Nagpatulong ako sa isang staff ng motel na nakita ko malapit lang sa bar nila Drake, at ng mabigyan kami ng kuwarto ay pinabuhat ko sa staff si Keiran para dalhin ito doon, nag paabot rin ako ng tip dahil hindi rin biro ang bigat ni Keiran. Nang maayos na siyang nakahiga ay kinumutan ko siya, pag tapos ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa edge ng kama at akma na sana akong maglalakad palabas ay napahinto ako ng hawakan ni Keiran ang kamay ko. “Bela…” mahina niyang sambit sa pangalan ko at ng humarap ako ay sabay naman ang bitaw niya sa kamay ko at muli na siyang nakatulog kaya lumabas na ako ng kuwarto at ng motel na iyon. Aad kong minaneho ang sasakyan ko pauwi at ng makauwi ako ay sinilip ko si Isaac sa kuwarto niya na mahimbing na ang tulog. Pumasok ako ng dahan dahan at pinagmasdan a

