Habang naglalakad papasok sa kaharian nina Siria ay iginala ko ang aking paningin sa ka-buo-an ng lugar. Napakaganda at napakalinis. Hindi rin nakawala sa aking paningin ang ngiti ng bawan diwatang naninirahan dito. Kagaya ng mga diwata at nilalang na nasa aming kaharian ay mukha silang masaya at tila ba wala na ang pangambang nararamdaman nila sa kanilang mga puso. Ang bawat mga diwatang madadaanan naman namin ay marahang yumuyuko sa akin na tila ba nagbibigay ng galang. Hindi ko mawari kung bakit at paano nila ako nakilala gayong batid ko na ngayon pa lamang nila ako nakita. Gano’n pa man ay ngumingiti na lamang ako upang ibalik sa kanila ang mainit na pagtanggap at pagbati sa akin. Bago kami pumasok ni Niyebe at sinundan ang diwatang kawal ay sinabi ko sa kaibigan naming Ligaya na ma

