Kasalukuyan akong nakaupo sa isang silya sa loob ng aking silid at matamang nakatanaw sa ilabas ng bintana, tahimik man kaming dalawa ni Niyebe ay hindi pa rin nawawala sa aking kaloob looban ang saya habang pinapanuod ang ulan at ang masayang pagsasayaw ng ilang mga diwata sa ilalim nito. Ilang sandali lang ay napalingon ako kay Niyebe na nakatingin din sa labas ng bintana at matamang pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng tubig ulan, napangiti ako at marahan kong hinaplos ang kanyang maliit na katawan. Napalingon naman siya sa akin na parang may halong pagtataka nang gawin ko iyon. “Sa tingin ko ay napasalamatan ko na ang halos lahat ng tumulong sa akin sa ating naging paglalakbay, Niyebe, ngunit hindi ko natatandaang nagpasalamat na ako sa ‘yo,” napangiti siya sa aking sinabi. “Hindi mo

