CHAPTER 4
“'Yong dalawang kuya mo lang po ang madalas na nakakapunta rito tuwing summer, sir.” sagot ko rito.
Sino kaya ang kasama niyang uminom kahapon? Sa tingin ko ay wala naman siyang kakilala rito dahil baguhan siya.
Mabuti at alam niya ang mga lugar na pwedeng inuman dito? Pero malayo na iyon. Maybe for about 30 minutes. Papunta iyon sa paaralan namin. Limang minuto kung lalakarin mula sa paaralan. Isa siyang café sa umaga at bar naman ito sa tuwing gabi. Bawal yata minor doon.
Hindi pa ako kailanman nakapasok doon kahit ganito na ang edad ko. Hindi ko rin gusto ang mga ganoong lugar. Hindi ako kumportable.
Ang ilang mga kaklase ko ay mas pinipili nilang doon icelebrate ang birthday nila. Inaaya naman ako, pero tumatanggi ako. Ayaw din kasi akong payagan ni nanay na lumabas, lalo na tuwing gabi.
My friends also don't go out for a party. Mas pipiliin pa naming kaharap ang makakapal na libro sa isang araw kesa lumabas.
“Yeah. I'm such a busy man. Sa ibang properties ko pinipiling magbakasyon. You know I prefer going to be beach than being here in the farm.”
Inayos ko ang aking pagkakahawak sa tali ni Autumn.
“Walk, Autumn.” Bata pa lang ay sinasanay na namin silang kausapin. Kaya mabilis lang niyang naintindihan ang sinabi ko.
Kumakain pa rin kasi, pinakain naman ‘to kanina bago umalis. Sayang ang oras kung hindi ko malibot si sir John Wayne rito.
Mainit na mamaya kaya sana makabalik na kami kapag tumaas na ang sikat ng araw.
“Did you name her?” tumango ako. Kaya paborito ko rin ‘to kasi sa akin nanggaling ang pangalan.
“Gusto n’yo po bang turuan ko kayo kung paano mangabayo, sir?” maybe he is interested.
“Pwede naman. Ikaw ba ang magtuturo sa akin?” tumango ulit ako bago magsalita ulit.
“Opo, sir. Magaling po akong mangabayo. Magaling po akong sumakay.” Masiglang sabi ko. Excited lang akong turuan siya!
“Mukha ka ngang magaling sumakay. . . sumakay ng kabayo. Turuan mo ako sa susunod kung paano sumakay.” He cleared his throat.
“Can you make her run?” lumingon ako ng wala sa oras sa kanya. Minsan ko lang pinapatakbo ng mabilis si Autumn. Kapag nagmamadali lang kaming dalawa.
“Gusto n’yo po bang patakbuhin ko siya, sir?” nag- aalangang tanong ko rito. Kailangan kong mag double ingat kasi hindi lang ako ang mapapahamak kung sakaling sumablay man ako. Boss ko pa naman ang nasa likod ko.
“Yes, Gracia.” Determinado nitong sagot.
“Sige po. Kumapit po kayo ng mahigpit, sir.” Ang kamay nito ay yumakap na sa aking tiyan. Dahil maliit lang ako ay sinakop iyon ng mga kamay niya.
Kinabahan ako lalo. He is hugging me already.
Ginalaw ko ang tali ni Autumn at mahinang pinalo ang likod niya gamit ang aking kamay. Senyales na iyon para tumakbo siya. Nagsimulang tumakbo si Autumn. Lumilipad ng kaunti ang aking nakalugay na buhok dahil sa hangin. Ang sarap ng hangin sa bukid. Ibang- iba sa syudad. That's why I prefer here. Being surrounded with lots of tall trees than being surrounded by tall buildings.
Ang mga yakap ni sir John Wayne sa aking tiyan ay humigpit pa nang tumakbo ng mas mabilis si Autumn.
Laking gulat ko nang ang baba nito ay nakapatong na sa aking balikat. Hindi ako mapakali sa posisyon naming dalawa. Tinanggal niya ang isang kamay sa aking tiyan. Nagugulat ako sa mga sunod niyang ginawa dahil hindi ko inaasahan. Ang aking buhok ay sinakop niya at nilagay sa kanang bahagi ng aking balikat. Muli nitong binalik ang isang kamay, at binalik din nito ang baba sa aking balikat. Ngayon ay ramdam ko na ang paghinga nito dahil wala ng nakaharang na buhok doon.
