Kabanata XXIX

1756 Words

Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksiyon nang makita sila. May parte sa akin ang nakaramdam ng hiya dahil sa aking ginawa, ngunit nagpasya ako na iisang tabi muna iyon sapagkat may mas mahalaga akong kailangang gawin. “Hindi mo na mapipigilan ang nakatakdang digmaan, bata, kung kaya’t umalis ka riyan kung ayaw mong maunang pumanaw!” ang malakas na sigaw naman ni Haring Cyrus. Akmang magsasalita na ako nang mapansin ko rin ang pagdating ni Ama, sa likod niya ay ang ilan sa mga diwatang kawal mula sa aming kaharian. Kasalukuyan silang nasa himpapawid at sakay ng mga kulay puting kabayo na may pakpak. Muli kong napansin ang gulat na rumehistro sa ekspresyon ng dalawang hari na tila ba ay naguguluhan na ngayon dahil sa nangyayari. “Ama, itigil mo na ito!” ang umiiyak naman na si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD