bc

A Blessing from a Stranger

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
manipulative
drama
realistic earth
betrayal
lies
rejected
secrets
intersex
addiction
like
intro-logo
Blurb

There is a younger woman named Patricia who came from a far away province that underwent a toughest tragedy on her life where all her families were died by the unfair situation that started from her father who got involved in a robbery case and received a gunshot that resulted of his death up to her mother and siblings who burnt out from a fire that led her to raise in a DSWD. When she reached the age of 18, she departed together with her friend Halina from DSWD. Now, she is trying to live by herself despite of her huge fear on how to live in an unfamiliar place of Manila. Within a years after, she is now a high school student and trying to have a part time work but still, struggling in a small wage. There are still some people that continuously provoking her that ends up of being a jobless again.Then here is her friend Halina, to offer a rescue when she convinced her to become part of her job as an Escort Girl. In this way, she would gonna meet Mr. Fernandez, a Business Tycoon. He will going to help Patricia to have a descent job on one of his famous company even she still hasn’t a degree yet just to make a better income to continue to support her study and to leave her job as an Escort Girl. In working under the company of Mr. Fernandez is not easy as it is,Patricia will gonna face a more conflicts within her co-workmates due to envious then she will gonna meet along the way of another man named Mr. Carpio. Mr. Carpio will trying to be closed to Patricia that ends up to make her in loved with him and it wound happen on the later part of the story. But there is a big secret that will going to discover of Patricia that this man is a fake and a great pretender. He is just uses her to know the weakest part of Mr. Fernandez and he has a big plan to turn him down together of his beloved company. Patricia has realized that rejecting Mr. Fernandez for Mr. Carpio is her big mistake and she truly knows that Mr. Fernandez is a truly sincere man than Mr. Carpio so she has decided to breaking up with him and to reveal all her discovers to Mr. Fernandez but here’s Mr. Carpio. He will going to threaten her life up to death and putting her in a huge shameful situation by using her past from her background to DSWD including her past job as an escort girl before to keep her mouth shut and to continuously manipulate her to continue his plan. At the end of the story, Halina will be recued to help Patricia in result of her death then Mr.Carpio will be imprisoned. Patricia and Mr.Fernandez will be married then they both live a happily everafter.

chap-preview
Free preview
A Blessing from a Stranger
KABANATA 1 ( Serbitera) “Ano ba naman yan? buwisit na buhay ito ah, kanina pa ako nag-order wala pa rin yung inorder kong noodles! ganoon ba kahirap lutuin yan! " sigaw ng isang babaeng may katandaan na. Siya ay nakaupo malapit sa pintuan ng isang simpleng kainan. Ito ay matatagpuan sa Quiapo,ang pinakasikat na puntahan ng mga mamimili at mga negosyanteng mahilig mamuhunan ng bagsakang presyo. “Hoy! Patricia, bilisan mo’t iabot mona itong inorder ng matandang iyon. Ayun na naman at nagsimula na namang gumawa ng eksena hays! pagkaminamalas ang buhay na ito oh! baka kapag nagtagal pa yan dito eh wala ng pumasok na kostomer natin, "sita naman ni Aling Prina kaagad sa waitress niya na si Patricia habang aligaga naman ito sa paglilinis ng isang lamesa na malapit sa kanilang counter at nagmamadaling madala ang isang mabigat na plangganang puno ng kanyang mga nalikom na plato at baso patungo sa hugasan sa loob ng kusina. “Opo, sandali lang at ilalagay ko lang po ito sa kusina,” humahangos na sabi ni Patricia kay Aling Prina. “Hay naku! ang bagal bagal! hala Bentong, ikaw na nga mag-abot ng order na ito dun sa matandang iyon sa duluhan. Tutal, wala ka pa naman ginagawa jan sa counter. Maging multi-tasker muna tayo ngayon dahil maraming absent sa mga kasama ninyo. Monday na Monday abah! kapag ako nanggigil, tatanggalin ko na lang sila lahat!" angil ni Aling Prina habang inaayos ang pagkasunod-sunod ng mga order sa isang mahabang counter. “Opo, nandyan na,” sambit naman ni Bentong at dali-dali ng dumiretso ito sa kanya. Sa pagmamadali ni Patricia na madala ang isang mabigat na planggana na puno ng mga nagamit na, hindi niya napansin ang isang basang sahig malapit sa pintuan ng kusina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natapakan niya iyon at siya ay nadulas pabagsak dito sabay tilapon ng kanyang hawak-hawak na malaking planggana .Lahat ng laman niyon ay tumilapon sa sahig. Lahat ay nabasag maliban dun sa mga stainless na kutsara at tinidor na kumalat din sa sahig. “Naku po! aray ahhh! " sigaw ng pabigla ni Patricia nang bumagsak siya sa sahig at namimilipit sa sakit habang nakahawak siya sa kanyang kaliwang tadyang . “Ay susmaryosep kopo! ang tanga mo namang bata ka! tingnan mo kung ano ang ginawa mo! binasag mo ang mga gamit ko! sige nga, paano mo babayaran lahat ng iyan aber?! hala sige tumayo kana jan at linisan mo lahat ng kalat na ginawa mo dahil sa ginawa mo wala ka ng trabaho! ito na ang huling araw mo dito!” Padabog ang ginawa ni Aling Prina patungo kay Patricia habang nagsisigaw ng masaksihan niya ang nangyaring iyon. “ Hala ma'am ! huwag naman po, maawa po kayo sakin. Hindi ko naman po sinasadya na mangyari iyon. Aksidente lang po ang lahat ng iyon. Maawa po kayo sakin? kahit magtrabaho na lang ako dito sa loob ng isang buwan na walang bayad ok lang po. Mabayaran ko lang yung halaga ng mga gamit na nabasag ko ok lang po sakin. Huwag ninyo lang po ako paalisin ma’am.. Maawa na po kayo sa akin.. Huhuhuhu. " Pagmamakaawa naman niya na nakaluhod sa paanan ni Aling Prina habang nakahawak sa kanyang sumasakit pa rin na balakang. “Aba! huwag kana magdrama diyan at tumayo kana. Magsimula ka ng magligpit sa mga nabasag mo! mahirap ng magtiwala ulit sa iyo, baka sa susunod pa niyan ay mabasag muna lahat ng mga gamit ko sa kusina hays! oh sige ganito na lang, yung huli mo ng sinahod ngayong buwan na ito ang magiging bayad mo doon sa mga nabasag mo! wala ka ng matatanggap na sahod ! “ angil pa rin na pagmamatigas ni Aling Prina sa nagmamakaawa na si Patricia na nakasalampak pa rin sa sahig at sinimulan ng pulutin nito lahat ng mga nakakalat na basag na parte ng plato at baso sa sahig. “Ma’am please? Maawa naman po kayo sa akin huhuhu. Wala na po akong maipambabayad sa upa ko. Ako lang po ang mag-isa ang naninirahan dito sa Manila. Wala po akong kamag-anak dito. Mahirap din po makahanap ng trabaho kaagad, ” pagmamakaawa ni Patricia sa kausap.“ Wala akong pakialam! kung tumira kaman sa lansangan wala akong pakialam! hala siya! lumayas kana sa kainan ko at baka todo pa malasin ang negosyo ko!” huling pagkasabi ni Aling Prina sabay alis niya patungo sa kanyang kusina at iniwang nanlulumo si Patricia sa sahig. KABANATA 2 (Ang Pighati Ng Nakaraan) Ito ang buhay ko. Kayod kalabaw sa sarili kong sikap para lang makasurvive sa buhay. Paano na kaya ngayon? wala na naman akong trabaho? hays. Malas ba talaga ako? paano na ako mabubuhay niyan? ako nga pala si Patricia Mendez na isang high school student na wala ng ibang inaasahan sa buhay kundi mismo ang sarili ko. Nakatira ako noon sa malayong probinsya ng Zambales. Mahirap ang buhay namin noong naroroon pa ako. Nagsimulang magbago ang aking buhay noong namatay ang aking ama pagkatapos ko makagraduate sa elementarya dahil napagkamalan siyang magnanakaw ng ilang mga pulis. Ang sabi raw ng tindera na nakakita ng pangyayari, tahimik lang siyang umiinom ng alak sa tapat ng kanilang tindahan isang dapit hapon ng biglang may nagtapon sa kanya galing sa isang estrangherong lalaki ng isang bag na maliit na kulay itim na dumaan lang sa kanyang harapan at humahangos ito ng takbo palayo sa kanya. Sa kanyang pagtataka ay bubuksan na sana niya ang bag na iyon ng narinig niya sa di kalayuan na may nagsisigaw ng“ Magnanakaw! magnanakaw! ayun ang magnanakaw pigilan ninyo siya!” sabi ng isang babaeng humahangos nang takbo papunta sa kanya kasabay ng dalawang pulis. Sa pagkataranta ng aking ama ay napatakbo na rin ito para lang maiwasan ang isang posibilidad na maaari siang masangkot sa kaso ng pagnanakaw. Gumigewang siya habang tumatakbo palayo sa naturang tindahan dala ng kanyang kalasingan subalit hindi niya inalintana iyon dahil sa labis na takot. Biglang huminto sa tapat ng tindahan ang babaeng may katabaan na humahabol sa kanya kasama ng dalawa pang pulis. Bigla namang sumigaw ang isang lalaking pulis ng, ”Tigil! “ Sabay putok ng baril nito na nakaturo sa langit subalit hindi pa rin tumigil sa pagtakbo ang aking ama. Mas lalo pa niyang binilisan sa pagtakbo dahil sa nag-uumapaw na takot at nerbiyos na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. ”Ayaw mong tumigil ah!” sigaw naman ng isa pang pulis na katabi nito itinutok sa aking ama ang kanyang hawak na baril at kinalabit nya ang gatilya niyon saka tinamaan ng bala ang kaliwang paa nito. Napabagsak ito sa lupa dahil sa kanyang natamong pinsala. Biglang sumugod ang dalawang police at ang kasama nilang babae sa pwesto mismo na binagsakan ng aking ama sa lupa. Wala na itong malay ng kanila itong naabutan saka duguan na ang kanyang ulo bunga ng pagkakahampas nito sa malaking bato na malapit lang banda sa kanyang ulunan. Ang batong iyon ay may bahid din ng dugo at patuloy na nagdurugo ang kanyang ulo.Ito’y kwento naman ng ilang mga chismosang nakasaksi sa nangyari. Nalaman nalang namin ang nangyari sa aking ama ng pinatawag kami para magpunta sa malapit na hospital samin kung saan siya dinala.Naabutan nalang namin siya sa morge na kasama ko na ang aking ina. “Ah! Anong nagyari sayo Goryo! Ahhh! Bakit naman po ito nangyari sa kanya oh Diyos ko po ahhh! huhhuhuhu.. Paano na kami ngayon ng mga anak mo? Mga bata pa sila, paano na kami mabubuhay ngayon? Goryo! Gumising ka jan! Huwag mo kaming iwanan ng ganito kaaga huhuhu,” hagulgol ng aking ina ng makita niya ang bangkay ng aking ama. Labis na nabigla at sobrang humagulgol ito ng maabutan namin na isa na siyang malamig na bangkay na nakaratay sa loob ng morge kasama ng ilang mga patay na naroroon na may nakatalukbong na puting mga kumot. Halos magwala ang aking ina sa loob ng morge kung kaya’t ako na lang ang umalo sa kanya para kahit na papano'y mapagkuhanan niya ng lakas. Nasaktan din ako sa pangyayaring iyon. Parang namatay na lang ang aking ama na hindi niya nakamtan ang hustisya. Isa sa mga bagay na napakasakit sa akin na pilit kong kinakalimutan sa aking memorya. Nahirapan kami sa proseso ng paglilibing at halos nawala lahat ng mga natirang ari arian na naipundar ng aking mga magulang para lang maipalibing ang aking ama. Hindi man kasing mamahal at maraming ari-arian na iyong inaakala subalit ang aking tinutukoy ay ang maliit na loteng sinasakahan ng aking mga magulang ay nagawa na naming maibenta para may pantustos din kami sa araw-araw bukod sa gastos na inayos namin sa pagpapalibing ng aking ama. Grade 6 lang ang tinapos ng aking ina at lima pa kaming magkakapatid.Ngayon ay sobrang depresyon na ang kanyang pinagdadaan sa pag-aalala na kung papaano na ba kami mabubuhay sa araw araw nito. Wala na siyang ibang alam na trabaho kundi ang magsaka ng aming palayan na ngayon ay amin ng naibenta. Napagdesisyunan ko noon na magtrabaho na lang sa palengke sa mura kong edad imbis na ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa sekondarya dahil wala na rin kaming sapat na pera. Ito'y sidhi ng matindi naming pangangailangan para lang kahit na papaano'y makatulong ako sa gastusin ng aming pamilya habang ang aking ina ay tumatanggap ng iba’t ibang mga labada at nagtitinda ng kung anu-ano sa tapat ng aming tahanan habang inaalagaan niya ang apat ko pang mga kapatid. Kahit na may nakukuha akong sahod mula sa aking pagbebenta sa palengke at naipon galing sa aking ina mula sa kanyang paglalabada at pagbebenta ng gulay o kung anu-ano pa ay hindi sumasapat sa pagkain namin sa araw-araw. Lalo pa’t madalas na rin nakakaranas ng pagkakasakit ang ilan sa aking mga kapatid. Dumating sa isang pangyayari na ang aking ina ay hindi na nakayanan ang kaniyang depresyon. Kapag nasa bahay ako minsan, napapansin ko siyang nakatulala sa isang sulok o malayo ang kanyang tinitingnan at hindi na niya nagagampanan ng maayos ang pag-aalaga niya sa aking mga kapatid. Dumating sa punto na naabutan ko siyang nakatingin lang sa labas ng bintana ng kanyang kwarto na nakatulala habang dinuduyan niya si bito'y na bunso kong kapatid. Sakto, katanghalian na ng mga oras na iyon kung kaya't yayayain ko na sana siya para kumain subalit naabutan ko ng malalaglag ang aking bunsong kapatid mula sa pagkakatayo nito sa kanyang duyan. Kaya napasigaw ako bigla ng.. “ Ma! Si Bitoy malalaglag na!” Hindi nga ako nagkamali. Tuluyan na ngang nalaglag sa sahig ang siyam na buwan kong kapatid at buti nalang naagapan ko iyon kaagad. Napaslide ko ang aking katawan sa ilalim ng duyan para lang saluhin ito na nalaglag na. Napabagsak pa rin sya sa aking tiyan ng umiyak na ito ng sobrang lakas na naging daan para matauhan ang aking ina mula sa kanyang pagkatulala. “Anak, patawad hindi ko sinasadya .. Ano ba itong nagawa ko? Patawad anak ko..Hayaan mo sa susunod hindi na ito mauulit pa,” tanging sambit nalang nito habang yakap-yakap niya si Bitoy ng mahigpit at nagsimula na rin siyang umiyak. Ito’y ilan lamang sa mga ala-ala na naroroon parin sa aking isip na naging bahagi ng nakaraan ko sa pagtira ko pa noon sa Zambales. Habang tumatagal ay palala nang palala iyon kung kaya't humingi na ako ng tulong sa ilan kong mga kamag-anak. Ang ilan sa kanila ay natulungan naman kami. Madalas sila magbigay ng suportang pagkain sa aming tahanan para lang may pagkain kaming magkakapatid sa araw araw. Subalit iyon ay hindi nagtagal. Umabot lamang iyon ng ilang buwan at ang ilan sa kanila ay tumatanggi ng magbigay ng suportang pagkain sa kadahilanan na sila rin ay naghihikahos sa pambili ng pagkain. Humingi muli ako ng tulong sa kanila para sa aking ina na kung pwede ba nila ipagamot siya dahil halos hindi na ito makausap ng matino.Madalas ay nasa kwarto na lamang siya at kinakausap ang kanyang sarili mag-isa. Lahat sila ay umiiwas na at pare-parehas nilang dinadahilan na wala silang sapat na pera para ipagpagamot sa kanya. Lahat ng nangyayari ngayon sa aming pamilya ay dinadalangin ko na lang sa panginoon na sana ay malagpasan namin ang matinding pagsubok sa araw-araw lalo na sa lumalalang kondisyon ng aming ina. Isang araw, “Ma,halika na sa labas kailangan mo rin masikatan ng araw oh..Parati kanalang na nandyan sa loob ng kwarto mo ..Ayaw mo bang makipagkwentuhan sa mga kumare mo jan sa labas para naman po hindi kana naboboring jan? Halika na ma oh, "pagtawag ko ng pansin sa aking ina pagkapasok ko sa kanyang kwarto at napansin ko na parang may kinakausap siya sa isang sulok ng dingding at iniikot-ikot niya ang dulo ng kanyang buhok gamit ang kaliwang kamay niya. Sobrang gulo na rin ng kanyang buhok at parang halos ilang araw na rin itong hindi naliligo dahil iba na ang amoy ng kanyang kwarto. Wala pa ako gaanong alam noon sa totoong kondisyon ng aking ina . Sa edad na kinse ay iniisip ko pa na ang kanyang sakit ay para lamang isang lagnat na kayang gamutin kung iinuman lang iyon ng gamot sa isang araw at bukas ay maaari ng mawala. Walang bakas na pagtugon ito sa aking pagyaya kung kaya’t hinayaan ko nalang na manatili siya sa kanyang kwarto ng mga oras na iyon. Hindi naman siya nananakit subalit ang aking mga