Gabi na nang makabalik kami ni Niyebe sa aming kaharian. Bahagya pa kaming nagtagal sa kaharian nina Nox sapagkat napakarami naming napag-usapan, mga balak at plano kung paano namin mapapatibay ang pagkakaisa ng tatlong kaharian. Nagsimula iyon sa balak ko na magtanim ng puno sa kagubatan ng Majica, ang sinabi ni Siria ay uutusan niya ang ibang nilalang ng tubig na magpa-abot ng mensahe sa mga iba pang nilalang ng tubig na naninirahan sa kagubatan ng Majica. Titiyakin din daw niya na maaabot ng mensaheng iyon si Magandara, ang diwata ng tubig upang siya’y makatulong din. Natuwa naman ako sa kanyang sinabi sapagkat magiging madali para sa amin ang pasyang ito. Sinabi naman ni Nox na siya na ang uutos sa lupa na pabilisin ang pagpapalaki sa mga punong maitatanim. Mainam ang pasyang iyon d

