CHAPTER ONE
Isang envelope ang inilapag ng mga magulang niya sa mesa, agad napukol ng atensiyon niya sa laman niyon at napatitig sa mga magulang.
Ito na yata ang huling pagmamakawa na gagawin niya para lang i-atras ng pamilya niya ang kasunduan sa pamilya Arenzana na ka-partner sa iilang negosyo na pagmamay-ari nila.
Sa huling pagkakataon ay gusto niyang depensahan ang sarili sa kagustuhan ng mga magulang niya. Ngunit isang sampal galing sa kanyang ina ang kaniyang natanggap matapos niyang ipaliwanag at ilabas ang saloobin niya.
Bagsak ang mga luha niyang binuksan ang laman nang envelope na iyon. Kahit naka seldado ito ay alam niyang galing ito sa pamilya Arenzana na naglalaman ng mga dukomentong nakasaad sa petsa ng kasal nila ng anak nang CEO, si Chaz Arenzana na kailan man ay hindi pa niya nakikita at nakilala ng husto.
"Mas gaganda ang buhay mo kapag naging asawa mo na ang anak ng mga Arenzana, Gianna! Huwag na 'wag mo kaming ipapahiya sa pamilya nila dahil kompanya natin ang nakasalalay dito!" Maawtoridad na wika ng Papa niya.
Ngayon lamang niya napagtanto na mas mahalaga pala ang kayamanan at pera sa mga magulang niya kumpara sa kaniya.
Pinahid niya ang mga luhang pilit na kumakawala mula sa kaniyang mga mata. Masakit man isipin na para siyang isang tuta na ipinamimigay ng sariling mga magulang sa mga taong hindi niya alam kung ano ang buhay na maaring kahihinatnan niya, o 'di kaya'y parang isang bagay na kung hindi na mapakikinabangan ay ebebenta na lamang kapalit ng malaking halaga.
Sa araw ng kasal pa niya makikita ang lalaking magiging asawa niya. Kung sa bagay, hindi na niya kailangan pa na makita ito. Kung anuman ang ugali na mayroon ang Chaz na iyon, saka na lamang niya iisipin ang mga bagay na iyon kapag kasama na niya ito sa iisang bubong.
Sa wakas ay dumating na rin ang araw ng kasal niya. Napakaganda niya sa suot niyang mamahaling bridal gown, hapit na hapit iyon sa kanyang balengkitang katawan, subalit ang kalooban niya'y tila tinatambol sa lakas ng kabog niyon. Hindi dahil sa pera ng mga Arenzana ang lahat ng bagay na suot niya ngayon. kun'di ang isipin na makakasama niya sa iisang bubong ang lalaking pilit na pakikisamahan niya sa habang panahon.
Kinakabahan siya na nalulungkot sa mga nangyayari, araw ng kasal niya subalit, heto, hilam sa luha ang pisngi at mga mata niya na pilit tinatabunan ng mamahaling make up upang ikubli ang kalungkutan na nadarama.
"Puwede bang itigil mo muna iyang pag-iiyak mo, Ha? Kanina pa ako pabalik-balik dito sa kaka-retouch sayo, Mama!" Hindi maiwasang tungayaw ng baklang si Martina sa kaniya.
Ang totoo ay halos tatlong oras na sila sa loob ng silid kung saan siya inaayusan ng kaibigang parlorista.
Pinahid niya ang mga natitirang luha sa kaniyang mga mata at tumango sa kaibigan.
"Martina, hindi ko yata kayang pakasalan ang lalaking iyon." Saad niya.
"Pero 'di ba? Wala ka rin namang choice kun'di ang pakasalan ang lalaking iyon. Kaya umayos ka , baka tayo ay ma-late sa simbahan, Marimar!" Tili ni Martina.
Ilang sandali pa ay nagawa rin niyang kumalma. Pilit na hinamig ang sarili dahil ilang sandali na lamang ay ikakasal na siya. Magiging misis Gianna Lauren Arenzana na siya.
"Well done!" Ani Martina na bahagya pang pumalakpak pagtapos siya nitong ayusan.
Sa palagay niya ay tila masaya pa yata itong makikita siya na ikakasal ng sapilitan.
"Look at yourself on the mirror, Mama! Hindi ba't mas lalo ka yatang gumanda ngayon!" Dagdag pa nito.
Wala sa loob niyang pinagmasdan ang sarili. Wala siyang ibang nakita kundi ang mukha ng isang Gianna'ng pilit na ikinukubli ang lungkot sa mga mamahaling kolorete.
Kasiyahan? Wala rin siyang nakapa sa dib-dib kundi ang kalungkutan na pilit niyang itinatago sa matatamis na ngiti.
Ngayon niya wawakasan ang paghihirap ng kaniyang mga magulang. Sa wakas ay makakaahon din sila sa utang, sa pamamagitan niya.
Siya ngayon ang maging kabayaran sa lahat ng pinagkakautangan ng kaniyang pamilya.
Pagkatapos nilang magpalitan ng Marriage Vow's at singsing ni Chaz ay naideklara ang kanilang pag-iisang dibdib na hindi man lang pormal na nagkakilala.
No receptions, No other visitors maliban na lang sa malalapit nilang kaibigan at miyembro ng pamilya.
"We're going to Sangrila Hotel para doon magpalipas ng gabi, Gianna. Bukas na bukas, lilipad tayo patungong United States para doon mag honeymoon, is that okay with you?" Basag ng kaniyang asawa sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
"What?! Sa gan'on kabilis, dadalhin mo ako ng hindi man lang nakapagpaalam sa pamilya ko? Are you crazy?!" Aniya sa asawa na kasalukuyang nagmamaneho sa mamahalin nitong S-class na Mercedes
"You are mine, Gianna! We're married, right?" Paalala nito sa kaniya.
Ibinaling na lamang niya ang paningin sa labas ng bintana, upang iwasan ang nakakaasar na mukha ni Chaz.
Simula nang marating nila ni Chaz ang Hotel ay hindi na niya ito inimikan pa. Nasa iisang silid lamang sila ngunit mayroon itong dalawang bed at closet kaya malaya pa rin siyang makakapag pahinga ng maayos.
Naninibago siya sa bagong chapter ng buhay niya kasama ang lalaking hindi pa niya tuluyang kilala, at sa isang iglap ay naging asawa pa niya ito. Sa tono ng pananalita ni Chaz kanina ay tila napaka presko nito, dalangin niya na sana ay maging maayos ang buhay niya sa piling ni Chaz.
Alas sais y medya ng umaga ay lulan na sila ng private plane patungong US. Hindi niya inakala na nakasettle na pala ang lahat ng kaniyang mga gamit pati na ang kaniyang travel visa sa hotel na iyon.
"How can i imagine that, i got married yesterday." Boses iyon ni Chaz. Kasalukuyan itong nasa kaniyang likuran habang sumasalin ng wine sa kopita.
"Here!" Iniabot nito sa kaniya ang baso. Napilitan siyang tanggapin iyon upang kahit papaano ay maibsan ang kaba na nadarama.
Nakasunod lamang pala si Chaz sa kaniya. Nasa fool area siya at balak niyang mag swimming upang pansamantalang malamigan ang kaniyang katawan.
Pagkatapos niyang lagukin ang laman ng kopita ay agad siyang lumusong sa tubig.
Wala siyang balak na makipag usap sa lalaking nakatayo lamang 'di kalayuan sa kinaroroonan niya.
Magdidilim na ang paligid nang maisipan niyang bumalik sa kanilang silid ni Chaz.
Nang mapasok na siya sa loob ay tila, bigla siyang natulos mula sa kinataayuan nang makita ang naka boxer na si Chaz. Nakatayo ito sa loob habang hawak pa rin basong may laman pang alak.
"Damn!" Aniya sa sarili, hindi dahil sa halos makita na niya ang kahubdan ng asawa kun'di ang mga titig nito na sumalubong sa kaniya.
"Kindly close the door, Babe." Anito habang naghihintay sa maging reaksiyon niya.
Dahan-dahan niyang sinarado ang pinto at kukuha sana ng iilang mga gamit upang lumipat sa kabilang silid subalit hinarang siya ni Chaz.
"Where do you think you're going?" Ani chaz.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pareho nilang nahawakan ang doorknob nang pinto, kung kaya't ramdam niya ang tila'y biglang pagdaloy ng kuryenteng nagmumula sa kamay ni Chaz.
"S-sa labas... D-doon na muna ako matutu-"
"Stay here!" Agad nitong wika.
"Pero, Chaz.. hindi pa ako ready para sa-"
"I know.. hindi kita pipilitiin sa bagay na iyon, Mrs. Arenzana, i can wait. But, you can stay here." Muli nitong sambit.
Pakiramdam niya ay tila nabunutan siya ng tinik sa mga sinabi ni Chaz. Kahit kasal sila ay hindi pa rin siya handa na ibigay ang sarili sa lalaki hangga't maari.
"I'm sorry, Chaz." Nakayuko niyang tugon sa asawa. Kung tutuusin ay karapatan iyon ni Chaz. Ipinagdamot niya ang bagay na dapat sana'y ibibigay niya sa lalaking pinakasalan niya at makakasama habang buhay.
Buntong hininga lamang ang tangi niyang narinig mula rito, bago ito tuluyang lumabas ng sild. Sa unang gabi nila sa US ay doon lamang niya na napagtanto na mali ang iniisip niya kay Chaz.
Hindi ito preskong tao tulad ng iba. Handa pala itong maghintay sa isang bagay na dapat sana'y kusa na niyang ibibigay.
Next chapter will read soon!