kapatid ay natatakot ng lumapit dito kung kaya't kapag ako’y pupunta na ng palengke para magtrabaho, pinagbibilinan ko nalang ang pangalawa kong kapatid na babae na nasa katorse, na alagaan na lang niyang maigi muna ang tatlo pa naming mga kapatid dahil sa kondisyon ng aming ina. "Ate, huwag kang mag-alala. Nandito lang ako at magtutulungan tayong magkakapatid para sa ating pamilya," sabi na lang ng kapatid ko bago ako umalis. Mabuti nalang at mabait pa rin ang katabi naming kapitbahay dahil patuloy parin itong nagbibigay ng tulong. Isang araw, hindi ko naisip na iyon na pala ang huling araw na makikita ko sila. Abala ako noon sa pag aayos ng mga gulay sa palengke at pagharap sa mga bumibili ng gulay sa aming pwesto ng bigla may tumatakbong lalaki na panay ang tawag sa pangalan ko palapit sa akin. “Patricia! Patricia ! dalian mo’t umuwi ka muna sa atin ngayon! May nangyari sa bahay ninyo, ” pagtawag ng pansin ng aming kapitbahay na si Melton habang humahangos na para bang nag-uunahan ang kanyang dibdib sa kanyang paghinga ng makarating na ito sa aking pwesto. “Anung ibig mong sabihin?!”pagtataka na tanong ko sa kanya. “Ang bahay ninyo kasalukuyan ng nasusunog, "muling banggit ni Melton sa akin. “Huh?! Anong sinabi mo ?? Panong nangyari iyon? ” tanging saad kona lang na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig at rumagasa na ang matinding pag-aalala ko sa aking dibdib ng marinig ko ang masamang balitang iyon.Agad agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa aming tahanan ng hindi kona nagawa pang magpaalam sa may-ari ng tindahan. Sobrang tindi ng takot na nararamadaman ko ng mga oras na iyon dahil iniisip ko ang kapakanan ng mga kapatid at ng ina ko sa loob ng aming bahay. Patuloy akong nagdadasal ng mahina sa Diyos na sana ay ok lang sila, ligtas at kung sino ba ang pwedeng gumawa ng ganoong karumal dumal na krimen sa amin. “Oh Diyos kopo. Maawa po kayo samin. Sana naman po ok ang mga kapatid at ang ina ko oh Diyos ko po..Iligtas mo po sila, ” paulit ulit kong dinadasal ng mahina sa aking sarili habang patungo ako sa aming tahanan. Nang makarating ako sa aming lugar, halos napakarami ng tao sa isang gilid ng kalsada at sila'y mga nag-uumpukan. May bumbero na nag-aapula ng apoy dun mismo sa pwesto ng aming bahay. Maraming gamit ang nakalabas sa kalsada at kung susumahin ay mga tatlong bahay ang natupok sa apoy.Halos wala ng natira sa bahay namin. Agad ko namang pinaghahanap ang mga kapatid at ang ina ko sa mga tao na naroroon subalit hindi ko sila matagpuan. Marami akong pinagtanungan subalit ang sinasabi nila ay halos pare-parehas lang na baka naiwan daw sila sa loob ng bahay habang nasusunog iyon na isang bagay naman na hindi ko mapaniwalaan. Nilapitan ko ang mga bumbero at nakiusap ako na kung pwede ba ako makapasok sa loob o maghanap pa sila sa loob baka may maligtas pa sila na mga buhay sa aming bahay dahil hindi ko matagpuan kung saan naroroon ang mga kapatid at ang aking ina. “ Sir! Sir please po tulungan ninyo po ako ..Hindi ko makita ang mga kapatid ko at ang aking ina pakihanap naman po sila sa loob baka pwede pa silang maligtas..Maawa na po kayo ,” pagmamakaawa ko na lang sa mga bumbero habang patuloy akong umiiyak habang abala sila sa pagpatay ng lumalaking apoy. Lumipas pa ang ilang minuto, nagdeklara sila ng anim na bangkay pagkatapos humango ang apoy. Kasalukuyan namang may nagpunta ng mga taga estasyon ng telebisyon sa aming lugar para ibalita ang kasalukuyang nangyayari. Doon ako halos parang nawalan na ng pag-asa ng napag- alaman ko na ang lima sa mga narecover na bangkay ay ang aking mga kapatid pala at ang aking ina.Sa mga sandali na nalaman ko iyon ay bigla na lang ako nawalan ng malay. Pagkamulat ko ng aking paningin ay nakita ko kagad ang liwanag.Inakala ko na baka ako'y patay na rin at makakasama ko na rin sa wakas ang aking namatay na pamilya subalit habang lumilinaw ang aking paningin mula