Kabanata XXX

1677 Words

Pagkarating namin sa aming kaharian ay agad kong isinama sa aking silid sina Nox at Siria, nais kong ipakita sa kanila ang lugar kung saan ako lumaki at nagka-isip. At bukod doon ay nais ko rin silang makausap ng masinsinan, upang malaman ang kanilang dahilan kung bakit nila nagawa iyon, at para na rin makahingi akong muli ng tawad sa maling bagay na aking ginawa. “Nakamamangha ang inyong kaharian, Elex, sadyang napakaganda!” malawak ang ngiting saad ni Siria habang iginagala ang kanyang paningin sa paligid ng aking silid. “Maraming salamat, Siria, nais ko rin sanang makita sa mga susunod na araw ang inyong mga kaharian, iyon ay kung bibigyan niyo ako ng pahintulot,” mababa ang boses na sagot ko habang nakangiti. “Bukas ang aming mga kaharian sa kahit na anong oras mo nanaising mamasyal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD