Hindi ko na matandaan kung gaano kami nagtagal ni Siria na panuorin ang Kalpa na tila ba nagpapakitang gilas sa amin, bago kami nagpasya na hayaan na ang magandang nilalang na bumalik sa tahanan nito upang makapagpahinga na. Sa natatandaan ko ay mababangis na nilalang ang mga Kalpa, ngunit nagawa silang paamuin nina Siria, tunay nga na kung itatrato mo ng mabuti ang kahit na sino ay magiging maganda rin ang trato nila pabalik sa ‘yo. At ang magandang relasyon ni Siria sa mga nilalang na ito ay ang patunay roon. Ilang saglit lang ay nagpasya na kaming magtungo sa kaharian ni Nox, agad naman siyang sumang ayon sa aking pakay. Binilinan niya ang kanyang nasasakupan na pangalagaan muna ang kanilang kaharian, lalo na ang mga diwatang naninirahan mismo sa loob ng kanilang palasyo. Nang lumaba

