“Keiran, pwede ba! Tigilan mo na ang pag tawag sakin ng Bela! Hindi sabi ako si Bela!” galit kong sabi sakaniya ng pwerahan ko siyang itinulak kaya agad akong tumayo mula sa pagkakahiga niya sakin sa kama. “P-pumunta lang ako dito para sabihin sayong hinahanap ka ng asawa mo! Aalis na ako!” saad ko pa at hindi pa man ako nakakahakbang pagtalikod ko ay nahawakan na niya ang kamay ko. “I’m sorry… pero, pero kung Vea ba ang itatawag ko sayo at kakalimutan si Bela… lalayo ka pa rin ba sakin?” tanong niya na ikinatigil ko. “Please, pangako… hindi na kita tatawaging Bela… basta wag mo lang akong iiwasan” pakiusap pa niya Humarap ako sakaniya at inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko at para akong sinakal nang makita ko ang luha sa mata niya “May asawa ka, Keiran. Hindi ba’t

