halik sa labi. Ilang segundo pa, bago niya narealize ang unti-unti niyang pagtugon sa mga halik nito. That was the first time for her. Ang una niyang halik ay naranasan niya sa lalaking hindi naman niya minahal. Subalit may bahagi sa puso niya ang hindi kumontra. Tila ay hindi nakikisabay ang puso at isip niya sa bawat kilos na kusa niyang ginagawa habang nasa mga bisig siya ni Chaz. That was a passionate kissed. Bayanad lamang iyon, ngunit pakiramdam niya ay tila alam na alam ni Chaz na wala siyang experience sa mga bagay na iyon. Ilang sandali pa, kapwa nila habol ang hininga nang bitiwan ang isa't isa. Saka pa lamang siya nahimasmasan sa nangyari at walang lingon-likod na iniwan si Chaz sa kusina. Napatitig na lamang siya sa labas ng bintana nang makapasok sa silid. Mabuti nalang talaga at naiwan pa si Chaz sa ibaba, dahil kung hindi. Hindi niya alam kung paano harapin ang hiya kapag nasa harap niya ito. Tutop ang bibig at noo siyang nagpabalik-balik sa kama patungo sa sofa. Hindi mapakali habang iniisip ang nangyari kanina. "Damn you! Gianna. Bakit ka nagpadala? Kahit pa asawa mo na ang lalaking iyon ay nakakahiya pa ring isipin." Bulyaw niya sa sarili. Wala siyang pakialam kahit na nagmumukha na siyang baliw, kinakausap niya ang sarili nang mag-isa dahil sa kapusukan niya kanina. Isang tawag sa telepono ang biglang nagpabalik sa lumilipad niyang diwa. Rumihistro sa screen niyon ang pangalan ng isang taong matagal na niyang hindi nakikita. "Trevor?" Kunot noong wika at mabilis na sinagot ang tawag na iyon. "Gianna?!" Boses ng lalaki sa kabilang linya. "Trevor, K-kumusta? N-napatawag ka?" Aniya sa utal na boses. "I'm fine. Look, i'm so sorry dahil ngayon lang ako tumawag. Masyado lang akong naging busy sa trabaho, but, i promise uuwi na ako diyan sa Pinas nextweek, Honey!" Ani Trevor. "G-good to hear that, Trevor. Pero may sasabihin sana ako, and i hope you'll undrestand." Kabado niyang tugon. Hindi na pala magtatagal sa canada si Trevor at hindi rin magtagagal, malalaman na nito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Chaz. "Yeah, of course, Honey. Pero sa pag-uwi ko na, okay? Sa ngayon busy pa ako, tatawagan nalang kita kapag nasa Pinas na ako. Bye, Honey! See you soon, I love you!" Anito at agad na ibinaba ang telepono. Naiwan na lamang siya na gulong-gulo. Isa ito sa magiging problema niya sakaling dumating na sa bansa ang kasintahan, si Trevor. Tatlong taon silang magkasintaha subalit mauuwi lamang sa wala. Marami silang naging pangako sa isa't isa ngunit sa isang iglap ay agad na lamang iyon mawawala na parang bula. Paano nga ba niya sasabihin ang katotohanan sa kasintahan? Paano niya haharapin ang panunumbat nito kung sakaling malaman nito na wala siyang ginawa upang takasan ang balak ng kanyang mga magulang. Alam niyang masasaktan si Trevor kapag nalaman na niya ito. Subalit hindi niya kayang ipagpalit ang kaligayan at kapakanan ng kanyang mga magulang kaysa pansarili niyang kaligayahan. Abangan ang panibagong character na sasabak sa THE PAID WIFE. Mababawi pa kaya ni Trevor si Gianna mula sa mga kamay ni Chaz Arenzana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD