Kabanata XXXIII

2136 Words

Kinagabihan ay hindi ako agad na dinalaw ng antok dahil sa mga napag-usapan namin ni Ama. Hindi ko talaga maiwasan ang aking sarili na makaramdam ng kaba ngunit sinusubukan kong tibayan at lakasan ang aking loob. Nagtitiwala sila sa akin, kung kaya’t alam ko na kailangan ko ring magtiwala sa aking sarili. At isa pa, sinabi naman ni Ama na gagabayan at tutulungan niya ako kapag ako na ang hari sa aming kaharian. Ibibigay daw niya ang lahat ng tulong na kaya niyang ibigay at ituturo niya sa akin ang lahat ng kailangan kong matutuhan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan pa rin ako gayong marami naman ang nakasuporta sa akin sa pasya na kanyang ginawa. Binanggit ko rin kay Ama na balak kong bumaba upang puntahan at pasyalan ang kaharian ng aking dalawang mga kaibigan, sina Nox

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD