Kabanata XVI

2042 Words

Maganda ang aking gising nang sumunod na araw. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi sa ideyang nakakagamit na ako ng kapangyarihang tubig. Ang akala ko nga ay tuloy pa rin kagabi ang pag-eensayo namin ni Gurong Ambroz ngunit sinabi niya sa akin na magpahinga na muna ako, na sapat na sa gabing iyon ang aking natutuhan at sa araw na ito ay tutulungan naman niya ako kung paano ko magagawang gamitin ang kapangyarihan ng iba pang elemento. Nabanggit niya na magagawa ko na rin daw utusan ang kapangyarihan ng tatlo pang elemento ngunit hindi ko pa iyon nasusubukan. Kaya naman lubos akong nagagalak sa aking paggising. “Magandang umaga, Elex, mukhang maganda ang iyong gising,” nakangiting saad ni Siria pagkalabas ko ng silid kung saan kami nagpalipas ng gabi. Naabutan ko siya, kasama sina Nox,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD