CHAPTER 13 “Relax, baby. It's fine. By the way, where is my good morning kiss?” Ang hayok talaga nito pagdating sa halik. Hindi nagsasawa kahit halos ubusin na niya kagabi ang labi ko. Ang hapdi na nga at ilang beses ng dumugo pero gigil na gigil pa rin siya at ayaw akong tigilan. Yumuko ako ng kaunti at maingat na dinampian ng mababaw na halik ang labi niya. Kung ano ang sasabihin niya ay ibibigay ko. Kasi kung hindi ko siya susundin ay baka pagalitan ako ni nanay. Nasa dalawang segundo lang iyon at nilayo ko agad ang sarili ko nang matanto kong wala pa pala akong toothbrush. I am not confident to kiss him. Kakagising ko lang at mabaho ang hininga ko. “Baby, hindi 'yan ang tamang paghalik.” hinawakan nito ang aking batok at hinila ako papunta sa kanya. Nagdampi ulit ang mga labi

