CHAPTER 51 “Balak ko na ngang sundan itong si Azrael, Ben. Ano sa tingin mo, Gracia?” Lumagapak ang kamay ko sa braso niya. Natawa doon si Benedict. “Kung ano- ano na lang ang mga pinagsasabi n'yo, sir.” natawa ito kasabay ni Benedict. "Basted ka agad, sir! Wala munang pangalawa na magaganap ngayon.” Hindi pa nga klaro kung anong meron sa ating dalawa gusto n'yo na agad sundan si Azrael. “Samahan ko na kayo, Gracia. Para may magbabantay kay Azrael kapag bibili ka.” Isang maulan na umaga pero kailangan kong lumabas dahil nauubusan na ang mga paninda ko. Ipagpabukas ko na lang sana kaso ubos na ang mga paninda ko at sayang naman ang kita kung hindi ako bibili. Hindi ako makatanggi kay sir John Wayne dahil kapag sasama ako sa kanya ay mas mapapadali ang lahat. Naging matiwasay an