sa aking pagkakadilat, doon ko nalang narealize na ang liwanag palang iyon ay naggagaling sa ilaw ng kisame. Inikot ko ang aking paningin sa paligid ng isang kawarto kung saan ako naroroon. Nasa loob pala ako ng isang hospital.Dinala pala ako doon ng mga bumbero. Ngayon,nakita ko ang isang babaeng nakangiti sa akin na nakatayo banda sa aking kaliwa. “ Hi..kamusta kana? Ok kanaba? Ako pala si Ms. Ana Diaz na isang social worker sa DSWD. Humingi ng tulong ang departamento ng bumbero sa amin na tumulong sa pagpatay ng pagkalat ng apoy sa lugar ninyo pagkatapos ka nilang madala dito para matulungan ka ng walang nagpakilalang kamag-anak mo para sumama sayo dito sa hospital, ”bungad kagad ng babaeng nakatayo sa aking harapan. Ito na ang mga bagay na sobrang nagpadilim sa buhay ko na kung saan ay naging ulila na ako. Isang bagay na pinipilit kong ibaon sa aking nakaraan.Hindi ako sumasagot at dahil sa pangyayaring iyon ay natrauma ako. Halos ilang buwan din akong hindi nagsasalita at nakatulala lang. Namalagi ako sa DSWD ng halos tatlong taon lalo na ng malaman din ng taga DSWD na walang gustong mag-alaga sakin na galing sa mga kamag-anak ko sa magkaparehas na side ng ama at ina ko lalo pa’t halos hindi pa ako makapagsalita ng mga panahon na iyon bunga ng aking natamong trauma. KABANATA 3 ( Panibagong Oportunidad) ”Paano na yan girl?? Wala ka ng trabaho? Ano ng balak mong gawin?” sambit ng isa sa malapit nitong kaibigan na si Halina ng minsang nakatambay sila sa gilid ng Manila Bay habang nakatanaw naman sa malawak na tubig itong si Patricia. “Ewan ko, sa ngayon baka nga sa lansangan na ko matulog nito sa mga susunod na buwan kasi wala na akong pambayad sa upa ko..Buti na lang bago pa nangyari ito ay nakapagbayad na ako ng bayaran ko sa upa, tubig at kuryente ..Haysss, ” tanging tugon naman ni Patricia kay Halina na mapapansin ang kanyang kalungkutan habang nakatanaw parin ito sa kalayuan. “Paano na yung pag-aaral mo? Grabeh ka girl ..Pinupush mo parin yan? Haha magbebente kana gusto mo parin tapusin ang pag-aaral mo sa high school?Hindi kaba nahihiya? Parang ikaw na ata ang pinakamatanda dun na nag-aaral bilang isang high school student ah ahahaha, ” pabalik na pang-aasar sa kanya ni Halina..”Bakit naman hindi? Ayoko naman na habang buhay na lang na ganito ..Sobrang hirap ng buhay pero, naniniwala parin ako na makakamtan ko rin ang magandang buhay na gusto kong mangyari para sa sarili ko..Gusto ko pa rin masabi kong may pinag-aralan ako, ” pabalik naman ni Patricia sa kanya. ..” Bakit kasi ayaw mong tanggapin ang offer ko? Ang tagal tagal ko ng sinasabi saiyo ito diba? Mula pa ng makapasok ako dito after nating lumaya dun sa DSWD remember? Tingnan mo ako ngayon ..Hindi mahirap ang pera sakin at mas malaki ang kitaan ng pera dito naku! Maniwala ka kasi akin eh ako nga bahala sayo, " todong pagmamalaki na naman ni Halina sa kanyang kasalukuyang trabaho. “Naku po! Ms.Halina,ilang beses kona po bang sinabi sayo na hindi ko nga kaya yung ginagawa mo? Yung maging isang GRO ..Anu yun? Sumasayaw ka ng hubad sa lahat ng mga kalalakihan sa ibabaw ng stage? Tapos maraming lalaki ang tumitikim sayo? Hindi kaba nagkakasakit sa trabaho mo?” pabalik naman na sagot sa kanya nito. “Ano bang usapan na ito?Bastusan ba ito? Tinutulungan ka na nga, ikaw pa itong nagjujudge sakin? Na pinakamatalik kong kaibigan huh? So, sobrang dumi na ng tingin mo sakin ngayon ganun ba? Kung hindi dahil sa trabaho ko, wala akong naitulong sayo ng minsang nag-apply ka sa trabaho para ipanggastos mo sa pagkokompleto ng mga requirements mo ha oh… Sa ilang mga bagay na pinapautang ko sayo kapag nangangailangan ka na hanggang ngayon hindi mo pa mabayaran ng buo..Remember?” pagalit na sabi sa kanya ni Halina na nakapamaywang pa habang naroon parin sila sa gilid ng Manila Bay at patuloy paring nag-uusap. “I’m sorry pero, hindi naman sa jinajudge kita.Siyempre mahal kita kasi ikaw nalang ang tinuturing kong kapamilya ko.Alam mo namang lahat ng pamilya ko, nasunog dun sa bahay namin matapos kong malaman na si mama pala ang dahilan kung bakit nangyari yun dahil wala na sya sa tamang katinuan. Kaso kasi natatakot lang ako sa uri ng trabaho na pinapasok mo. Baka dahil jan, dun ka pa magkasakit.Alam mo yun? Yung kumakalat na sakit ngayon na AIDS o HIV?" pabalik naman na sagot sa kanya ni Patricia. “Oo nga pala girl , yun nga ang gusto kong sabihin sayo eh. Hindi na po ako isang cheap na GRO noh. Naglevel up na itong beauty ko hehe, isa na akong ESCORT GIRL ngayon..Oh diba?? Yung mga customer ko mga bigatin na rin, mas malalaki pa ang mga datung! ” masayang pagbabalita ulit sa kanya ni Halina. “Anong difference naman ng pagiging isang Escort Girl sa isang GRO? Eh hindi ba parehas din ang mga ginagawa nun?” pang-aasar naman ni Patricia sa kanya. “No no no.. Mas exclusive naman ang pagiging Escort Girl noh atleast dito mga malalaking client ang merun ka ..Yung tipong mga Businessman/ Tycoon, CEO o mga Heirs ang mga makikipagdate sayo, mga ganun atleast dito mas malaki ang bulusok mo sa pagyaman..Oh diba? Malay mo, dito mo matagpuan ang taong magpapabago ng buhay mo.Marami din kasi sa kanila na kaya pumapatol sa isang Escort Girl ay dahil nagsasawa na sa kanilang mga asawa oh gusto ng panandaliang aliw dahil sobra nilang busy sa work..Mas natatakot silang pumunta sa mga common bars dahil sa security nila,” karagdagang description pa ni Halina sa kanya..”Ok sige pag-iisipan ko ulit at sasabihin ko nalang sayo kapag nakapagdesisyon na ako,” huling sambit nalang ni Patricia sa kanya. “No problem sissy basta kapag gusto mona, sabihan mo nalang ako ah, " balik naman sa kanya ni Halina. Nagdaan ang isang linggo,talaga namang pinag-isipang maigi ni Patricia ang offer sa kanya ng kaibigan. Sa isip-isip na lang niya ay sobrang hirap na makakuha ng magandang trabaho ngayon na may maayos-ayos na kita. Lalo pa't kahit high school ay hindi pa siya graduate. Kailangan niya ng pera pangsuporta sa sarili nya, lalo na ngayon na isang taon na lang ay gagraduate na rin sya sa Grade 12. Hindi katulad ng kaibigan niya, nakukuha lahat ng bagay na gusto niya sa pagiging praktikal nito. Nagkita muli sila ni Halina at sumang-ayon na siya sa klase ng trabaho na kinabibilangan nito. Isang araw, hindi makapaniwala si Patricia na ang kanyang kaibigan pala ay nakatira sa isang magandang condominium sa Manila sa “The Fort”. “Wow! friendship ang ganda naman dito sobrang sosyal ah! bakit hindi mo sinabi sa akin na dito ka na pala nakatira ngayon.. Pang mayaman na ang level mo ngayon ah," pagkamanghang sabi ni Patricia kay Halina. “Actually sissy, last week lang ako nakalipat dito hehe..Guess what?? may sugar daddy na ako! pangsteady ko muna siya hehe.. Saka na lang magpalit ulit kapag nagsawa na hala! echos lang hehe. Sa ngayon, sobrang swerte ko talaga sa kanya kasi sissy isa syang American Businessman na may-ari sa isa sa mga naglalakihang condomimium sa Manila. Dito daw muna siya sa Philippines for good. Mamaya nga magkikita kami eh. Kaya nga dinala kita dito ay para maayusan kita kasi mamaya ang dagdag pa daw nya, may mga kasamang ibang mga business partner niya ..Ayon! sakto, pwede ka ng makahanap ng unang prospect mo dun, ” pagkukwento pa sa kanya nito. “Huh? foreigner pala ang nabingwit mo? ang swerte mo pala kaso natatakot ako friendship kasi, hindi ko alam kung paano ang makipag-usap sa kanila.. Hindi ako marunong? " pag-aalala namang sagot nito. “Don’t worry I’m hear to guide you my sissy.. Remember expert itong kasama mo noh hehehe," pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan sila ng magkasabay. “Wow sissy, you’re such stunning and very beautiful kapag naaayusan ka.. Kaloka ka muntik muna akong matalbugan ah hehe, ” masayang pagkakasabi ni Halina sa kanya ng makita siya nito. Matapos nitong makapagsuot ng isang magandang pulang gown na mahabang style ay bumagay ito sa kanya. Maituturing nga na, napakaganda ang mala pusong pigurang mukha ni Patricia at sabayan pa ng pagkakaroon nito ng kissable na labi na kahit hindi na maglipstick ay mamula mula parin ito. Balingkinitan din ang pangangatawan nito na sakto sa isang pigura ng coca cola. May matatayog na dibdib at matambok na likod sakto parang sa isang nagmomodelo. Hindi mo aakalaing nasa edad na bente lang ang aura ni Patricia. Bumagay sa kanya ang kasuotang pula na malambot ang tela na fit sa kanyang katawan. Lantad ang likod nito at halos takip naman sa harapan na makikitaan lamang ng korteng bilog na sumakto pa doon sa cleavage ng kanyang dibdib. Lumutang tuloy doon ang kagandahan ng malaking dibdib nito. “Sus! syempre ikaw pa rin ang number one sa kagandahan ..Saan pa ako magmamana, edi sayo syempre!" masaya namang sabi ni Patricia. Habang naghihintay sa labas ng main entrance ng The Fort sila Halina at Patricia ay bigla na lamang may humintong kulay itim na sasakyan na isang fortuner sa kanilang harapan. Bigla na lang hinila ni Halina si Patricia patungo sa nasabing sasakyan. Nang nasa loob na sila nito, “ Ano ito friendship? sigurado ka ba na dito dapat tayo sumakay? baka mahal ang singilin satin ng driver nito. Naku po! wala pa naman akong dalang pera paano na iyan?” nag-aalalang bulong ni Patricia sa kanang tainga ni Halina. Si Halina naman ay nakasuot ng isang makintab na tube na kulay itim na gown. Kita halos ang kaminisan ng malaporselana nitong kutis dahil siya ay may dugong italyana. Isa siyang half filipino at half italian. “Don’t worry girl! sasakyan ito ng honey ko.. Ang sabi pala niya, hihintaying na lang daw niya tayo doon sa Shangrila Hotel dahil may ginaganap na party doon… Let's go to the party! yahoo! ,” sagot naman ni Halina sa kanya. Kaganapan sa loob ng Shangrila Hotel. “Look, they are coming! the star of this event. They are so beautiful and very gorgeous. I bet on it” saad ng isang amerikanong businessman na nakasuot ng amerikanang damit na kulay ash gray. Nakatingin na ito sa dalawang nagagandahang babae na paparating sa loob mismo ng Shangrila Hotel. Halos nanlaki parehas ang singkit na mga mata ni Patricia habang patuloy silang naglalakad patungo sa pasilyo ng mga sandaling iyon. ”Oh watch out your mouth nakanganga ka na oh? sige ka, baka biglang tumulo yung laway mo diyan. Isarado mo nga po yan.. Nakakahiya sa mga nakakakita sa atin oh? " sita na lang ni Halina sa kanya na pabulong nang na star struck si Halina sa loob ng hotel. “Ay sorry friendship ..Hindi ko lang maiwasan kasi sobrang ganda dito sa loob. Akala ko sa mga palabas ko lang makikita ang ganitong kagandang lugar eh.. Piling ko nasa loob ako ng isang palasyo hehe, "bulong naman ni Patrica sa kanya. ”Hi! honey how are you? I’m very missed you! ” masiglang bati ni Halina sa excited na amerikanong businessman saka niya niyakap at hinalikan ang kaliwang pisngi nito .”Oh by the way just let me to introduce to you gentlemen my bestfriend, Ms. Patricia. Remember honey? she was the girl that I am telling to you, " magandang sabi ni Halina ng pinakilala niya si Patricia sa lahat. " Hi! beautiful lady nice meeting you. You’re such a very beautiful woman just like your friend Halina. All filipina women are so beautiful and I never doubt it at all hahahaha," masayang komento naman ni Mr. Mayer sa kanya. “Hi to all of you! and nice to meet you,” pagbati naman ni Patricia kasabay ng pagbow nito.“Oh by the way, this is Mr. Takashi and his girlfriend is just out there , then this is Mr. Ford ,his girlfriend is also hanging out with the other girls there. Then here is Mr. Fernandez .My filipino friend and he has no date haha .You can miggle with him if you want ? hehe, ” sarkastikong biro naman ni Mr. Mayer sa kanya. Pagkatapos nilang magkakilanlan lahat, parang nag-iba ang aura ni Mr . Fernandez…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook