CHAPTER 1
CHAPTER 1
Nasira ang aking tahimik na paglangoy sa batis nang sumigaw ang aking nanay.
“Maven, umahon kana d'yan! May bisita tayo!”
Sabado ngayon at wala kaming pasok. Tapos na rin ako sa mga gagawin ko sa mansyon. Kaya naman naisipan kong maligo sa batis dahil mainit.
Umahon ako sa batis. Ang aking kulay itim na bestida hapit na sa aking katawan dahil nabasa na ito ng tubig. I'm not comfortable wearing tight clothes. Ang laging suot ko ay malalaki sa akin. Kinuha ko agad ang tuwalya na kulay puti na nilagay ko sa ibabaw ng malaking bato. Binalot ko agad ang katawan ko ng tuwalya bago nagsimulang maglakad papunta sa mansyon.
Sino kaya ang bisita namin ngayon? Wala namang nasabi sa akin sa nanay. At mukhang normal lang naman ang mga kilos ng mga tao kanina. Kapag kasi may paparating na bisita rito ay aligaga ang mga tao sa paghahanda. Maybe this is an unexpected visitor?
Nasa likod ng mansyon ang batis kaya naman ay doon na ako dumaan. Ang maid's quarter ay nasa gilid lang ng kusina at nandoon ang kwarto naming dalawa ni Nanay. Kapag pumasok ka sa likod ay sasalubong sa iyo ang pabilog na swimming pool ng mga Hidalgo. Pwede namang mag- swimming sa pool. Pero mas gusto kong sa batis maligo dahil malamig ang tubig.
“Good afternoon,” napaigtad ako nang may biglang nagsalita. Lumingon ako sa paligid. Nakatayo sa gilid ng pool, ang kamay ay nasa loob ng bulsa, nakasuot ng kulay itim na slacks, at kulay puti na polo shirt. May suot din itong sunglasses. Kung magtatabi kaming dalawa, baka hanggang dibdib niya lang ako. Varsity ba ‘to? Bakit parang ang tangkad naman yata.
Kumunot ang aking noo. Pamilyar siya, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Oo nga pala! Kilala ko kung sino siya!
“G- good afternoon po, sir!” nauutal na bati ko. Naaalala ko na kung sino siya. Ang bunsong anak ng mga Hidalgo. Kailanman ay hindi siya napadpad dito. Kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit siya nandito ngayon.
Nakakahiya at siya pa ang unang bumati sa akin.
“Nako! Maven, pumasok kana at magbihis!” biglang sumulpot si Nanay sa tabi nung lalaki habang may bitbit na tray sa kanyang mga kamay. May lamang orange juice iyon.
“Pasensya na po kayo sa anak ko, sir Wayne.” Panghingi ng paumanhin ni nanay. Humigpit ang kapit ko sa tuwalya nang tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. When our eyes met, he suddenly smiled at me. Hindi ko alam kung susuklian ko ba ang mga ngiting binigay niya dahil sa kaba ko.
“It’s okay,” pinanlakihan ako ng mata ni nanay.
“Excuse me po,” yumuko at naglakad. Nang makalampas ako sa pader kung saan hindi ako kita ay kumaripas ako ng papunta sa kwarto namin para magbihis. Sampo kaming nandito sa loob at nangangalaga sa mansyon. Mas marami roon sa rantso. Dahil dalawa kami ni nanay ay kaming dalawa ang nasa iisang kwarto. Tapos ang ibang mga kasama namin ay isa- isa na sila.
Mabilis akong nagbihis. Nagsuot ako ng isang pulang bestida na lagpas tuhod. Ganito ang mga gusto kong damit na isuot. Ayaw kong nakikita ang aking mga binti. Tinutukso nga ako ng mga kaklase ko minsan dahil parang matanda raw ako kung manamit. Ayaw ko rin ng mga bagong damit ngayon. Masyadong kinulang sa mga tela at sa tingin ko ay hindi ako magiging kumportable kapag sinuot ko iyon.
Nagmadali lang ako para makatulong ako sa kanila.
Naalala ko na siya. May malaking picture ang pamilya ng mga Hidalgo mula sa lumang mga henerasyon hanggang sa mga bago. Ngunit itong bunso nila ay ngayon ko lang nakita. Ang palaging pumupunta rito ay ang dalawang mga kuya niya lang.
Lumabas na ako ng kwarto namin.
“Maven, linisin mo na raw ‘yong kwarto ni sir Wayne para pagbalik niya rito ay pwede na siyang magpahinga. Bilin ng nanay mo kanina.” Siya si Ate Aster. Ang isang katulong din dito. May dalawa na itong anak.
“Sige po, ate. Nasaan po pala sina nanay, ate?” tanong ko sa kanya.
“Tumingin si sir Wayne sa mga kabayo. Pero babalik din iyon, sumama ang nanay mo sa kanila.” Tumango ako sa kanya bago ako nagpaalam na aalis.
“Aakyat na po ako para malinis ko na,”
Dalawang palapag itong bahay nila. Medyo luma na ang mga gamit, pero nanatiling matatag dahil sa mga materyales na ginamit.
Wala ng nakatira pa rito. Minsan lang pumupunta ang pamilya ng mga Hidalgo. Sa isang taon yata ay dalawang beses lang sila kung mapadpad dito. At pinakamatagal na ang tatlong araw na pananatili nila sa bahay. Pero kahit hindi na sila nakatira rito ay pinapanatili pa rin nila ang kalinisan ng buong bahay.
Binuksan ko ang master’s bedroom. Actually, malinis naman ‘to. Lilinisin ko na lang ulit para makasigurado kami.
Sa pagkakakilala ko sa mga Hidalgo, mababait sila. Nung namatay ang tatay ko ay sila ang gumastos sa lahat. Driver kasi si tatay dito. Kaya nung namatay si tatay ay sinabi nilang dito na lang kami tumira.
Tatlong maleta ang nakita ko sa gilid ng kama. Sa tingin ko ay hindi lang tatlong araw ang itatagal ni sir John Wayne.
Nilinis ko na ang kwarto niya. Habang pinapalitan ko ng punda ang mga unan ay bigla na lang bumukas ang pinto. Dahil nakaupo ako sa kama napatayo agada ko bitbit ang isang unan na nasa kalahati pa lang ang nasusuot ko na punda.
“Sir. . . pasensya na po hindi pa po tapos.” Paghingi ko ng paumanhis sa kanya. He removed his sunglasses after he closed the door. He walked towards me.
“It’s okay. Just continue what you’re doing.” Ang laki nitong tao. Pero ang boses niya ay napakamalumanay. ‘Yong tipong kahit takot na takot ka sa kanya ay bahagyang mawawala dahil sa boses nito na parang hindi marunong magalit.
Dahil nakatayo ako sa gilid ng kama, kung saan ang tatlong mga maleta ay doon siya pumunta. Dumaan siya sa gilid ko. Nanuot kaagad sa aking ilong ang kanyang mamahaling amoy. Ang bango niya. Marami akong nakakatabi na lalaki sa school namin. Pero hindi kasingbango niya. Kakaiba ang amoy niya.
Tumabi ako ng kaunti hanggang sa mabangga ang aking tuhod sa kama kaya medyo tumanog iyon. Hindi naman masakit kaya hindi na ako nagreact pa.
“Be careful,” rinig kong sambit niya. Lumingon ako sa kanya. Naghuhubad na ito ng damit. Nakahawak na siya sa laylayan ng damit niya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Narinig ko ang halakhak nito kaya naman ay namula ang aking buong mukha.
“I’m sorry. I’ll just use the bathroom.” Dumaan ulit ito sa gilid ko kaya naamoy ko na naman siya.
Gwapo ang mga Hidalgo. Pero ang gwapo pala sa personal nitong bunso nila. Katulad na mga kuya niya ay nakikipag- usap din sa mga kasambahay dito.
Nagmamadali ang aking kilos. Kinakabahan ako kapag nand’yan siya.
Napalitan ko na ang bedsheet niya, tapos ko na rin ang dalawang unan at itong isa na lang ay matatapos na ako. Ang bilis nitong magbihis. Patapos pa lang ako ay lumabas na ng banyo. Ngayon ay nakasuot na ito ng itim na short at isang itim na sando na hapit na hapit sa katawan niya. At hindi ko maiwasang tumingin sa mapuputing mga binti nito. Mabalbon pala siya. Ang daming balahibo ng binti niya hanggang sa taas. Ang tingkad din ng kulay nito. At ang laki ng braso nito na mukhang nakatira sa gym. Namumutok ang muscles niya.
Umiwas ulit ako ng tingin nang mahuli niya ako. Binilisan ko ang aking kilos at sa wakas ay tapos na ako. Namumula na ako at ang init na ng tainga ko.
“T- tapos na po, sir. . . tawagin n’yo lang po kami kapag may kailangan kayo.” Nakayuko kong sambit ng hindi tumitingin sa mga mata niya. Sa sahig lang ako nakatitig.
“Okay, what’s your name again? Is it Maven or Mavren?” doon na ako umangat ng tingin. Kulay deep brown ang mga mata nito. Katulad nung sa akin. Ngunit mas mahaba lang ang pilik- mata nito kesa sa akin kaya ang ganda tingnan ng mga mata niya. Hindi ganito ang mga mata ng dalawang kapatid niya.
“Maven Gracia po ang pangalan ko. Pwede n’yo po akong tawaging Maven.” My full name is Maven Gracia Dela Pena. Sabi ng mga magulang ko ay kaya raw Gracia dahil biyaya raw ako sa buhay nilang dalawa.
“Okay, I’m correct. Thank you, Maven. Tatawag lang ako kapag may kailangan ako.” napatingin ito sa aking kamay na magkasiklop. Para akong batang pinapagalitan ng magulang.
“Sige po, labas na po ako.”
Lumabas ako ng kwarto. Doon lang ako nakahinga ng mabuti. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ako.
Bumaba na ako at dumiretso ako sa kusina.
“Ano ba ang paboritong pagkain ni sir Wayne, manang Meredez? Natanong n’yo ba sa kanya kanina?” habang papasok pa lamang ako ay narinig ko ng nag- uusap ang dalawa.
“’Yon nga ang nakalimutan kong itanong kanina sa kanya. Dapat tunungin natin siya. Hindi tayo pwedeng magluto ng kung ano- anong mga pagkain para sa hapunan niya.” Sabay silang napalingon sa akin nang pumasok ako sa loob.
Dumiretso ako sa counter kung saan may nakapatong na isang pitcher ng tubig. Kumuha ako ng baso bago naglagay sa loob ng tubig. Nauhaw na lang ako bigla.
“Maven, umakyat ka ulit doon at tanungin mo si sir Wayne kung ano ang gusto nitong hapunan.”