CHAPTER 2

1716 Words
CHAPTER 2 Muntik akong mabilaukan. Napahawak ako sa aking lalamunan habang nanlalaki ang aking mga mata. “Ako, nay?” hindi makapaniwalang tanong ko habang tinuturo ang aking sarili. “Oo, Maven. Umakyat ka ulit at tanungin mo si sir Wayne kung ano ang gusto niyang hapunan.” sa huli ay tumango ako at muling umakyat sa itaas. Huminga ako ng malalim bago umakyat kumatok sa pintuan ng master's bedroom. Bumukas naman iyon at bumungad sa akin si Sir Wayne na wala ng suot na damit. “Oh my god!” tinakpan ko ang aking mata at tumalikod ako. Hindi ako sanay na makakita ng mga lalaking walang suot na damit. Naiilang akong tumingin at hindi ako kumportable. “s**t. I'm sorry! Wait!” hanggang hindi pa siya nagsasalita sa aking likuran ay hindi talaga ako humarap. Hinintay ko lang na magsalita siya. “Humarap kana. May suot na akong damit,” dahan- dahan akong humarap. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakasuot na ulit ito ng sando niya. “Pinapatanong po nila kung ano raw po ang gusto n'yong ipaluto na hapunan, sir. Para mahanda po nila para sa 'yo,” mabilis ang pagsasalita ko na parang hinahabol ako. “Don't bother. Sa labas ako kakain, pasabi na lang sa kanila.” umawang ang labi ko bago sunod- sunod na tumango. “Okay po, sir. Sasabihin ko po sa kanal!” “Thank you, Gracia.” Bakit 'yan ang tinawag niya? Hindi ako sanay. Madalas ay 'Maven' ang tawag sa akin. Wala pa yatang tumatawag na 'Gracia' sa akin kung hindi siya pa lang. Pilit kong tinago ang aking gulat. “Sige po,” Tumalikod na ako sa kanya at bumaba na sa first floor. Bumalik ulit ako sa kusina at nandoon pa rin sina nanay at Ate Aster at nag- aabang sa akin. “Maven, ano ang sabi? May gusto ba siya?” Umiling ako. “Hindi raw po siya rito kakain. Sa labas daw po.” sagot ko sa kanilang dalawa. Sabay silang tumango. “Oh siya, sige. Magluluto na lang ako para sa hapunan nating lahat.” Sa pagluluto ay si nanay talaga ang inaasahan ng lahat. Madalas ay tinutulungan siya naming dalawa ni ate Aster. Marami kasi ang niluluto niya. Iba rin ang nagluluto para sa mga taong nagtatrabaho sa rantso. Lumalim ang gabi. Nasa loob lang ako ng kwarto kanina at tinatawag lang ni nanay kapag may ipapagawa sila sa akin. Hindi ko na ulit nakita pa si sir Wayne. Pero narinig ko ang sasakyan na umalis kanina. Baka nakaalis na. Tapos na akong kumain at nasa loob na ng kwarto. Double deck itong kama sa kwarto naming dalawa ni nanay. Maaga akong natulog. Pupunta ako sa rantso bukas para tumulong na rin sa pagpapaligo ng mga kabayo. Nakatulog na ako ng mahimbing pero nagising ako dahil bigla na lang akong nakaramdam ng uhaw. Kinuha ko ang aking tumbler sa tabi ko pero wala na iyong laman kaya kailangan kong bumaba. Dahan- dahan akong bumaba ng kama para hindi magising si nanay na nasa baba. I was rubbing my eyes when I left our room. Dahil malapit lang ang kusina ay mabilis lang akong nakarating. I did not turn on the lights. May kaunting ilaw naman na pumapasok sa loob mula sa mga ilaw sa labas. Naglalagay na ako ng tubig sa pitcher nang may bigla na lamang may ingay akong narinig sa aking likuran. Mukhang may nahulog na gamit sa sahig. Hindi ako matatakutin. Lumingon ako b****a at nilapag na muna ang baso. Isang malutong na mura ang aking narinig at muli na namang nahulog sa sahig ang isang bagay. Boses iyon ni sir John Wayne. Kakauwi niya lang ba? Nakatingin lang ako sa b****a at inabangan siyang pumasok sa loob. Lasing siya. 'Yan agad ang unang pumasok sa isip ko. Ni hindi siya makatayo ng maayos. Naghahanap pa ito ng makakapitan habang gumagawa ng hakbang. At ang bagay na ilang beses na nahulog kanina ay ang cellphone nito na ngayon ay basag- basag na ang screen. Latest iPhone pa naman. Pwede naman siyang bumili ulit ng bago dahil marami naman siyang pera. “Sir!” iniwan ko ang aking hawak na baso at pitcher upang saluhin siya. Muntik na siyang sumubsob sa counter. I held his arms. Ang bigat naman nito. “Oh, who are you?” naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa akin. His forehead creased na mukhang inaalala kung sino ako. “Beautiful, your lips look kissable.” nanlaki ang aking mga mata nang hinawakan niya ang aking pisngi. “I wanna kiss you. . .” sa sobrang bilis ng mga nangyayari ay hindi ko namalayan na dumampi ang labi niya sa akin. It was very quick. Naiwas ko agad ang mukha ko. In a snap of a finger, my first kiss was stolen by him. s**t. Sa ilang segundo na nagdampi ang mga labi naming dalawa ay nalasahan ko ang pinaghalong alak at mint. “Sir, b- bakit n'yo po ginawa 'yon?” Hindi ko pa rin binibitawan ang braso niya dahil natatakot akong baka matumba siya. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa labi kong hinalikan niya. “Because. . . your lips are seducing me.” “Sir, ihatid ko na po kayo sa kwarto n'yo. Matulog na po kayo,” ang naramdaman kong uhaw kanina ay bigla na lang nawala. Kung iiwan ko siya rito ngayon ay baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. He's still my boss. “Maglakad po kayo, sir.” utos ko rito. Hindi naman matigas ang ulo niya. Nakaalalay ako sa kanya habang naglalakad siya. Ang tagal naming nakaalis sa hagdan. Ang bigat niya! Maliit lang ako at kung hindi ako kumakapit sa barandilya ng hagdan ay baka kaming dalawa na ang nagpagulong- gulong pababa ng hagdan. Good thing his room is not locked. I turned on the lights. “Ang bigat n'yo po,” reklamo ko. Nakapikit na ito. Pero naglalakad pa rin. Ang dami ba ng iniinom niya at bakit lasing na lasing 'to? Binagsak ko siya sa kama. Ngunit sa 'di inaasahan ay nahila niya ako. Bumagsak ako sa ibabaw nito. “Sir!” kinakabahang sigaw ko. Sinubukan kong gumalaw at umalis sa ibabaw nito pero mahigpit na ang hawak niya sa bewang ko. “Sir, John Wayne. Pakawalan n'yo po ako,” nakatukod ang aking dalawang kamay sa dibdib niya. Maaalala niya kaya 'to bukas? “Sir. . . Matutulog na po ako. Bitaw na po,” tinulak kong muli ang dibdib niya at sinubukang inaangat ang aking katawan. Nakapikit na at mukhang tulog, hindi rin ito sumasagot sa akin. Pero ayaw naman akong bitawan. “Sir. . .” baka makapansin si nanay na wala ako sa kwarto namin. Ayaw na ayaw pa naman nun na nagpupuyat ako. “Pakawalan n'yo po ako, sir. . .” mahina kong tinapik ang pisngi niya. Kung hindi lang natukod ang kamay ko sa dibdib niya ay mas malapit ang mukha niya sa akin. Ayaw ko ng masundan pa ang halik na iyon. Ang bilis ng t***k ng puso ko kanina. Sa aking pagtapik sa pisngi niya ay sa wakas nagmulat ito ng mga mata. “Sir. . . Aalis na po ako. Bitawan n'yo po ako.” kumunot ang noo nito. Ngayon ay nakaiwas na ako sa kanya sa akmang paghalik nito sa akin. Ang ending ay sa pisngi ko napunta ang labi niya. His lips started moving. I can literally feel his tongue moving on my right cheek. Bakit uminit bigla ang katawan ko? The way his tongue moves. . . Nagtatayuan ang balahibo ko sa katawan. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito. This is a very strange feeling. Buong pwersa kong tinukod ang aking kamay para iangat ang sarili ko. Nagtagumpay akong makaalis sa ibabaw nito. “Aalis na po ako!” Tumalikod ako at mabilis na naglakad patungo sa pinto. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya bago ko sinara ang pintuan ng kwarto nito. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. Muntik pa akong matalisod sa pagbaba ko ng hagdan dahil nawawala ako sa sarili ko. Pumasok na agad ako sa kwarto namin ni nanay. Ang pag- inom ng tubig kanina ay hindi ko nagawa. Nakalimutan ko na at mawala sa isip ko dahil sa mga halik ni sir John Wayne kanina. Dalawang parte ng katawan ko ang nahalikan niya ngayong araw. Ang aking pisngi at ang aking labi. . . Maaalala niya kaya ito bukas? Nakahiga na ako sa kama pero ang tanging nasa utak ko ang ay ang naging halik ni John Wayne sa akin. I don't know how I managed to sleep. Pero madaling araw na iyon kaya naman ay antok na antok ako kinabukasan. Alas singko pa lang ng umaga ay gising na kami. Kahit wala ang mga amo namin dito ay alerto pa rin kami palagi. Naligo na ako at kumain ng almusal. Nahihiya na akong magpakita kay sir John Wayne. I am peacefully eating my breakfast when my mother talk to me. “Nakahanda na ang breakfast ni sir John Wayne. Ihatid mo sa kwarto niya. Pagkatapos ay tsaka ka nalang pumunta sa rantso.” utos ni nanay sa akin. Kahit nahihiya man ay tumango ako. Wala akong karapatang magreklamo sa trabaho. “Opo, nay. Tapusin ko lang po 'to,” hinaplos ni nanay ang aking buhok at hinalikan ako sa noo bago ito umalis. Tinapos ko na ang aking pagkain. Kinuha ko na rin ang almusal ni sir John Wayne. His breakfast is avocado toast with a poached egg, a side of sliced cucumber and tomato, and a drizzle of olive oil. Isang orange juice naman ang drinks niya. Bitbit ang tray ay umakyat ako sa itaas. Kumatok na ako sa pinto niya. Kaya ko namang isang kamay lang ang paghawak sa tray. Tulog pa yata? Nakailang katok na ako at wala pa ring nagbubukas. Sa wakas ay bumukas na ang pintuan pagkatapos ng ilang katok ko. His hair is a bit messy. Wala na itong suot na damit. Pero ang pantalon na suot niya ay kagabi pa. Halatang nagising lang sa pagkatok ko. “Good morning po, sir John Wayne. Breakfast n'yo po,” Naaalala niya kaya na hinalikan niya ako kagabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD