CHAPTER 3
“Good morning. Please put it inside, Gracia. Thank you,” nilakihan nito ang pagkakabukas sa pinto para makapasok ako. Nang dumaan ako sa harap niya ay ang bango pa rin ng amoy niya kahit kakagising lang.
“Dito ko na lang po ba ilalagay, sir?” tanong ko sa kanya. Tinuro ko ang center table. Malaki itong master’s bedroom at may sariling sala sa loob. May walk in closet din at mayroong balcony na kita ang view ng batis sa likod.
“Yes, ilapag mo lang d’yan.” Maingat kong kinuha ang mga pagkain na nasa tray at nilapag iyon sa ibabaw ng center table. Nanginginig ang kamay ko at buti na lang hindi natapos ang orange juice.
Dala ang tray ay humarap ako sa kanya.
“Enjoy your breakfast po,” ngumiti ako sa kanya. ‘Diba kapag lasing wala ng maaalala kung ano ang ginawa nila bago sila matulog? Tama ba ako? 'Wag niya sanang maalala!
Lalagpasan ko na sana siya nang bigla nalang humawak ang kamay nito sa aking braso.
“Gracia, about last night. . .” sa sobrang kaba ko sa ginawa niyang paghawak ay lumayo ako na parang nakuryente. Napabitaw siya sa paghawak.
“Oh, I’m sorry. I didn’t mean to scare you.” paghingi nito ng paumanhin sa akin. Nakukuryente ako sa tuwing dumadampi ang balat niya sa akin.
“I just want to say sorry about last night. I was so stupid for doing that. . .” nilagay nito ang kamay sa likod ng batok na animo’y nahihiya sa akin. He remembered what he did last night.
“Nako, sir. Kung ano man po ang nangyari kagabi ay kalimutan na lang po natin. Isa pa po lasing po kayo.” Ayaw kong maging awkward kaming dalawa. Kapag ginawa kong malaking bagay iyon ay baka mailang ako sa kanya.
He slowly nodded. Tila pinproseso pa ang mga sinabi ko.
“And thank you for bringing me inside my room, Gracia. Baka sa kusina na ako nakatulog kagabi kapag wala ka.”
“Walang anuman po, sir. Alis na po ako. Enjoy your breakfast po.”
Tahimik akong lumabas sa kanyang kwarto.
Dahil nga pupunta ako ng rantso ngayon ay nagbihis na muna ako ng angkop na kasuotan. Nagsuot ako ng lumang maong na jeans, at isang long- sleeve na damit. Syempre hindi mawawala ang kulay itim kong boots.
Ilang lakad lang mula sa bahay ay nakarating na agad ako. Sa bawat mga trabahanteng nakakasalubong ko ay binabati ko sila. Kilala ako ng lahat dito dahil dito na ako lumaki.
“Ito na ang maganda na malapit ng maging guro!” I smiled at them. I am currently a 4th year student. Ilang semester na lang ay graduate na ako. Kaunti na lang.
“Magandang umaga po, Nay Selya!” kumaway ako sa kanya. Siya ang naglilinis ng kulungan ng mga baboy.
Kaya rin ako natutong sumakay ng kabayo dahil palagi akong nandito. Bata pa lang ako ay tinuturuan na nila ako.
“Magandang umaga po, Tay Tikboy!” bati ko. Siya ang isa sa mga nag- aalaga ng mga kabayo. Wala na itong buhok sa ulo. Malaki ang pangangatawan niya. Ang anak niyang lalaki na panganay ay classmate ko nung elementary kami. Ibang kurso ang kinuha niya sa college kaya minsan lang din kami magkita. Nagpapakain na siya ng damo sa isang kabayo na kulay itim na si Bantam. Isang lalaking kabayo.
“Magandang umaga, Maven! Hindi ko muna pinakain si Autumn kasi alam kong pupunta ka ngayon.” Masaya nitong sambit. Si Autumn ang kabayong paborito ko dahil malambing ito sa akin. Kulay puti ang balahibo nito.
Mahinahon din ito at mabilis lang na kausapin. Si Bantam kasi ay medyo aggressive.
Nang lumapit ako rito ay tinaas ko ang aking kamay upang himasin ang buhok nito.
“Hi! Namiss mo ba ako? Ilang araw akong hindi nakapunta rito.” kumuha ako ng damo at nilagay iyon sa tapat ng bibig niya. Mabilis niya naman itong kinain.
“Hindi ka ba pasaway kay Tay Tikboy?” ang bilis nitong naubos ang damong kinuha ko kaya kumuha ulit ako para ipakain sa kanya.
Ilalabas ko rin siya sa kulungan niya mamaya at ipapasyal ko. Sa likod ng rantso ay may malawak na bakanteng lupain doon na pwedeng ipasyal ang mga kabayo. Ang mga damo ay hindi lang hindi lalagpas sa tuhod mula sa lupa.
Doon ko siya madalas pinapasyal lalo na tuwing hapon dahil papalubog na ang araw. Hindi pa naman masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw ngayon kaya pwede ko pa siya ipasyal.
“Tay, hiramin ko muna itong si Autumn, ah? Doon lang kami sa likod.” Paalam ko pagtapos ko itong pakainin at painumin ng tubig. Pagmamay- ari rin iyon ng mga Hidalgo kaya pwede ko siyang ipasyal. Sa Barangay namin ay halos kalahati yata ng lupain ay pagmamay- ari ng mga Hidalgo.
“Sige, Maven. Ipasyal mo muna siya.”
Hawak ko lang ang tali ni Autumn habang palabas kami ng rantso. Sa likod na kami dadaan para mas malapit. Nang nasa tapat na kami ng gate ay doon na ako nagpasiyang sumakay sa likuran nito.
“’Wag malikot, ah? Sasakay na ako, Autumn.” Hinimas ko muna ang tiyan niya para kumalma siya.
“Maven!” napalingon ako sa direksiyon kung saan nanggaling ang tumawag sa akin. Si sir John Wayne. Tumatakbo ito papunta sa akin. Nakasuot din ito ng maong na may butas sa tuhod at boots naman ang suot niya sa baba. Ang init- init pero nakasuot siya ng itim na sleeveless?
Hindi na muna ako sumakay at hinintay ko siyang makarating sa tapat ko.
“Sir? Bakit po?” tanong ko rito.
“Can I join you?” natatakot akong dalawa kami ang sasakay kay Autumn. Hindi naman sa hindi kaya ng kabayo. Kaya lang ay wala akong tiwala sa sarili ko kahit sanay na sanay na akong sumakay ng kabayo.
“May ginagawa pa kasi si Tay Tikboy kaya sabi niya sa ‘yo na lang daw ako sumabay.” Dagdag pa nito. May tiwala si Tay Tikboy sa akin at alam niyang ligtas ito sa akin.
“Sige po, marunong po ba kayong umakyat at sumakay ng kabayo?” sanay naman si Autumn na may ibang taong sumasakay sa kanya. Nagagalit lang ito kapag malikot ang sumasakay sa likod niya.
“Actually, this is my first time riding a horse. Ako kasi ang sinasakyan. . .” kahit inosente ako ay alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. Nag- init din bigla ang aking tainga.
“I’m sorry. You are not used to that kind of words, aren’t you?” umiling agada ko. Ang dalawang kaibigan ko sa school ay tahimik lang din at tutok sa pag- aaral. Kaya ang mga ganitong pag- uusap ay hindi ako sanay. Ayaw na ayaw namin ng mga ganitong topic.
“Hindi po ako sanay, sir.” Nahihiyang sagot ko.
“I’ll take note of that, Gracia.” Nakangiting sagot nito. Tinaas niya ang kamay niya upang hawakan si Autumn pero nabitin iyon sa ere.
“Can I touch her?” I nodded. Tinuloy niya ang paghawak dito at hinaplos niya ang makapal at maputing balahibo nito. Walang naging reaksiyon si Autumn kaya pinapatuloy niya lang.
“Kunan ba kita ng isa pang kabayo? O ito na lang si Autumn ang sasakyan mo?” ang tangkad niya talaga. Sa tuwing nakikipag- usap ako ay kailangan pang nakatingala ako sa kanya.
“We’ll just share. You go first then I’ll follow you.”
Nauna akong sumakay sa ibabaw niya. Iniisip ko pa lang na magdidikit ang katawan naming dalawa ay kinakabahan na agad ako. Ilag na ilag ako sa mga lalaki. Kahit nga madikit ako ng kaunti sa jeep tapos katabi ko ay lalaki ay naiilang na agad ako. Wala pa akong nagiging boyfriend. May crush, hindi naman mawawala 'yon. Pero nakikita ko lang sa tv ang mga nagiging crush ko.
Mabilis lang ang naging pag- akyat niya. Hindi halatang first time niya dahil ang galing.
Hinawakan ko ng mahigpit ang tali. Nakadikit ang dibdib niya sa likuran ko.
“Okay lang po ba kayo d’yan, sir?” I have to make sure that he is safe.
“Yeah, I’m okay here.” Agad na sagot nito.
Sinimulan ko ng patakbuhin ang kabayo.
“Can I hold? I'm afraid I might fall. . .” tumango agad ako.
“Opo, sir!” ang sakit pa naman sa katawan kapag nalaglag sa kabayo. Nung mga unang beses ko ay ilang beses din akong nahulog kasi hindi pa ako sanay.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay nito sa aking magkabilang bewang. Doon siya kumapit. It looks like his hugging me in our position.
Sunod- sunod akong napalunok. Ano itong nararamdaman ko? Bakit parang may kuryente sa hawak niya? Hindi iyon gaanong mahigpit. Tamang- tama lang ang pagkakahawak niya.
“Sa amin pa ba 'to?” nakalabas na kami sa rantso.
Oo nga pala, first time niya pala rito.
“Yes, sir. Sa inyo po ito,” mahina lang ang pagpapatakbo ko para matingnan niya ng mabuti ang mga tanawin sa paligid. Kumakain din ng damo si Autumn kaya naman ay napapahinto siya sandali. Nagugutom pa ba 'to? Pinakain ko na 'to ng marami kanina, ah?
“Ang lawak pala,” kumento nito.
He's not aware of their properties. Sa dami siguro ay hindi na nito alam. Hindi rin biro ang yaman ng mga Hidalgo. Naalagaan nila ng mabuti ang yaman ng mga ninuno nila. Maybe they are blessed because of their attitude. Ang bait ng mga Hidalgo. Isa ako sa iskolar nila. Kaya wala rin akong babayaran sa tuition ko sa school. Marami nga ang nagsasabi na kapag pumasok ito sa politiko ay mananalo agad. Pero hindi yata nila gustong pasukin ang mundo ng politiko kaya wala pa kahit isang tumatakbo.
“Kung alam ko lang sana matagal na akong pumunta rito.”