Umikot lang kami. Sa daan ako nakatingin, pero ang isip ko ay sinasakop ni sir John Wayne.
Why am I allowing him to hug me? Niyayakap niya ba ako? Baka kumakapit lang siya dahil natatakot siyang mahulog.
Tumigil kami sa isang puno. Pinili kong dito kami tumigil para makapagpahinga na rin. Pwede kaming sumilong sa ilalim ng puno. Kahit hindi naman ako ang tumakbo ay mas hiningal pa ako kay Autumn.
Kahit tumigil na kami ay ganoon pa rin ang posisyon ni sir John Wayne. Hindi ito gumagalaw. Teka. . . natatakot ba siya?
“S- sir? Okay lang po ba kayo d’yan?” nag- aalalang tanong ko. Hindi ko magalaw ang ulo ko dahil malapit lang siya.
“Oh, I’m okay. Should we stay here first?” unti- unti nitong niluwagan ang pagkakayakap sa akin at nilayo niya ang sarili.
“Opo, magpapahinga lang po saglit si Autumn. Tapos pwede na po tayong bumalik sa loob ng rantso dahil mainit na po.”
Nauna itong bumaba sa akin. Syempre sanay na akong bumaba ng kabayo. But he offered his hands to me. Nahihiya akong hindi tanggapin nang iabot niya ang kamay niya.
“Thank you po,” I held his hand. Inalalayan niya akong bumaba. Ang lambot ng mga kamay niya. Nahiya ako na puro kalyo ang mga kamay. Mas babae pang hawakan ang kamay nito kesa sa akin.
Tinali ko na muna si Autumn sa katawan ng puno. May kaunting damo na naroon kaya kumakain na naman ito. Nakatayo lang kaming dalawa ni sir John Wayne at pinapanood siya.
“Nag- aaral ka pa ba, Gracia?” biglang tanong nito. Nasa loob ng dalawang bulsa niya ang kamay habang kinakausap ako.
“Opo, sir. Nasa 4th year college na po ako ngayon.” Malayo na sa aming dalawa si Autumn dahil palakad- lakad na ito.
“Do you have a boyfriend?” ilang beses akong sunod- sunod na umiling dito.
“Wala po, sir. Hindi pa po ako nagkakaroon ng boyfriend dahil magagalit po si nanay.” Bukod sa magagalit si nanay ay hindi ko pa nakikita ang lalaking para sa akin. Sabi nila kapag nakapagtapos ka ng pag- aaral at may trabaho kana doon na susulpot ang mga lalaki. Tsaka, wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Masasabi naming nasa tamang edad na ako para mag- boyfriend. But it’s my choice to not have.
Sa panahon ngayon, wala ng matinong mga lalaki. Kaya ang hirap ibigay ang tiwala. Parang lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan.
“You never tried? So, that was your first kiss? I am your first kiss, Gracia?” sunod- sunod na tanong niya. Nandito na naman kaming dalawa sa pinakainiiwasan kong topic.
“Opo, sir. Ikaw po ang unang lalaking nakahalik sa akin.” Iniwas ko ang tingin ko dahil nahihiya ako. Kanina ay nasa gilid ko lang siya, ngayon ay nasa harapan ko na.
“Wow, am I a good kisser? Am I worth it for your first kiss, Gracia?”
Good kisser? Paano ko masasabi? I couldn’t compare it. Pero aaminin ko. Masarap ang halik niya. Ang lambot ng mga labi.
“Opo, sir. Magaling po kayong humalik.” Napapikit ito at napatingala. Nakita kong namumula na ang leeg niya. Kitang- kita ko kung paano namula ang balat niya dahil sa init kanina.
“Really? Magaling akong humalik? Is it good? Masarap ba?” bakit kailangan pa niyang itanong sa akin ang mga bagay na ito? Feeling ko mukha na akong kamatis ngayon sa sobrang pula na ng mukha ko. Hindi na ito dahil pa sa init, dahil na ‘to sa kahihiyan ko. Hiyang- hiya na ako sa mga tanong niya.
“f*****g s**t. Calm down, man.” Bulong nito sa sarili pero rinig na rinig ko pa rin naman. Ilang beses nitong ginulo ang buhok niya na parang nainis. Galit ba siya? Ginalit ko ba?
“If I kiss you right now, magagalit ka ba sa akin?”